Mia's POV
Eto talaga ang hindi ko keri. Ang mag walk out ang dalwang tungak nato. So napa-OO nlang ako ng di oras. Hmt.
Mag walk out daw ba? Tch.
Binili lahat ni Erica ang mga kinuha niya, alangan namang ako ang magbayad no. Ano siya? Sinuswerte?
I mean, may pera ako. Pero, siya yung my gusto eh. Hmt. Bahala siya! Bwahahahaahah >:]
Hinatid na ako nina Anya. Naalala ko tuloy si Geof..
Hindi man lang ako tinetext ah? Porket my nililigawan na, nakalimutan nako? Aba.. Masakit. Dito.
</3
Pagdating ko sa bahay, naabutan ko sina Mama at Papa sa sala. :)
"Anak! Kamusta?" Si Mama.
"Okay lang po." Ako.
"Si Geof? Kayo ba magkasama kanina?" Papa.
"Hindi po. Kasama ko sina Anya at Eric." Ako.
"Bakit?" Mama.
AQUINO AND ABUNDA TONIGHT ANG PEG KO DITO AH?
Bago pa man nako makasagot, nakasabat na si Kuya sa kanila.
"E, kasi naman. May nililigawan na si Geof. Kaya, hindi sila magkasama. Busy ata sa kakasuyo. Hahaha."
Sige pa. Nasasaktan lang naman po aketssss <///////3
"Aba! Binata na si Geof ah?! Hahaha." At natuwa pa si Papa.
"Akyat na po muna ako." Ako.
"Sige anak." Mama.
Hay. Nabubwisit na talaga ako sa mga luha kong to. Bat ba bigla na lang kayong pumapatak? Preno naman oh. Ket minsan lang.
Nag shower ako at nanood ng TV. Gahd, miss ko na si Geof. Miss ko na siya!!! Huhuhu TTT_____TTT
Geof's POV
Namiss ko na si Ming-Ming. Hindi ko na siya nakita mula kahapon. First time talaga.
Paano ba naman kasi, pumunta ako sa bahay nina Veronica kanina.
Hindi pa po ako sinasagot ni Veronica ha?
Infairness, welcome na welcome talaga ako dun. And binibigyan pa kami ng Ate niya ng time talaga para makapag hang-out.
"Bestfriend mo yung Mia diba? Tell me about her." Veronica.
"Well, Mia and I have been bestfriends since kindergarten. We live nextdoors, and bukod kay Mama, siya lang naman ang nag iisang babae sa buhay ko." Ako.
"Pero pag sinagot na kita, ako na yun diba?" Veronica.
Hindi ko gusto ang sinabi ni Veronica, tbh. Baka siguro, malaput nya na talaga akong sagutin. Or baka, na misinterpret ko lang.
Nginitian ko na lang siya. She smiled back. Gahd, ang ganda ganda niya. Hindi naman siya masyadong maarte, at sobrang cool kasama.
Pag dating ko sa bahay, kinamusta naman ni Mommy ang panliligaw ko kay Veronica. Sabi ko, okay lang at nararamdaman ko na malapit niya nakong sagutin.
Umakyat ako sa kwarto ko at nakita kong nakabukas pa ang ilaw sa kwarto ni Mia. Namiss ko talaga siya, hindi ako sanay sa ganito.
MISS KO NA ANG BESTFRIEND KO.
Babatuhin ko pa sana ang bintana ni Mia nang bigla niyang patayin ang ilaw. Oh great.
Wrong timing. Nyemas. Di bale, bukas makakasama ko naman na to eh. Hintay lang Geof.
inhaaaaaaale..... exhaaaaaale.....
Yan.. Ganyan nga Geof. Kalma lang :)
---------
Vote and comment guyths :*****
Thanks ❤❤❤❤

BINABASA MO ANG
Di Hamak Na Bestfriend
Teen FictionMia is nothing but completely ordinary and her bestfriend Geof is a hot jock and famous personality in their school. People said they shouldnt hang-out because their life is in different aspect. But Geof just doesn't care. Until Mia grew feelings fo...