MGA TANONG AT MGA DAPAT MALAMAN!
BASAHIN KUNG NAIS NIYONG MAPANATAG!
Question: Mag-uupdate ka pa ba ng mga special chapters?
Answer: Last chap ko na talaga yun! Yun na nga yung pinakamahabang chapter na natype ko sa tanang buhay ko! 30 pages, 4,205 words walang hintuan! Hindi ko talaga ‘to namalayan. Sobrang napamahal na talaga ako kila Dawn- Zelo-Fabian-Paw…lahat sila.
Question: Ano talaga ang ending ng DK?
Answer: Yung nasa Epilogue.
Question: Yun na talaga yung ending?
Answer: Open-ended talaga ang Desperadang Kerida, I didn’t posts special chapters para lang sagutin lahat ng nalilito niyong tanong – you can always assume kung bakit ganito- bakit ganyan ang kwento. It depends on you – readers – kung paano niyo ito i-eend. Hahaha. Some things are better left unsaid nga diba? HAHAHA
Question: Paano yung about kila Milly at Don?
Answer: Hindi ko na sila bibigyan ng pagkakataon na magsalita. Baka lalo lang kayong maguluhan. ^^v
Question: May sequel ba?
Answer: Wala. Ayoko nang dugtungan kasi magiging hindi na makatotohanan lalo. Teen-Fiction na nga gagawin ko pang Super duper Teen-Fiction. Hahaha
Question: Anong papel ni Lorrenz?
Answer: Hindi ko alam, maraming papel na ginagamit ang mga doctor para sa riseta nila. HAHAHA! De joke, kung ano yung nasa kwento, yun na yun.
Question: Sino talaga nakatuluyan si Paw?
Answer: Kayo bahala. Pili lang kayo, Dawn, Fabian, Lorrenz, Zelo? Malandi ang bida eh – madaming lalaki.
Question: Kala ko ba Errol, bakit Lorrenz?
Answer: Nickname nya yung Errol na pinangalanan kay El :)
Question: May sariling kwento ba si Jecca?
Answer: Jecca? Sino yun? HAHAHA. Wala, pero may hint – basahin niyo yung He’s My Babysitter, lalabas dun si Jecca at yung napangasawa niya.
Question: Gagawan mo din ba ng kwento si El?
Answer: Pinag-iisipan ko pa, pero baka hindi. Open-ended eh.
Question: Anong next story ko?
Answer: Pilosopo Tasya ang title, try niyong basahin kung magugustuhan niyo :)
SANA MAPANATAG NA KAYO.
GUSTO KO LANG MAGPASALAMAT SA LAHAT NG NAGCOCOMMENT SA LAHAT NGNAGVOVOTES, NAGLILIKES, NAGLALAGAY SA READING LIST NILA NITONG STORY NITO.
DITO KO KASI NAPATUNAYAN NA MAY NABABASA RIN PALA TALAGA NG MGA GANITONG STORIES, SANA WAG KAYONG MAINIS SAKIN DAHIL NGA GANUN YUNG ENDING.
SANA SUPORTAHAN NIYO DIN AKO SA MGA SUSUNOD KO PANG STORIES. KAHIT MAGIGING BUSY AKO SA SCHOOL – EPIC NG COURSE KO, TAKAW ORAS AT ATENSYON. HAHAHA!
INGAT KAYO!
CAPSLOCK PARA INTENSE! I LOVE YOU ALL!
COMMENT KAYO KUNG MAHAL NIYO RIN AKO. CHAROOTTT!
-knowme ;)