Chapter 2

13 2 3
                                    

*Dastan's POV*

“Hey Mr Cruz. Mind if I join you?” Napalingon siya sa nagsalita.

Hindi niya kilala ang babaeng
nagsalita pero wala rin siyang pake. Makikipag-flirt lang naman ito sa kanya gaya ng iba pang babaeng kausap niya kanina.

“Sure. I don’t mind at all.” Ngumiti siya ng napakatamis.

Bumungisngis naman ito at umupo sa tabi niya. Inagaw nito ang iniinom niyang tequila at umorder pa ng isa.

“So Dastan,I’ve heard that you and your girlfriend just broke up. Is this true or just another
gossip?” Napatingin siya rito. Another chismosa.

“I think so.” Tipid niyang sagot.

Pumulupot ang mga kamay nito sa braso niya. Halos dumikit na ang dibdib nito sa braso niya.

“Well,don’t worry honey. I can be yours if you want to.” Napangiti ito at bumulong sa kanya.

“You know, I’m good in bed.”

Bago pa siya makasagot ay naramdaman niyang may humila sa kabilang braso niya atsinampal
ang babaeng kausap niya. Nagulat siya ng pumagitna ang pinsan niyang si Rhianne.

“You bitch. Stay away from my cousin. O gusto mong makatikim ng isa pang sampal?” pagbabanta nito sa babae.

Agad nagsisigaw ang babae sa galit. Akmang susugurin nito ang kanyang pinsan ngunit pinigalan ito ng iba pang mga lalaki doon. Halatang nagpapa-impress sa pinsan niya.

“At ikaw, Jared Rustie Dastan Cruz, kanina ka pa hinahanap sa inyo! Umuwi na tayo!” sambit
nito at pinaghihila siya palabas sa bar.

“Aray naman pinsan!” reklamo niya ng makarating na sila sa parking lot.

“Ano naman bang
problema?” inis na tanong niya.

“Tse! Pasok na sa kotse, dali!”

Sumunod naman siya sa utos nito. Hinayaan niyang ito na lang
ang magmaneho dahil sasakyan niya naman ito.

“Ano na? Ba’t bigla kang napasugod sa bar? At teka, bakit alam mo kung nasaan ako?” sunod-
sunod niyang tanong.

“Sinabi sa’kin ni Rupert.” Napangiti ito.

“Akalain mo yun, inutusan ko siyang sundan ka tapos
ginawa niya naman.” Napatawa ito ng malakas.

Napailing siya. “Malamang, susundin ka talaga nun. Halatang gusto ka eh. At ikaw naman,
pinapaasa mo yung bata sa wala.”

Napatawa uli ito. “You’re kidding right? Sino’ng nagsabing pinapaasa ko yung patpatin na yun? Hindi ako pumapatol sa mga bata. At excuse me, nagiging friendly lang naman ako.”

“Ewan ko sa’yo. Teka nga, bakit kinaldkad mo ako pauwi?” tanong niyang muli.

Napatingin ito sa kanya. “May favor sana akong hihingin sa’yo pinsan.”

“Lintik to. Hindi pala ako hinahanap sa bahay, ikaw pala ang may kailangan sa’kin eh!”

Napabuntong hininga ito. “Oo na. Eh kasi . .”

Napatingin siya rito. “Ano na? Ano ba kasing kailangan mo?Nahihirapan ka ba sa school natin? May nang-rape ba sa’yo? Bumagsak ka ba sa Chem niyo? Ano?”

“Jerk! Abnormal ka talaga!” sigaw nito sa kanya.

“Pinsan kasi, may irereto ako sa’yo. Promise. Maganda siya. Hindi ka magsisi.”

Siya naman ang tumingin ng masama rito.

“Rhianne Xie Cruz, seryoso ako. Wag mo akong
gaguhin.” Napatawa ulit ito.

“Okay okay! Can you be my friend’s rebound? I mean, can you help my friend for her revenge?” mabilis na sambit nito.

“Ano? Pakshet. Wag ka ngang mag-english, tayo lang naman ang nag-uusap eh.” Inis na sambit niya rito.

