CHAPTER 10
“Yo!” tumingin siya sa akin at napa salute. Nagulat ako dahil lahat ng babae sa classroom ay kumunot lahat ng kilay. Hay! Ito nanaman tayo.
“Please, Mr. Luke have a seat. Don’t cause any ruckus in here.” Sinabi ng isang lalaki na kala mo wala siyang ginagawa! Siya kaya ang may kasalanan kung bakit ang “MAPAYAPANG” buhay ko ay nasira!
“Can I seat here?” sabi niya. Hanggang pagtingin ko gusto niya sa tabi ko?! Di nga!! Gago lang?! TSK! Di nga Ally?! Bad word lang? Hay sorry! Di ko na mapigilan.
“But someone is sitting right there. Can’t you see?!” Wine-wave ko ang kamay ko sa mukha niya tinitignan baka bulag tong lalaking to. Naniniguro lang malay mo.
Hinawakan niya bigla ang kamay ko at kinalibutan ang buong katawan ko, tinanggal ko kaagad ang kamay ko at umayos na sa upuan. Itong seatmate ko umalis rin!
Pina upo siya sa tabi ko. Lang hiyang, Ray yan tuloy lahat ng babae nakatitig nanaman.
Nagsimula na ang discussion. Alam ko hindi ako maka-concentrate paano nakatitig lang tong lalaki sa akin! Nagsulat ako sa maliit na papel at binato sa kanya.
“Pumunta ka ba dito para asarin ako?!” tumawa siya ng malakas at nagulat ako. Binigyan ko siya yung look na parang may apoy na lalabas sa ilong ko, nakataas pa ang kilay ko at lumaki ang mata ko. OO, na hindi na lady-like! Eh ano naman, not like I care!! I hate boys!!! Ok aaminin ko except Sir Gan…
“Yes, Mr.Luke want to share something?” sabi ni demonyong guro. Bagay silang dalawa magsama kayo ng disciple mo!
“HAHAHAHAHAHAHAHA!” walang hiya tong mokong na ito! Tumatawa parin. Tinignan ko ang mukha ni Sir at halatang na aasar narin kaya…
“Luke, if you have nothing to share. Mind if you answer this?” Huh? Tumingin ako sa pisara at may problem solving na nakasulat, na sigurado hindi niya masasagot. Binulong ko ang sagot sa mokong na ito.
“PST, y=2x^2”
Pinapunta siya nung demonyong guro na iyon sa harap. Patay! Ako ang may kasalanan nito eh binigay ko kasi sa kanya ang papel na iyon baka madamay pa ako. Sinulat niya ang sinabi kong y=2x^2
“That is wrong.” Huh ano!? Sagot ko kaya ‘yan! Lang hiya! Paano magiging mali yan!!!
“HAHAHAHAH! Tsk, I guess you get wrong too ha.” Sabi ni mokong buti nalang hindi siya nakatingin sa akin, parang kausap lang niya ang sarili niya pero alam ko na ako yung tinutukoy niya. Kasi sino pa ba ang nagbigay nun?!
Yumuko ako dismayado, ang bigat ng ulo ko kala mo may naka angkas na malaking bato. Tumingin ako sa kanang seatmate ko at nagulat mukha daw akong multo, kasi daw parang may black aura na lumalabas sa akin.
Bigla pagtingin ko may sagot na siya. HA? Wala man lang solution.
“Good, that’s the right one. Please seat done” Waaaah! Matalino pala tong mokong na ito! Nakakahiya naman huhuhu, nagbigay pa ako ng maling sagot. NAKAKAHIYA!!!!
Umupo na siya at biglang… BIGLANG NATULOG?! Niloloko mo ba ako?! Parang wala pang isang oras sa klase bagsak na?
Tsaka ano ba ang mali ko sa sagot ko? Tsk! Asar! Natalo ako nitong lalaking to!!
Pero pag titigan mo siya ng maigi may itsura talaga tong mokong na ito.
A/N
OH NO! NAGKAKAGUSTO NA KAYA SI ALLY SA MOKONG NA IYON?! PAANO NA SI GAN?!
Patuloy lang ninyo basahin ito! Hehehe magiging exciting na ito!! Sandali exciting naman talaga to ah! Huhuhu sana dumami na ang Reads! Thank you!!!
BINABASA MO ANG
TADHANA (On-Going)
Non-Fiction"Nakita ko siya nakikipaglampungan sa loob ng campus." Mag iisang taon na nakalipas noong nakita ko iyon. Ngayon ang unang araw ng pasukan ibig sabihin bagong buhay. PERO... Ano kaya mangyayari kung ang taong pinaka kinamumuhian mo ay magiging gur...