6/ 6/ 14
Dear Diary,
Since maganda at seksi ako, kailangang ikaw rin, okay? Hahahah.
*ehem ehem*
Dahil mabait ako, gumising ako ng 4 o'clock sa kaninang umaga para magsimba. Charot! Oi, pero true yon, fre! Tumingin ako sa labas ng bintana at dun ko nakitang may mga pulis sa labas ng bahay ng kapit- bahay namin. Nagulat ako nun. Nag- mala Jimmy Neutron muna ako then, "Brain blast!" sabi ko. Baka nanakawan sila. At sa urge na gusto kung makaalam kung ano ba talaga ang nangyari, nagpunta ako sa kapit- bahay namin at naki- chimis. (Nahawa ako kay HyunA eh, etchosera kasi yun, contagious ang chismosalitis niyang sakit) Hahah gets nyo ba? XD
Pagdating ko dun, may ibang dumating na din. Ya know, mga ka- uri ko XD Nagtanung- tanong ako pero dineadma nilang lahat beauty ko! Juice colored, ay kenet beleb dez! Mas na bad vibes naman aketch nung sagutin ako ng bagong matandang kapit- bahay naming si Sir Dalaw na tatlo nalang ang buhok.
Hehe. Jowk lang.
Sa totoo, apat yung buhok niya. Haha.
Jowk ulit.
Actually,kalbo ho siya. XD
"Mukha ba akong may alam?! Tsupe!"
Tumaas sa pinaka- bonggang level talaga yung dugo ko! Ang sabi, retired principal na tong si Sir Dalaw at walang asawa. Feel ko lang ah, sirena itech. Sa sagot palang eh. Di ko nalang pinatulan, ayaw ko ng eskandalo eh! Edukada yata to! XD Ay ewan! Pero sa totoo lang di ko gusto tong si Sir Dalaw, suite na suite sa kanya ang apelyido niya. Kaloka. Daig pa babaeng nireregla
Dahil nawala narin naman ako sa mood, bumalik na ako ng bahay. Pagdating ko dun, agad akong na- pektusan ng nanay ko. Kung san- san na naman daw ako gumala. Aba, kasalanan niya yun. Pinaglihi niya yata ako sa negrang si Dora eh. Uy! Peace lang tayo sa mga Dora fans diyan ah! Kumain na ako then naligo. OOOPSS!! Huwag niyong imaginine! Seksi ako pero nahihiya din! XD
Pagkatapos ko magbihis (alangan naman -.-), nagpunta na ako ng simbahan. Sakristan yata to! Hahaha. Wala namang klase eh. Sa 23 pa.
Dyosa forever and ever,
Ailee ganda :*
P.S. Swerte nung si Sir Dalaw featured siya dito! XD BTW, nanakawan nga pala talaga kapit- bahay namin. Naks! Talino ko talaga!! Tama prediction ko eh! Nga pala, Uy! @HyunA at @Dara !!!! Sina Ma'am Balla yung nanakawan. Kawawabells nga eh.
Babye!!
BINABASA MO ANG
Diary ng Charoterang si Ailee ganda :*
عشوائيThis not about you. This is not about him. This is neither about her nor them. This is about ME. Me and myself. Alone. Syempre diary ko to, alangan naman. XD