Chapter
18
Agad na ipinaalam ni Daniel kay Josephine ang nangyari. Nalaman nilang may isang sasakyang bumangga sa puno kaya naman pinuntahan nila kaagad ito. May mga pulis na naroroon para mag-imbestiga.
“Yan po yung sasakyan nila Julia.” kumpirma ni Daniel.
Linapitan ni Josephine ang isang pulis para magtanong sa mga pangyayari.
“Boss, a-ano na hong nangyayari dito?” alalang-alalang tanong ni Josephine.
“Walang preno ang kotse kaya naman hindi na nito na-kontrol ang direksyon nito.” saad ng pulis.
“Eh asan po yung mga sakay?” mangiyak-ngiyak na kwestyon ni Josephine.
“Bukas ang mga pintuan ng kotse. Posibleng nakalabas sila pagkatapos bumangga sa puno o kaya naman tumalon sila bago maganap ang insidente.” sagot ng pulis.
“Eh teka kailangan niyo na silang hanapin.” demanda ni Josephine.
“Maco-consider lang hong missing ang isang tao after 24 hours. Maghintay lang po tayo misis.” sabi ng pulis.
“Eh pano kung may kung ano nang nangyari sa anak ko ha! Maga-antay pa tayo ng bente-kwatro oras para don!” sigaw ni Josephine.
“Tita, kumalma lang ho tayo. Mabuti pa umuwi muna tayo.” samo ni Daniel.
“Hindi! Pano na si Julia. Pano na ang anak ko?” bulaslas ni Josephine na nag-umpisa nang umiyak.
“Ii-inform na lang ho namin kayo kapag may lead na.” sabi ng pulis.
Pinatahan ni Daniel si Josephine at sinamahan ito sa pag-uwi. Dumaan na ang gabi pero wala pa din sila Julia at Quen.
“Wala pa din sila.” bigkas ni Josephine na halos mabaliw na sa kai-isip.
“Maghintay na lang po tayo hanggang bukas. Sigurado po ako na hindi pababayaan ng Diyos sila Julia at Quen.” salita ni Daniel.
Kinabukasan, maagang nagising si Josephine sa paga-akalang naroon na ang anak pero nadismaya ito noong nalamang wala pa rin sila. Lumabas ito at nakita si Daniel na nakabihis na ng pang-alis.
“Daniel, bakit nakabihis ka na? Ang aga pa ha.” taka ni Josephine.
“Marami pa po kasing aasikasuhin sa restaurant. Closing ceremony po kasi ngayon ng Bon Appetit kaya marami pa pong gagawin don.” sagot ni Daniel.
“Ano!? Magsasara na ang Bon Apeetit?” laking-gulat ni Josephine.
“Opo. Gusto niyo po sumama kayo. Baka pumunta po dun sila Julia at Quen.” aya ni Daniel.
“Sige sige magbibihis lang ako.” sang-ayon ni Josephine.
***
Nagising si Quen. Nakita niya ang araw na sumisilaw sa kanyang mga mata. Nasa damuhan siya. Siguro ay nasa baba na siya ng kapatagan. Sinubukan niyang bumangon pero nahirapan siya, masakit ang ulo niya. Kinapa niya ito at nalamang may sugat ito at nagdudugo pa. Ginamit niya ang natitira niyang enerhiya at tumayo. “Aray...” kapa niya sa kanyang ulo. Tinignan niya ang cellphone niya at nakitang isang araw na pala ang lumipas simula noong na-aksidente sila ni Julia.
“Ano?! Buong gabi akong walang malay dito.” laking-gulat niya. Hinanap niya kaagad ang kaibigang si Julia. Tumakbo takbo siya at sinisigaw ang pangalan ng kaibigan. “Julia!”
Sa kanyang patuloy na paghahanap, may nakita siyang isang bahay. Luma na ito at tila walang nakatira dito. Pumasok siya dito para maghanap ng first aid para sa sugat niya.
BINABASA MO ANG
Case Closed: A Recipe For Disaster
Mystery / ThrillerJulia and Quen team up once again to investigate the murder of a famous restaurateur. Makuha kaya nila ang tamang timpla at panglasa sa misteryong ito?