I'm A Little Too Late (Short story)

58 2 0
                                    

Well, biglang pumasok lang sa isip ko ang story na ito. Ang basis nito ay ang experience ko nung HS ako. Pero majority ng story ay kathang isip ko lamang. Sana madami ang makabasa Ü

Joy's POV

"Iniwan kita noon hindi dahil hindi na kita mahal. Iniwan kita para mapatunayan ko sayo na sobrang mahal kita. Na kaya kong magtiis para lang sa ating dalawa. Gusto ko lang na may mapatunayan na ako sayo kapag bumalik ako."

Nasa harap ko ngayon si Melvin. Ex ko. Na hanggang ngayon eh mahal ko pa.

Apat na taon na mula nung magbreak kami. 2nd year college ako noon at 4th year college naman siya. Kung nagtuloy tuloy yung relasyon namin malamang 5years na kaming mag-on. May sarili na akong trabaho ngayon.

Open naman kami noon sa parents ko at parents niya. Pero alam ko namang hindi approve sa kanya si Papa. Mahirap lang kasi sila. Mayaman ako. At isa pa, parang bumaba mga grades ko nung maging boyfriend ko siya.

Hindi naman yun totoo eh. Ginagawa ko naman ang best ko noon pero hanggang dun nalang talaga yung kaya ko. Si Melvin nga ang naging inspiration ko noon.

Kahit naman mahirap siya noon, hindi ko alintana yun. Mabait siya, masunuring anak. Responsable. Sabihin na ring may itsura siya.

Kaso, bigla bigla na lang na nang iwan siya. Pagkatapos ng ilang buwan wala na ako nabalitaan tungkol sa kanya. Hindi ko na rin siya nakita mula noon.

"Melvin, kung talagang mahal mo ako o kung minahal mo man ako. Sana pinaglaban mo yung sinasabi mong pagmamahal na yan! Babalik ka ngayon, ganyan ang sasabihin mo?! Anu to, gaguhan?!!"

Nakakainis kasi. Bumalik ba siya para saktan ako ulit? Pag binalikan ko siya iiwan niya ako ulit?

"Joy, MAHAL KiTA. Buong buhay ko wala na akong ibang minahal kundi ikaw lang. Hindi mo alam ang dahilan kaya please lang, wag ka namang magsalita ng ganyan."

"Yun na nga eh! Hindi ko alam yung dahilan mo. Hanggang ngayon ba ayaw mo pa ring sabihin? Pano ba kita maiintindihan kung may tinatago ka naman sa akin? Pwede ba! Kung sasaktan mo lang ulit ako sana hindi ka na lang ulit nagpakita!"

Grabeh. Sobrang sasabog na ako sa nararamdaman ko. Gusto kong umiyak pero ayoko. Iiyak ako sa harapan niya? No way!

Ilang minuto din siyang di nagsalita. Ayoko na rin umimik kasi baka bigla akong maiyak.

"Joy, iniwan kita noon dahil pinakiusapan ako ng Papa mo. Mahirap lang ako noon. Mayaman ka. Milya milya ang agwat ng estado ng buhay natin noon. Inisip ko ang kinabukasan mo. Kung ano ang magiging buhay mo pag ako ang napangasawa mo. Ayokong ipahamak ka. Kaya ako umalis. Hindi ko ito sinabi sayo noon kasi ayokong magalit ka sa Papa mo."

Nakita kong lumunok siya. Parang pinipigilan din niya ang maiyak.

"Tinakot niya ako noon, Joy. Na kapag nakagraduate ako at kapag nag apply ako sa trabaho, ittrace nya kung saan ako mag aapply at sisiguraduhin niya na hindi ako matatanggap. Ikaw lang ang nasa isip ko noon. Marami tayong mga pangarap noon diba? At ayokong masira lahat ng yun."

"Kaya kahit mahirap para sakin ang umalis, tiniis ko. Para sayo. Para sa atin."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Alam kong ayaw sa kanya ni Papa pero parang di ako makapaniwala na magagawa niya yun kay Melvin.

Hindi ko na talaga kaya. Napaiyak na ako sa sobrang bigat ng pakiramdan ko.

Next -----

I'm A Little Too Late (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon