ERIN
NAGISING ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kulay abo ang kisame at medyo madilim, tanging isang lampshade lang na nasa tabi ko ang nagsisilbing liwanag para makaaninag ako.
Inilibot ko ang paningin ko. Malinis ang buong kwarto, merong dalawang itim na sofa, maliit na coffee table at malaking tv. Masasabi kong malawak ang kwarto na ito ngunit hindi ko alam kung kanino ito.
Inalala ko muna ang mga nangyari bago ako napunta sa kwarto na ito.
At ng mag sink in sakin ang nangyari ay agad akong bumangon sa kama.
Ang boses na yon! Alam kong kay Scott iyon! Pero nasaan siya? Bakit wala siya dito? Pero ang tanong siya nga ba talaga yon?
Agad akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto, bumungad naman sa paningin ko ang isang malinis na sala. Napakatahimik.
Agad nawala ang atensyon ko sa may sala ng makarinig ako ng ingay, pinuntahan ko iyon at doon ay nakita ko ang isang lalaki, nakatalikod ito sa akin habang may ginagawa sa sink, at dahil nakatalikod siya ay hindi niya alam na may tao sa likod niya.
Dahan dahan akong lumapit, hindi pa ako nakaka-tatlong hakbang ay nagsalita ito.
"Your awake."
Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang malamig nitong boses.
S-siya y-yung l-lalaki s-sa B.S Weapons building? Hindi ako pwedeng magkamali, Naaalala ko pa ang nakakatakot niyang boses. Kung ganun ay hindi siya si Scott? Pero sino yung nagsalita kanina bago ako mawalan ng malay?
Nakatalikod padin ito sa akin kaya hindi ko lubusang makita ang mukha niya. May pag-asa pang siya si Scott. Pero paano niyang nagawang tutukan ako ng kutsilyo sa leeg?
"A-ah o-oo."
Maikling sagot ko at saka yumuko.
Sh*t! Bakit ba ako nauutal?
"Sit here! I'll just prepare your dinner."
Sabi nito at lumapit sa may mesa. Tumango lang ako habang nakayuko. Ayaw ko pang makita ang mukha niya. Natatakot ako sa pwede kong makita. Natatakot ako na baka hindi siya si Scott at nag hahallucination lang ako. Pero mas natatakot ako na malamang siya si Scott pero nagawa niya sakin ang ganun na bagay.
Nakayuko akong lumapit sa may mesa at dahan dahang umupo. Hinintay ko lang na matapos siya sa ginagawa niya tulad ng sabi niya.
Nang lumapit ito sa mesa at hinanda ang mga pagkain na hawak niya ay lalo ko pang iniyuko ang ulo ko.
"Eat now!"
Utos nito sakin at saka siya umupo sa may tapat kong upuan.
Hindi ko alam kung paano kikilos. Ayoko talagang makita ang mukha niya. Dahan dahan kong hinawakan ang kutsara na nasa plato ko at kumuha ng ulam. Plain rice at menudo ang nasa harapan ko. Kahit natatakam ay kinuntian ko lang ang pag kuha. Nakakahiya naman kung makakarami ako ng kain. Kababaeng tao ko pa naman.
Dahan dahan akong sumubo habang nakayuko padin. Nagtataka ako kung bakit hindi pa siya gumagalaw para kumuha nadin ng kakainin.
Ramdam kong nakatitig lang ito sa akin kaya lalo ko pang iniyuko ang ulo ko. Natetense ako, at hindi ko alam kung bakit?
"Bakit ka nakayuko?"
Tanong nito sa malamig na boses. Bahagya pa akong napatigil dahil nag tagalog ito. Marunong naman pala siyang magtagalog eh bakit english siya ng english? Tsaka mas masarap pakinggan ang boses niya kapag tagalog ang ginagamit niyang lenggwahe--- masarap? Err tumigil ka Erin! Tandaan mo muntik ka ng mapahamak ng dahil sa kanya.
Umiling lang ako bilang sagot, ayoko ng magsalita baka kung ano pa ang masabi ko.
Pakiramdam ko ay kumunot ang noo niya at mataman itong nakatitig sa akin. Bigla tuloy ako naging balisa.
Naging tahimik lang ang pagkain ko hanggang sa tumayo ito sa kinauupuan niya, ipinatong niya ang dalawa niyang siko sa mesa, at dahan dahang inilapit ang mukha niya sakin. Nakayuko padin ako at hindi umiimik.
Tinignan ko naman ang kamay kong nanginginig na ngayon na nasa ilalim ng mesa.
Nagulat ako ng hawakan nito ang baba ko.
Ang init ng kamay niya!
Dahan dahan niya naman itong itinaas. Dahil hindi pa ako handa makita ang mukha niya ay pumikit nalang ako.
Nakaangat na ngayon ang mukha ko pero nakapikit. Nararamdaman ko na ang hininga niyang tumatama sa mukha ko. Mariin ko pang ipinikit ang mata ko ng maramdaman kong hinawi niya ang buhok na tumatabing sa mukha ko.
"Open your eyes!"
Seryosong sabi nito pero umiling lang ako. Hindi! Hindi pwede!
"Open your eyes or else!
-
-
-
-
-
-
-
-
-
I'll kiss you."Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang sinabi niya.
At saktong namang nagtama ang mga mata namin at napanganga nalang ako ng makita ko ang magandang singkit nitong mata ngunit walang bahid ng emosyon. Kilala ko ang may ari ng mga ito.
Perpektong korte ng mukha, matangos na ilong, mapulang labi, makinis na mukha, singkit na mga mata ngunit tsokolate ang kulay.
Iyon ay pag aari niya, pag aari ni Scott, pag aari ng nasa harapan ko ngayon!
"S-scott?"
***
YOU ARE READING
JAIL ACADEMY (On-going)
Misteri / Thriller... What if the loss of her friends would allow the past to open up? Turbulent pasts connected to the present? An unusual school, A school with many students sacrificing their life and a school you can call a PRISON. 'Erin Mitch France is her name...