| Sabrina |Pumasok ako sa kwarto ni hailey tapos nakita ko syang tulog pa so... ginising ko sya para sabihing magimpake na ng gamit kasi sasama sya.
"Hail!!" Sumigaw ako ng napakalakas."Bakit anong nangyari" nagulat sya the way na sabihin nya yun. Tapos tumawa ako ng tumawa eh kasi naman yung mukha nya hahahahaha.
Nagexplaine ako kung ano ang ginagawa ko sa kwarto nya tapos ayun natuwa si ate gurl sa sinabi ko. Habang hinihintay na magising si tita inayos na namin yung mga gamit nya.
Habang nagluluto ako ng pancake nakita ako ni sean. Tapos tinanong nya ako.
"Hey sab! Bakit ka nagluluto ng breakfast dapat si ate mel nalang pinagawa mo nyan para di ka mahirapan" sabi nya sa akin.
Deep inside kilig na kilig na talaga ako sa mga pinagsasabi nya. Ang gandang bungad ng umaga. Sumagot ako sa kanya "hi! Good morning ehhh kasi need ko lang gawin toh para payagan si hail na sumama sa amin sa palawan"
"Sama ako please wala rin naman akong makakasama ehh gawin natin yung mga plano natin sa palawan" sabi ni sean tapos yung tono ng boses nya excited mode.
Pero napaisip ako kasi hindi ko sya malilibre kasi nga si daddy manlilibre kay hail syempre poor lang naman ako kaya ayun sinabi ko sa kanya yung totoo.
"Sorry ha poor lang ako kaya di kita kayang isama"
"Ahhh yun lang ba problema ako na bahala sa pamasahe ko ilibre na rin kita papunta at pabalik"
Nung narinig ko yun sobrang saya kasi makakasama ko yung ultimate crush ko sa trip ng buong summer ko. Kaya ayun pumayag na rin ako tapos nagmamadali syang nagayos.
Pagkababa ni tita nagulat sya na nandito ako sa bahay nila.
"Sab good morning what are you doing here?"
"Ahhh kasi tita ipagpapaalam ko lang po hail kung pwede po syang sumama sa trip ng family ko sa palawan? Kung okay lang po kami na po bahala sa gastusin nya doon"
"Ahhh ok lang naman sasama rin si Sean noh kunwari ka pa si Sean lang naman talaga dahilan kaya sinama mo si Hailey" sabi ni tita habang nakasmile sa akin.
At last pumayag si tita sa plano namin. I'm very happy na makakasama ko si hail with my handsome Sean. Tapos ayun na nga nakarating na kami sa bahay ginamit ko yung kotse ni daddy.
"Buti naman pinayagan ka Hailey" sabi ni mommy. Tapos binulungan nya ako "sino yung kasama ni hailey bf nya ba yun?"
"Hala mommy grabe ka naman pinsan nya yan" pinakilala ko si mommy kay Sean pati si Sean kay mommy. Tapos feeling ko pinapakilala ko yung bf ko hahaha kinikilig ako.
Di na kami pumasok ng bahay kasi paalis na rin kami malalate na kami baka iwanan na kami ng eroplano.
Nasa eroplano na kami syempre ako yung nagasikaso ng uupuan namin. Tapos katabi ko nun si Sean para makilala ko pa sya.
Habang nasa biyahe nilamig ako kasi ang lakas ng aircon ng part kung nasaan kami nakalimutan ko yung jacket ko sa maleta kaya ayun tiniis ko. Nanginginig ako sa lamig kaya tinulog ko nalang.
"Sab gumising ka na" naririnig ko si Sean.
Nagulat ako dahil nung nagising ako wala nang tao sa eroplano kami nalang ni Sean. Tumayo ako tapos tumakbo ng mabilis nahawakan ko yung kamay nya for the first time.
"Mommy, daddy bakit nyo ako iniwan pati ikaw hail iniwanan mo rin ako" sabi ko sa kanila.
"Di ka namin iniwan Sab si Sean nagsabi na sya nalang daw gigising sayo?!" Sabi ni Hailey
"Ok?" Nagtaka ako kasi for the first time may nagstay para sa isang tulad ko I really feel something.
Nasa hotel na kami nagyaya agad si Hail.
"Sab tara swimming tayo sige na?!" Sabi nya sa akin
Pero ang totoo gusto lang nya ipakita sa mga tao yung pinaghirapan nyang figure.Di dapat ako sasama pero isang saglit.
"Sab sige na para magawa natin lahat ng plano natin"
"Ahhh ok tara!" Sagot ko sa kanya.
Nasa beach na kaming tatlo tapos may lumapit sa aming lalaki inaamin ko gwapo kasi half canadian. Cute sya tapos biglang.
"Hey guys!" Sabi ni kyahhh
"Do we know you?" Sagot naman ni Sean.
Omggggggggg hahahahaha parang may magaganap na away.
"Hi din pero sino ka ba?" Yung boses ni hail napakapabebe yung unang dinig mo palang mabubuwisit ka na.
"I'm sorry by the way I am Crysler Lewis I just want to know what's your name" sabi nya ng nakasmile.
"Who do you want to know, me?" Biglang sagot ni Sean ng mayabang.
Tapos bigla nalang nya akong tinuro. Yung totoo kinikilig ako kasi may nagkagusto sa aking gwapong lalaki at mukhang mayaman. Kahit na maghapon sa araw amoy baby parin.
"Di mo sya kailangang makilala bakit? Pulis ka ba?"
Nakakagulat kasi iba yung sagot nya kay crysler parang naging ibang tao sya. Kasi dati wala syang masyadong pakialam sa mga nakikilala ko.
"Hi Crysler I am Sabrina Zalvei" sabi ko sa kanya para matapos na kasi baka magkaroon pa ng away.
"Nice meeting you Sab?! See you later" sabi nya sa akin.
Eh di ito naman si ako kilig na kilig pero bigla akong binatukan ni Hailey.
Papunta na kami sa beach nagsaya kami tapos tinawag na kami ni mommy para kumain.
YOU ARE READING
S L O W L Y F A L L I N G F O R F O U R B O Y S
Novela Juvenil"Sabihin mo sakin kung hindi mo ako kayang mahalin, hindi yung pinapaasa mo ako na kahit papano, pwedeng maging tayo." A story about a girl, and the four boys she's slowly falling for. Who will she choose?