Kung ilalarawan kita
para sa akin ikaw ang paburito kong kantaNag-iisa kanta
na kayang magpalabas
sa mga tulang gustong ibigkas
ng aking bibigMga salitang nakatago
at gustong kumawala sa ilalim ng aking dila
Kantang nag-uudyok sa aking ilabas
ang mga emosyon na hindi kayang ipakita sa ibaKantang nag papakalma
sa twing kabado ang nadadama
kantang nagpapakawala sa mga damdaming
nakatago sa pusong mahinaKantang nag-papaalala
na hindi ako nag-iisa
Na pagkaylangan ko ng kasama
ay ibigkas ko lang ang mga salita sa kanyang liriko
at bigyan ito ng tamang tono at ritmo
mararamdaman mong nandyan syaNa kahit sa pag-baba o pag-taas ng tono
pipilitin ko itong abutin
pero kung di ko man magawa
itoy aking uulit-ulitinNa kahit sa paraan ng paghinga
ito'y aking aaralin
para ika'y tuluyang makabisa,
para pakisamahan ang daloy moDahil para sa akin
ang pag-kanta kasama ka
ay parang pag-sama sayo patungo sa masalimuot mong nakaraanKaya patuloy parin kitang sasabayan
na pag ika'y umiyak ay meron ka naring balikat napagsasandalanNa kapag sinumulan mo ng iawit ang pighati ng puso mo
ika'y aking pakikingganDahil hindi mo kaylang ng iba
dahil tengang makikinig ay sapat na
kantang kahit malaos na
ay patuloy ko paring mamahalinPakikinggan ...
Kahit di na binibigyan pansin
at kung ako'y tatanungin
kung bakit ikaw ang paborito kong kantaIto langang tanging sasabihin
"ika'y walang katulad at nag-iisa"
2017,Oct.11
BINABASA MO ANG
Tula Galing Sa Puso Kong Tulala
Puisi"Tula galing sa puso kong tulala" walang magawa kaya ako'y sumulat ng mga corning linya tagalog at íngles ang lenggua at may ibat ibang klase ng tema ito'y buong pusong ginawa at sana magustohan nyo dahil baka bagising nyo katabi nyo na si Sadako...