Give us a CHANCE
Camille
Get ready Little Miss Manhater..." bahagya siyang tumigil at inilapit ang kanyang mukha sa akin at saka ngumisi "dahil mamahalin mo pa AKO." Sabi niya sabay kindat sa akin na siyang dahilan kung bakit ako kinilabutan. Gwapo si Draco at aaminin ko yun but for heaven's sake walang magagawa ang pagpapacute niya sa akin.
Yung mga tao naman sa paligid na kanina pang nanunuo sa amin dalawa ay kinikilig kay Draco sa mga sinabi niya, yung iba may mga popcorn ng kinakain galing kay Manong na nagbebenta ng popcorn sa park. Si Draco punong puno naman ng pag-asa sa kanyang mukha habang ang mukha ko ay di maipinta naman dahil sa hindi ko alam kung anong irereact ko sa mga pinaggagagawa at pinagsasasabi ng taong to.
Panigurado naman akong sa una lang siya magaling kagaya ng iba diyan sa una lang magaling tapos kapag nabilog na ang ulo saka iiwan. Saklap di ba? kaya nga isa ako sa di mabibilog ang ulo ng mga lalaking yan. I've learned my lessons already from my Childhood until now. Kung natatanong niyo ba kung nagkaboyfriend ako,well unfortunately my answer is yes. I have 3 exes na mga manloloko at pare-pareho nila akong niloko at binilog ang ulo, obvious naman di ba? Ang tanga ko na nga sa lagay na yun kasi umabot pa ng ikatlong lalaki bago pa ako nagising at natauhan sa mga pinaggagawa ko, kung bakit ba kasi kinain ko lang ang sinabi ko nung magsimula akong magdalaga na hinding hinding hindi ako magboboyfriend kasi nga walang matinong lalaki sa panahon ngayon at lahat sila manloloko, sorry boys sa mga nagbabasa nito I'm sorry kung nalahat ko kayo eh pero ganun naman talaga ang tingin ko sa inyo eh palibhasa ang nature ko kung hindi kamag anak na lalaking nangangabit ay kapitbahay naman. Yung tatay ko walang kwenta yun. Sukdulan ang galit ko dun dahil first of all niloko niya ang nanay ko, akala ko nung una nangangabit sa ibang babae ang tatay ko yun pala ang nanay ko ang ginawang kabit! Kaya simula nun iba ba ang tingin ko sa inyo.
Naramdaman kong bumitaw na sa kamay si Draco at sinabi niyang
"For now ang sagot mo sa akin ay 'No' pero di pa dito magtatapos ang panliligaw ko sayo well I guess after 3 years of courting ngayon ko pa lang masasabing nagsimula ang laban Camille. Lagi mong tandaan na I will not let you go Camille." He said it with smile at saka umalis together with his squad na ngalay na ngalay na siguro sa kakahawak ng mga illustration board niya.
Yung mga tao naman ay bumalik na sa kanya-kanyang mga gawain at ako naman ay naiwan na nakatayo at nag iisip kung anong gagawin kung paano ko siya papatigilin sa panliligaw sa akin pero di kalauna'y umalis na rin ako palabas ng park para umuwi.
---
Pagkauwi ko sa bahay ay halos walang gana akong sumalubong sa nanay ko na siyang nakaupo sa kanyang paboritong upuan at nagmano sa kanya.
"Oh anak bakit ganyan ka? May nangyari ba?" bahid sa mukha ni mama ang pag-aalala. Umiling na lang ako bilang sagot ko sa kanya sabay ng pagtalikod ko upang dumiretso na sa kwarto ko upang magpalit at ng makahiga na sa kama. Alam kong marami akong gawain ngayon pero pinagsawalang bahala ko muna dahil nawalan ako ng gana. Ewan ko ba baka pms na to ramdam ko na sigurong magkakameron ako. Pagkasuot ko ng pambahay na damit ay agad kong kinuha ang phone ko para sana maglaro ng Pokémon pero nakita ko may nag message kaya naman binuksan ko ito
From: 09****
Hi 😊
Napakunot naman ako ng noo dahil di ko kilala kung sino tong nagtext sa akin. Hindi na ako nag abala pang magreply kasi bukod sa sayang load at oras ay baka wrong send lang naman to o baka nantitrip lang kaya naman agad kong inexit at pinindot ang pokémon at naglaro ako.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalaro ng biglang nagring ang phone ko at may tumatawag. Nag init ang ulo ko kasi ito yung pagkakataong mahuhuli ko na yung legendary tapos biglang may ganun kaya sa inis ko ay sinagot ko yung tawag.
"Hello?" nakakunot na ang noo ko at halata mo sa boses ko ang pagkairita.
"Camille." Pagtawag ng lalaki sa akin sa kabilang linya. His voice seems familiar but anyawy I don't care kasi sasabunin ko pa siya kasi iniistorbo niya ako sa paglalaro.
"Sino to? Paano mo ko nakilala? Di mo ba alam na nakakaistorbo ka sa paglalaro ko?" reklamo ko sa kanya.
"Camille ako to si Renz" sa pagkakataong yun ay natigilan ako ng bahagya ng marinig ko ang pangalang yun. Ang pangalan ng Ex kong damuho.
"Hahahaha di ka pa rin nagbabago mukha ka pa rin pokémon." Dagdag pa niya.
"Hahahaha hindi ka pa rin nagbabago gago ka pa rin" sarkastikong patutsada ko sa kanya.
"Camille, alam kong nagkamali ako. I'm sorry... Hindi ko naman talaga sinasadya yun eh. Alam kong niloko kita pero—" bigla kong binabaan siya ng telepono because I don't want to hear any excuses from him pare-pareho lang naman kayo ng sinasabi at pinapangako sa babae eh para mabilog niyo ulit ang ulo naming mga babae.
Muli, ay nagring ang phone ko pero inisnaban ko na lang sa pag-asang titigil na siya sa pagtawag ngunit naulit pa ito ilang beses kaya naman sinagot ko na ito para patigilin siya.
"I don't want to hear your freaking excuses! Call again and I'll block your number!" Pagbabanta ko sa kanya at saka binaba ang telepono. Napahilamos ako ng mukha sa sobrang pagkairita ko sa mga nangyari ngayong araw na ito, after ng makulit kong manliligaw, ngayon ito namang ex kong damuho.
Narinig kong tumunog ulit ang phone ko and I guess it'sa text message kaya naman tinignan ko ito at di na ako nagtaka nang makita ko kung kaninong number pa ito nanggaling.
From:09***
I'm sorry Camille for what I've done, I know I'm stupid for leaving you without giving you reason. Alam kong mali na hindi ako nagpaalam sayo na aalis ako pero nandito ako ngayon nagbalik para patunayan na mahal pa rin kita at totoo lahat ng sinasabi ko hayaan mo lang akong makabawi. Please give me a CHANCE , give US a CHANCE...
--End of Chapter 2--
BINABASA MO ANG
Little Miss Man Hater
RomanceDue to her experiences with men namuo ang galit at bitterness mula sa kanya puso. Magmula nang iwan si Camille Nuevo ng tatay niya, lokohin siya ng boyfriend niya at iwanan siya ng walang paalam ng kababata niya ay hindi na sya nagkaroon pa ng tiwa...