CHAPTER 5: TWISTED BEGINNING
Nasa canteen sina Xzerinah at ang kaniyang mga kaibigan. Pinag-uusapan nila kung ano ang gagawin nila ngayong semestral break. Ang iba ay gustong maghiking. Ang iba naman ay gustong magbakasyon sa vacation house ng nina Rax na malapit sa beach.
Tahimik lang nakikinig si Xzerinah. Pasimple niyang tinitingnan ang kaniyang dalawang best friend. Naka-upo sa tapat niya si Homer samantalang si Gienie naman ay katabi niya sa kanan. Hindi nag-iimikan ang dalawa. Katulad niya ay tahimik lang ang dalawang nakikinig sa mga sinasabi ng kanilang mga kaibigan.
Hindi niya malaman kung ikakasiya ba niya ang nangyayari sa dalawa o ikalulungkot dahil kahit hindi sabihin nang mga ito ay nakikita ang lungkot sa kanila ngayon.
"What do you think, Xzerinah?"
"Hmmm, kayo na ang bahala kung saan tayo pupunta. Basta go ako kahit saan." Sagot ng dalaga.
"It's not that. Ang itinatanong ko ay kung masaya kang magkalayo na ang dalawa?"
Natigilan ang dalaga nang marinig na naman ang pamilyar na boses na iyon. Napansin niya na hindi gumagalaw ang mga kaibigan niya. Maging ang mga taong nasa paligid nila ay tila mga estatuwa. Napatingin siya sa may pintuan ng canteen. Isang anino ang unti-unting lumalapit sa direksyon niya.
A-anong nangyayari?
"Hearing your heart...I guess your happy now. Seeing them in pain."
"It's not my fault. Hindi ko pinakialaman ang relasyon nila."
"Again, telling lies....tsk tsk tsk..."
"Wala kang pakialam sa nararamdaman ko. Puwede ba, huwag mo na akong guluhin?!"
"Nandito ako hindi para guluhin ka. Nandito ako para ibigay sa'yo ang gusto mo."
"A-ang gusto ko?!"
"Oo, ang gusto mo...."
Isa-isang nawala ang lahat ng tao na naroon. Maging ang mga kaibigan niya ay unti-unting nawawala hanggang sa siya na lang ang natira. Biglang nag-init ang kaniyang pakiramdam. Tila kinakapusan na siya ng hininga. Gusto niyang sumigaw ngunit walang boses ang lumalabas sa kaniyang bibig. Napayakap siya sa kaniyang sarili at pumikit. Tiniis ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang katawan.
Makalipas ang ilang minuto. Nakarinig na siya ng mga nag-uusap. Unti-unti na ulit umiingay. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nasa canteen na ulit siya. Naroon na ulit ang mga tao sa canteen.
"Are you okay?" tanong ni Lily sa kaniya.
"Okay lang ako-"
Nanlaki ang mga mata ni Xzerinah sabay takip sa kaniyang bibig. B-bakit ang baba ng boses ko?
"Hey, masama ba pakiramdam mo, Bro?" tanong ni Rax.
Napatingin bigla si Xzerinah kay Rax. Tama ba ang narinig ko? Bro ang itinawag ni Rax sa akin?
Bigla siyang kinabahan. Agad siyang naghagilap ng salamin. Inagaw niya bigla ang pressed powder ni Mia na kasalukuyang ginagamit nito at tiningnan ang sarili.
Bigla siyang natulala nang makita ang sarili. Kinapa-kapa niya ang dibdib. Gusto niyang umiyak nang hindi na niya makapa ang kaniyang boobs. Pinakiramdaman niya ang sarili. Naramdaman niya na medyo may kabigatan sa kaniyang harapan sa baba...
Oh my gosh! Huwag mong sabihin na.....
Napasabunot na siya sa kaniyang buhok na parang nababaliw.
BINABASA MO ANG
A CRAZY TWIST OF LOVE
Romance"It's hard to move on when the person you love is your bestfriend. It's hard to make a grudge to the person your bestfriend's girl especially if she's also your bestfriend. This is a story about a girl who wants to be free from pain she suffers with...