CHAPTER 7~

6.8K 165 19
                                    

Chapter 7 

Kim's POV

Naglalakad ako sa may hallway.. Nakayuko lang ako habang naglalakad.. Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga estudyanteng nadadaanan ko.. Feeling ko, matutunaw ako sa mga titig nila sa akin.. Expected ko na mangyayari ito..

"Girl, siya yun!"

"Talaga?! OHEMMGEE~"

"Ginayuma niya si Fafa Ey-EL! Grabe!"

"Mga sis, for sure binenta niya yung katawan niya!"

Napatingin ako sa tatlong babaeng nagbubulungan =_= Bulong pa ba yun? Rinig na rinig ko ehh! Tss.. Tinaasan nila ako ng kilay nila! Napa irap na lang ako sa kanila at nagsimula na lang ulit akong maglakad.. Bahala sila sa buhay nila! Mga bwiset sila =_= Nasa tapat na ako ng classroom.. Huminga muna ako ng malalim tapos binuksan ko yung pinto..

Yung feeling na ang ingay-ingay nila tapos nung nakita nila ako bigla silang natulala sa akin at natahimik! JUSKO! HINDI AKO KRIMINAL! Hangga't sa umupo ako sa upuan ko ng naka yuko at nakatitig pa rin sila sa akin..

*bzzzzzt*

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko.. May nag-text kasi ehh.. Still, ramdam na ramdam ko pa din yung titig ng mga classmates ko sa akin! Huhuhuhu~ Naiiyak ako! T___T Sabi na nga ba, eto ang mangyayari sa akin ehh!

From: Bek <3

Bek, di ako makakapasok ahh~ May emergency kasi ehh! Pag may nangaaway sayo jan, tawagan mo lang ako. I love you Bek <3 

P.S. Yung kapatid mo sinesermunan ako sa phone kanina =_= Paki batukan na lang ahh -____-

Natawa na lang ako sa P.S.ni Bek.. Mga ilang minuto lang, nagulat ako ng bigla akong sinugod ng mga classmates ko O___O

FS B1: FAKE COUPLE [COMPLETED] -Editing-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon