| Sabrina |Unang araw ng bakasyon excited na ako kasi syempre new experience sa iba't ibang lugar. Pero ito kasi yung unang pagkakataon na hindi ko makakasama yung bff ko na si Hailey Alexis Carlson. Isa syang mabait, maganda, matalino at mayamang babaeng na nagtiis sa isang tulad ko. Ako si Sabrina Zalvei, mabait na babae kapag tulog, masipag kahit papaano pero talented na taong makikilala mo at oo nga pala pahabol naging magkaibigan kami dahil sa Bangtan Sonyeondan, yung mga bebe ko.
Kinuha ko yung phone ko para i-chat si Hailey. "Hail! Punta ako sa bahay nyo." Kasi maraming pagkain at may pa-waypay doon tapos nandoon din yung pinsan nya na super sa kapogian at the same time napakatalino rin si Sean Alexander Klein. Hihihi kinikilig ako kasi sya yung tipo ng lalaki na kahit alam nya yung nararamdaman ng isang babae di parin nagbabago yung pakikitungo nya.
Pagkadating ko dun sa gate ng bahay nila nakita ko agad mommy nya. "Hi po tita!" sabi ko.
"Nasa kwarto si Hailey, nagpapractice naman ng basketball si Sean." sabi ni tita.
"Ah ok po thank you, tita." Di ba galing ni tita pwede nang secretary ang daming nasasabi kakapasok ko palang.
Pagkapasok ko sa kwarto nakita ko si hailey nasa sofa. "Hail! May sasabihin ako."
"Ano yun sab?" Sagot nya sa akin.
Pinaliwanag ko na yun nga aalis kami ng family ko so di matutuloy yung mga outings namin kasama si Sean.
Nanghihinayang man kaming dalawa pero wala na kaming magagawa sa desisyon ng mga magulang ko. Kasi parang kapatid ko na sya kasi nga ganon talaga pag wala kang kapatid.
Nagstay ako ng medyo matagal syempre nag good bye muna ako sa waypay. Tapos nagpaalam na ako at higit sa lahat nagpasalamat kasi syempre ang dami na nilang naitulong sa akin.
Kasi, the time na naging magkakilala kami ni hailey dun na nya agad ako pinakilala as her best friend sa family niya tapos dun ko lang nalaman na ngayon lang sya nagkaroon ng bff na hindi sya ginagamit.
Umuwi na ako para makapagempake na ng gagamitin ko sa trip. Pagkauwi ko sakto nakita ko yung mommy ko na naghahanda na ng pagkain para sa dinner. Ilang saglit lang ay dumating na rin si daddy.
"Sabrina ano sabi ni Hailey nung sinabi mo na aalis ka?"tanong ni mommy.
"Syempre po nalungkot sya kasi di na matutuloy yung mga plano namin." sabi ko kay mommy.
Nagulat ako ng biglang may sinabi si daddy. "Eh di ipagpaalam mo yung kaibigan mo kung gusto nya sumama." sabi ni daddy.
Dahil sa sinabi ni daddy hindi na ako masyadong nalungkot. Pagkatapos ko kumain natulog agad ako. Pero bago yun tinanong ko muna si daddy kung ililibre nya si hailey. I'm very happy kasi yun na nga ililibre namin si hailey papuntang palawan.
Pagkagising ko pumunta ako sa bahay ni hailey tapos nakalimutan ko magsabi. Kaya ayun walang magbubukas ng gate pero binigyan naman ako ni tita ng susi ng bawat pinto sa bahay nila kaya ayun hindi naman ako masyadong nahirapan.
YOU ARE READING
S L O W L Y F A L L I N G F O R F O U R B O Y S
Teen Fiction"Sabihin mo sakin kung hindi mo ako kayang mahalin, hindi yung pinapaasa mo ako na kahit papano, pwedeng maging tayo." A story about a girl, and the four boys she's slowly falling for. Who will she choose?