“Ang sabi ko, pwede ka bang maging rebound ng kaibigan ko? Ha? Pwede?” sigaw nito.

“Ako? Rebound? Niloloko mo ba ako?” sigaw niya rin rito.

“Hindi nga. Eh kasi pinsan, diba kakabreak lang ninyo ng girlfriend niyo? It’s time na maghiganti ka rin sa kanya. Make her jealous. Make her repent.”

Napaisip siya. Somehow, may point rin naman ang pinsan niya.
“Okay? So who’s this girl?”

Napangiti ito. “Kristina Suarez.”

Napaubo siya sa sinagot nito. What the hell? That girl?!

   ------------------------------------------------------
Saktong pagbaba ni Dastan sa kotse niya ay namataan niyang kakababa lang rin ni Kristina ng
kotse nito. Napabuntong hininga siya. Pinatulan niya ang hininging request ng pinsan niya. Wala
namang mawawala kung gagawin niya iyon. Gusto niya rin namang maghiganti kay Julianne.
Nakipag-break ito sa kanya ng walang kadahilanan. Hindi naman niya mahal ang babae ngunit
higit na nasaktan ang kanyang ego dahil wala pang may naki-pag break sa kanya. Kadalasan
kasi, siya ang nakikipag break sa babae, not the other way around. At ngayon, magiging girl
friend niya ang isa sa mga magagandang babae sa campus nila. Napangisi siya. Fourth year siya at third year naman ito. Wala namang hindi maniniwala na inlove sila sa isa’t-isa dahil gwapo
naman siya at maganda naman ito. Kaya hindi malabong maging sila. Napangiti ulit siya. Hindi
siya pumapatol sa mga nakababata sa kanya, pero ngayon, susubukan niya. After all, it’s just a
game, no hard feelings. Nilapitan niya ito ng nakita niyang bumaba na ito ng kotse.

“Hey!” bati niya rito.

Gulat na napalingon ito. “W-what are you doing here?”

He smirked. “Ano sa tingin mo?”
“I have no idea, jerk.Tatanungin ba kita kung alam ko?”mataray na tanong nito.

Napatawa siya. “Ha-ha-ha! Very funny, Ms. Suarez. You think I’ll buy that white lies of yours? Cut it out!”

Tiningnan siya nito ng masama. “Hindi ko talaga ala-“

Nanlaki ang mga mata nito.

“Oh my god! Don’t tell me pumayag ka sa-“

Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita.

“Oo. Why not?”

Inismiran lang siya nito. Akmang
hahawakan niya ang kamay nito, ngunit lumayo ito.

“Hold it right there!”sigaw nito.

“Kahit na pumayag ka, hindi ibig sabihin nun eh, pwede mo na
akong tsansingan.”
Napatawa siya ng malakas sa sinabi nito.

“Anong nakakatawa?!”galit na
tanong nito.

“Wala.”sagot niya ng tumatawa pa rin.

“Whatever.”

Nauna na itong naglakad. Sinundan niya naman ito.

“Ops. Muntik ko ng
makalimutan.”

Napatigil ito at nilingon siya.
“Rule no. 1, Wag na wag mong ipagkalat sa campus na tayo na dahil hindi naman totoo.”

Akmang magsasalita siya ngunit pinigilan siya nito.

“No. 2, hindi mo kailangang maging sweet sa’kin dahil hindi kita type. No. 3, wag mo akong Sundan kahit saan. No. 4, no touching. At no. 5, no kissing.”

He raised his eyebrows. “Okay? So tell me, paano tayo makakaganti sa mga ex natin kung wala
naman tayong ginagawa para mapaselos natin sila?”

Napabuntong hininga ito.

“I’ll think about it. Just don’t get your nerves on mine!”

Tuluyan na itong umalis.

Napangiti naman siya. May naisip siya na labis na makakapagpatuwa sa kanya. Now that she mentioned all those rules, he will do all the opposites. This is going to be fun!

Loving Mr.ReboundWhere stories live. Discover now