He fell in love with my sister

192 4 0
                                    

ecstaticbooks | He fell in love with my sister.

-PROLOGUE-

Karaniwan ng rason ng heartbreak ay ang makita ang taong mahal mo na may mahal na iba at ang masaklap pa ay kung ang taong iyon ay ang kapatid mo. Isang lalaking minahal ka lamang dahil kapatid mo ang tunay niyang mahal. Isang kapatid na mahal din ang lalaki ngunit mas mahal ang kapatid kaya nagawang iwan ang minamahal at isang babaeng nagmahal ng lubos na di kayang masuklian ng taong mahal niya.

Mga Tauhan:

Martin Cruz - Lalaki ; Daniel Padilla

Jean Reyes - Kapatid ; Kathryn Bernardo

Rose Reyes - Babae ; Julia Montes

Ang ibang mga tauhan ay makikilala sa kwento.

ecstaticbooks | He fell in love with my sister.

Chapter 1: Nagkakila na kami.

-Rose-

Isang magandang umaga na naman! Unang araw na ng klase! "Ate!" sabi ko. Bumaba ako at pinuntahan si Ate Jean ang ate ko. "Oh. Rose! Sabay na tayong pumasok ah!" masayang sabi ni ate. "Tara! Excited na ako eh! Unang taon ko ito sa kolehiyo at ikaw dalawang taon sa kolehiyo ka na!" masayang sagot ko. Pagdating namin sa eskwela ay tinignan ko agad ang bulletin board.

"Class A ako yey!" masayang sigaw ko.Siyempre sa sobrang saya ko ang talon ako ng talon nang bigla akong may nakabangga. "I'm sorry, nasaktan ka ba?" paumanhin ko. "Yeah. I'm fine" sagot niya. Pagkakita ko pa lang sa kanya ay halatang nainlove na ako at dahil doon nagpakilala ako sa kanya. "Hi, Ako nga pala si Rose Reyes, sorry ulit ha." pagpapakilala ko. "Yeah, it's okay. I'm Martin Cruz. So what's your section?" sagot niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko nun at di ko na nahalatang umalis na pala si ate. "Uhmm. Section A ako eh." sagot ko habang kinakabahan. "Oh okay were in the same class, but I have to go now! See yah later!" sabi niya habang papunta siya sa aming classroom. Di ako nakakibo nun at naglakad na lang papunta sa classroom. 

Pagdating ko sa classroom, siya pa rin ang iniisip ko at nagulat ako nung nalaman ko na magkatabi pala kami. grabe, crush ko na siya. Siyempre dalagang pilipina, di ko muna siya pinansin at pauunahin ko siyang pansinin ako. Pero ilang oras na ang nakakalipas, di pa rin niya ako pinapansin at sumasagi tuloy sa isip ko, "Di niya ba ako gusto? Ako na lang kaya ang unang papansin sa kanya?" Desperado nga naman, ako na ang naunang pumansin sa kanya. "Ahh, Martin diba? Gusto mo ba ako este ang lesson?" sabi ko. Hay naku, muntik na akong madulas doon. "Yeah. I'm Martin. Ang lesson? yeah it's fun." Natapos na ang klase pero yun lang ang naging pag-uusap namin. 

Chapter 2: Isa pang pagpapakilala.

-Jean-

Unang araw na ng pasukan! Mauuna na ako kay Rose para mahandaan ko siya ng almusal. Andyan na si Rose! "Oh. Rose! Sabay na tayong pumasok ah!" sabi ko. "Tara! Excited na ako eh! Unang taon ko ito sa kolehiyo at ikaw dalawang taon sa kolehiyo ka na!"  masaya naman niyang sagot. Pagdating namin sa eskwelahan eh dumiretso agad siya sa bulletin board. Iniwan niya ako agad at dahil doon pumanta na lamang ako sa aming classroom. 

Papunta na ako sa aming classroom nang may nakita akong lalaki. Di ko man alam ang kanyang pangalan pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Papalit siya sa akin at "Hi. I'm Martin Cruz, What's you're name?" Bakit kaya niya ako kilala? "Ahh. Bakit?" sagot ko. "Ahh. Wala lang. Nakakapanibago kasi eh. Ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda mo." sabi niya. Pagkarinig ko nun ay parang bumagal ang tibok ng puso ko, di ako nakasagot at tumakbo ako papunta sa classroom namin. 

Natapos na ang mga klase pero yung mga nangyari pa rin ang nasa isip ko. Gusto ba niya ako o pinaglalaruan lang niya ako? Pupuntahan ko na sana si Rose nang nakita ko na naman siya kasama ang mga kaibigan niya na mga basketbolista. Tatakbo na sana ako nang hinila niya ako at sinabing "Bakit mo ba ako iniiwasan? We just met. Sorry kung naoffend ka sa kahit anong sinabi ko." sabi niya. Mukha naman siyang sincere eh kaya sinabi kong, "Sige na nga, sorry rin ha dahil tinakbuhan kita kanina. Ako nga pala si Jean." masayang sabi ko."I'm Martin." sabi niya habang tumatawa. "Bakit ka tumatawa?" sabi ko habang nagtataka. "Wala, ang cute mo kasi eh. Sige kita na lang tayo bukas." sabi niya habang paalis na kasama ang kanyang mga kaibigan. Di na ako nakasagot at pinuntahan ko na lamang si Rose sa classroom niya.

Ipagpapatuloy sa susunod na mga araw....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He fell in love with my sisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon