Ting!
Hinila ako ni Lexell palabas ng elevator. Tulala pa rin ako sa nangyayari. Nasa tapat na kami ng suite namin.
"Card" maiksi niyang sabi. Tinanggal niya na ang pagkahawak ng kamay niya sa akin at isinahod ito.
"Card?? What card?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan pa rin ako.
Kumunot ang noo nya. "Card, malamang we need it to open the door."
Oo nga naman, ang syunga ko. Di ako nakakapag-isip ng matino. Kinuha ko sa bulsa ko at inabot sa kanya. Nang makapasok kami sa room ay nilock niya agad yung pinto.
Nataranta ako bigla. "Oh my God, you perv! Anong gagawin mo sakin?? Dont you dare come near me!!
Umatras ako ng bahagya at pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"Excuse me?? You're so green. You're not my type kaya kalma." nakakunot pa rin ang noo niya at may hinagis siya sa akin na tshirt na kinuha niya sa luggage niya.
"Change your shirt, you look nasty." utos niya at sabay walk out palabas ng room.
Ngek..nakakahiya masyado akong assuming. Ang suplado na naman niya. Ang sakit lang sa nunal, harap harapan niyang ipamukha sakin na di niya ako type. Kung sabagay si Lexell Guevarra yan, what do you expect. Mga super hot models at magaganda ang mga type niyan. Sino ba naman ako..hay...kalorkey!!
Eehh..anu ba na naman ang iniisip ko. Why should I give a damn with his opinion? I don't like him either. Pero kanina when he's holding my hand, I felt something strange. Parang may electric current na dumaloy sa buong katawan ko. Mukhang bago sa system ko kaya napatulala na lang ako. Hay ulit...erase...erase na nga.
Pumasok na ako sa banyo para magpalit ng damit.
"Ang laki naman" sabi ko sa sarili ko. Semi fit eto malamang kay Lexell pero since malaking mama siya nagmukhang maiksing dress ito sakin. Binuhol ko eto para makita yung shorts ko at para di naman magmukhang pantulog.Tumingin ako sa salamin para icheck kung anung itsura ko...nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakaprint sa Tshirt.
"LEXELL GUEVARRA owns me!!"
Hahaha..kalorkey ulit. Bakit may tshirt siya na ganito? Lumabas na ako ng banyo at naupo ako sa couch. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ako ng unit at bumalik sa resto. Nahihiya ako sa suot ko. Gusto kung hubarin pero wala naman akong tshirt na ipapalit kaya no choice ako. Ayoko rin mag isa dito sa unit kaya napagdesisyunan ko na lang na bumaba at bumalik sa Fab.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa resto. Grand entrance na naman ako. All eyes na naman sila sa akin at nakangiti pa. Sabi ko na nga ba..agaw pansin talaga ang tshirt.
Awkward....
"Woòohh!!" si James
"Pwede!!" tukso ni Elijah
"Nice shirt Zianne, suites you." pati si Tito Robert ay nakisali rin sa panunukso.
Ngumiti ako ng pilit at derederetso akong umupo sa tabi ni Lylle katapat lang ng upuan ni Tito. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Tumingin ako sa pwesto ni Lexell. Kampante lang siyang nakaupo hawak ang kanyang cp at iiling-iling.
"Ayieehh!! Girl bagay." bulong sakin ni Lylle at kinikilig pa ito.
"Tssskk...stop mocking at me." medyo naiirita na ako sa mga panunukso nila. Hindi ako komportable sa ganitong sitwasyon.
Magsasalita pa sana si Lylle pero mabilis kung tinakpan ang bibig nya.
"ASDFGGJKL..." si Lylle
Tawanan na naman ang lahat maliban sakin na nakabusangot.
Nabasag ang tawanan nung tumunog ang cp ni Tito Robert. Sinagot niya naman ito.
"Hi" sabi ni Tito
"Thats good-" biglang lumiwanag ang mukha ni Tito at tumingin sa direksiyon ni Lexell.
Ngunit napalitan agad eto ng pagkakunot ng noo niya "Right now?? Why in a rush??"
Kinalikot ko na lang ang celfon ko para di naman obvious na nakikinig ako sa phone conversation nila Tito. Kunwari busy ako sa pagttext pero alert ang tenga ko.
"I see, I can send him right away there to sign the documents but be sure he'll be back soon. We're in a mall tour right now. Good thing we still have enough time." patango tango pa si Tito at nakatuon pa rin ang atensiyon niya kay Lexell.
Mukhang nagets naman yata nito na tungkol sa kanya ang pinag uusapan kaya sinalubong niya rin ito ng nagtatanong na tingin si Tito.
"Yeah, alright no problem. Bye" pagtatapos ni Tito at sumenyas eto kay Lexell na lumapit sa kanya dahil sa kabilang dulo ng table nakaupo si Lexell.
Binalik ko ang atensiyon ko ulit sa celfon ng nakita kong palapit na siya sa pwesto namin. Nahihiya pa rin ako dahil sa inakto ko kanina sa room.
"What is it all about?" narinig kong tanong ni Lexell.
"Yung endorsement project mo with Pamela confirmed na with Calvin Klein at they're really in a rush. You need to report now to their office to sign the documents. Paalis tomorrow ang organizer nila para ifinalize ang schedule ng shoot niyo." mahabang paliwanag ni Tito.
"As in now?" paniguradong tanong ni Lexell.
"You heard me, right?? Don't worry it won't take that long. Malapit lang naman office nila from here." paliwanag pa rin ni Tito.
"Alright, do I have a choice?" pagsuko ni Lexell.
"And don't worry Zianne will go with you. She'll be the one to assist you."
Did I hear it right from Tito? I looked up wearing a curious look.
"Why me?"
"Why her?"
Nagduet pa kami ni Lexell at nagtantiyahan ng titig sa isat-isa. Sounds ayaw niya akong makasama. As if naman gusto ko. The feeling is mutual neknek niya.
"Di ako pwede, they need me here more than you do. Zianne can handle it well and for sure di rin pwede si Lylle at ibang team, kailangan sila dito ngayon. Right Lylle??" makahulagang sabi ni Tito at nakangisi pa kay Lylle.
"Yeah right." makahulugang sabi din ni Lylle at kumindat pa kay Tito.
Di naman sila obvious sa plano nila. Playing stupid cupids ang drama nila ngayon. It's not a matter of chance lang talaga kundi it's a matter of their choice para pagsamahin kami ni Lexell.
"Whatever"...sabay na namang sagot namin ni Lexell.
Nakakunot noong nagkasalubong ang mga mata namin.
WHATEVER....
BINABASA MO ANG
I'M AFRAID I'M FALLING FOR LEXELL ANTHONY GUEVARRA
Romance"Maybe I'm too late to be your first, but right now I'm preparing my self to be your last"....Laverne smiled mischievously.