Chapter thirty-two

5.5K 125 8
                                    

Chapter Thirty-two

"Ang ganda mo Alessana, ikaw na yata ang pinaka-magandang bride na nakilala ko." Nakangiting sabi ni Maria kay Alessana.

Ngayon na kasi ang kasal nila Ark at Maria at gaganapin ito sa isang tagong beach resort na kabibili pa lang ni Denver. Ang plano naman kasi talaga nila ay sa abroad iyon gaganapin pero nag-offer si Denver na isang beach wedding na lang ang gawin nila at nagustuhan naman iyon ni Alessana.

"Nako, binubola mo naman ako Maria." Nakangiting sabi naman ni Maria habang nakatingin siya sa salamin.

"Hala! Hindi kaya, kelan ba kita niloko?" Muling sabi naman ni Maria.

"Nako kayong dalawa, tumugil na kayo diyan  sa bolahan niyo, kanina pa naghihintay ang groom mo Alessana." SIngit naman ng baklang nag-ayos kay Alessana.

Hindi na din naman nagtagal ay lumabas na din sila sa kwarto na tinutuluyan nila.

Pag tapat pa lang ni Alessana sa pintuan na inilagay nila para kunyari may pintuan parin siyang papasukan.

"Maiwan na kita diyan Alessana." Bulong ni Maria kay Alessana nang marating na nila ang pintuan. Agad na tumango naman si Alessana sa kaibigan.

Hindi pa man nagsisimula ay napapaluha na si Alessana, hindi kasi niya inaasahan na ikakasal pala siya. At ito na ang araw na yun.

This is it Alessana, magiging misis kana ni Ark. Ito na ang matagal mo nang pangarap. Bulong ni Alessana sa kanyang isipan.

Narinig na niya ang musika na napili nila ni Ark, agad na kumabog nang malakas ang dibdib ni Alessana, lalo na ng dahan-dahan ng bumukas ang pintuan.

I may burn out like a candle and
I may pass away
I may fall just like a shooting star
my heart will stay
I'll be yours until forever,

Agad na tumulo ang luha ni Alessana sa kaliwang pisnge niya nang marinig niya ang intro ng kanta na napili nila ni Ark. Ang totoo hindi niya alam ang kantang yun, si Ark kasi ang pumili ng magiging kanta sa paglakad niya sa altar.

Agad na nagsimulang humakbang na si Alessana nang magbukas na ang pinto. Agad na bumungad sa kanya ang mukha ng mga kaibigan nilang inimbitahan ni Ark, at syempre ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya.

Kitang kita ang mangha sa mga mukha nila nang Makita nila si Alessan, lalo na si Ark, walang mapag-lagyan ang saya na nararamdaman niya nang Makita ang babaeng mahal na mahal niya.

Pero natigilan ang lahat sa hindi inaasahang pang-yayari. Ang kaninang puno nang saya at tanging musika lamang ang naririnig ngayon ay isang Alingawngaw na lang ng baril ang nangingibabaw.

Parang huminto ang pag-ikot ng  mundo ni Ark nang Makita ang kulay pulang likido na sumasakop sa kulay puting gown na suot suot ni Alessana.

Dahan-dahang natumba si Alessana, nabitawan na rin nito ang hawak hawak na bouquet at napalitan na iyon ng kanyang dibdib kung saan dumadaloy ang dugo. Agad na inilang-hakbang ni Ark si Alessana.

Nagkakagulo na ang mga bisita nila, natatakot, natataranta.

"Alessana, Baby... Please! Don't leave me." Pagmamakaawa ni Ark sa babeng nasa kanyang kandungan, pilit na lumalaban para sa taong mahal na mahal niya.

Hindi naman mapigilan ni Ark na hindi mapaluha habang nakikita niyang kaunti nalang bibitaw na si Alessana, pero hindi pwede. Hinawakan niya ito sa kamay.

"Lumaban ka baby, tumawag na ng tulong si Denver, Please..." Humahagulhol na sabi ni Ark sa dalagang papikit na. Hindi siya pwedeng iwan nang kanyang mag-ina.

Si Alessana at ang magiging anak niya na ang buhay niya at hindi na niya kakayanin kapag nawala pa ang dalawa.

"B-Baby...w-wag k-ka na umiyak... k-kasal natin o... p-pwede mo ba a-akong halikan, bilang t-tanda na ikinasal na a-ako sa iyo..." Pilit na sabi ng dalagang si Alessana, kasabay ng pagbugalwak ng dugo galling sa kanyang bibig.

Agad na napapikit si Ark at napaiyak. Hindi niya mapigilan. Sobra siyang natatakot... natatakot na baka mawala ang mag-ina niya.

Ito ang pinakakinatatakutan ni Ark...

"Baby... wag mo kong iiwan ha?" muling paki-usap ni Ark sa nobya. Agad na dahan dahan naman niyang inilapit ang kanyang mukha sa dalaga na nakapikit na ngayon at tila hinihintay ang paglapat ng labi ni Ark.

Nang mailapat na ni Ark ang labi niya ay agad na napabitaw na ang dalaga sa kamay ni Ark dahilan para mas lalong  kabahan si Ark kaya naman napalayo ang mukha niya sa dalaga.nanatili itong nakapikit.

"Alessana?" Tawag ni Ark kay Alessana, pero nanatiling walang imik o kibo ang dalaga.

"Alessana?" muling tawag ulit niya sa pangalan nang dalaga.

"Baby... please wag kang mag-biro!" hindi na mapigilan ni Ark na hindi mag-hysterical dahil sa hindi na nakibo ang dalaga. Patuloy na din sa pagdaloy ang luha niya.

"No! it can't be! Baby, wag ganto! Gumising ka diyan.!" Pagmamakaawa ni Ark sa babaeng nasa bisig niya.

"Ark, nandito na ang ambulansiya." Hinihingal na sabi naman ni Denver. Agad na nilingon siya ni Ark. Namumula na ang mga mata nito dahil sa sobrang iyak habang yakap yakap ang wala ng buhay na katawan ni Alessana.

"Dude! ANO PA BANG HINIHINTAY MO. ISAKAY MO NA SI ALESSANA!" hindi mapigilan ni Denver na hindi sigawan ang kaibigan niya.

Parang natauhan naman si Ark, at nagkaroon siya ng pag-asa.Dali dali niyang binuhat si Alessana at isinakay niya ito sa ambulansiya.

"Please take care of everything Denver, sasamahan ko ang asawa ko sa hospital." Paki-usap naman ni Ark sa kaibigan nang makasakay na sila ni Alessana sa ambulansiya. Tanging tango nalang ang sagot ni Denver bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng ambulansiya.

"I'm sorry Sir, but the patient is dead on arrival already, hindi po siya umabot." Litanya ng doctor. Agad na napaluha si Ark dahil sa narinig niya,

"Doc, may pag-asa pa ba para mabuhay ang asawa ko?" maluha-luhang tanong ni Ark sa doctor, Despirado na talaga siya at gagawin niya ang lahat para lang mabuhay ang asawa niya.

"I'm sorry Sir, but we can't do anything to revive your wife." Agad na umalis naman na ang Doctor at iniwan ang luhaang si Ark.it can't be. Bulong ni Ark sa kanyang isipan.

---

SO, may edeya na yung iba... ang tanong... anong motibo niya para gawin yun? tama hahaha?

-Abi-

Ex-Lover's Property Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon