Case Unclosed

20K 497 35
                                    

A/N: It was actually fun, feeling you guys na parang frustrated kayo sa magaganap. Hahaha... Joke ko lang sana 'yon pero parang gusto ko na seryosohin. Char! Hahaha... Hi! Sheila, naipangako ko na sayo si Ruth kaya gagawin ko ang makakaya ko para magkatuluyan kayo. Hihihi... Kaya guys wag na po kayong malungkot. Pero in all fairness ang daming #bittersafeb14

Happy Reading.

-----

Case Unclosed

"Basa ka ng pawis." He smiled when Sheila wiped off his sweat. Gaya niya ay basa din ito ng pawis. Paano ba naman? Tawanan lang sila ng tawanan. Ni hindi na nga sila nakaabot sa linya pabalik.

Go papa! Go papa!

Hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang sigaw ni Sienna. Is that real? Tinawag ba talaga siyang papa ng anak niya? "Unti unti na." Sabi muli ni Sheila.

Gaya niya nakatitig din ito kay Sienna na nakikipaglaro sa mga bisita ni Catherine. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala."

Banayad na ngumiti si Sheila sa kanya. "Alam ko na hindi maganda ang simula ng lahat. Pero sa nakikita ko. Masaya si Sienna. Bata pa siya. Kapag nabigyan pa siya ng sapat na panahon. Maiintindihan din niya ang lahat. Kaya patawarin mo ako kung ngayon ko lang ginawa ang tama."

Inilapat niya sa labi nito ang daliri niya. Wala na silang oras para magsumbatan. Wala nang saysay kung isusumbat pa nila sa isa't isa ang lahat. Ang kailangan nila ngayon ay magtulungan. Para sa anak nila. "Kahit paulit ulit kang mag kamali. Mahal kita. Mahal ko kayo. At hindi mababawasan iyon." Tumulo ang luha sa mga mata nito. "Aayusin natin ng sabay ang lahat. Ikaw, ako at si Sienna."

Ang saya sa mga mata nito ay nabahiran ng pangamba. "K-Kasal pa rin ako hanggang n-ngayon. P-Paano si Trey?"

Tumiim ang bagang niya. Paano niya nakakaya ang bawat segundo na kahati niya ang taong kinasusuklaman niya? "M-May sasabihin ako sayo."

Bumaling siya muli dito. "S-Si Julie... Y-Yung kapatid mo. H-Hindi si T-Trey ang pumatay sa kanya."

Naglapat ang labi niya. At binitiwan niya ito. Dahil sa sinabi ni Sheila. Unti unting nag ulap ang mga mata niya at sumingit sa isip niya ang nakaraan. Ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. "Maniwala ka. N-Nakausap ko siya. I-Inamin niya sakin ang totoo. Sinabi niya na dapat magkikita sila ni J-Julie---."

"At naniwala ka naman? Naniwala kang nagsasabi siya ng totoo?" Pakli niya. Maliwanag sa kanya ang nangyari. Alam niya na pinatay ng asaaa nito ang kapatid niya. Pero wala siyang ebidensya. Hindi niya mapatunayan ang lahat.

"Julie? Julie!" Hinalughog na ni Ruth ang buong kabahayanan pero ni anino ng kapatid niya ay hindi niya makita. Magkausap pa sila kanina. Nilalambing pa siya nito at nakikiusap na kung pwede ay payagan niya itong magbakasyon.

"Hijo, tinawagan ko na ang security sa village. Hindi nila makita ang kapatid mo." Untag ng kawaksi sa kanya. Malakas ang kutob niya na si Zaragoza ang kasama nito. Paulit ulit na niyang binalaan ang kapatid niya na layuan ang lalaking iyon. Pero hindi niya alam kung anong klaseng gayuma ang natikman nito at nakakaya siya nitong suwayin.

Padabog siyang lumabas ng silid at bumaba. Eksaktong tumunog naman ang telepono at mabilis niyang nasagot iyon. "Mr. Rosales?" Babae ang nasa kabilang linya. Pero hindi niya kilala.

"Ruth Rosales speaking." Aniya. Apprentice siya sa isang law firm sa syudad.

Narinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Nasa Security House po ako kanina ng tumawag ang residence number niyo para ipagtanong kung may nakakita po ba kay Julie Rosales."

Tinignan niya si Manang. Ito ang inutusan niya para gawin iyon. "Yes, pero negative ang sinabi sa inutusan ko."

"Sir, nakita ko po kanina ang kapatid niyo. Sumakay siya sa isang Itim na pajero."

Nagtangis ang bagang niya. Tanda niya ang kulay ng sasakyan sinasabi nito. Ganoon ang sasakyang madalas sakyan ni Julie sa tuwing ihahatid ito ng nobyo nito. "Nakita mo ba ang plaka?" May sinabi itong numero sa kanya. Lalong umigting ang galit na nadarama niya. Tanda niya ang numero ng plaka ni Trey Zaragoza. At hindi siya maaaring magkamali ng sapantaha. Malamang na sumama ang kapatid niya sa lalaking iyon.

Nawala na sa kabilang linya ang babae. Tinawagan niya ang kakilala niya sa pulisya para tulungan siyang hanapin si Julie. Hindi siya papayag na masira ang buhay nito ng dahil lang sa pagibig nito sa lalaking iyon. "Tawagan niyo ako agad kapag nakontak niyo si Julie." Bilin niya sa kawaksi. Tumango ito.

Sumampa siya sa land cruiser pagkatapos buksan ng gate. Pero hindi pa niya napapaabante ang sasakyan ng mapansin ang malaking garbage bag sa harapan ng bahay nila. Ang isang kawaksi at si Manang ay nagtulong para buhatin iyon paalis sa harapan. "Sir! Mabigat!"

Kumunot ang noo niya. Nakita niyang binuksan ng kawaksi ang supot at kita niya ang pangingimbal sa mukha nito at ang kasunod na paghagulgol ni Manang. "Anong nangyayari?"

"S-Sir..." Bumaba siya ng sasakyan at lumapit sa mga ito. Tila siya ipinako sa semento. Hindi na pala niya kailangan umalis ng bahay para hanapin si Julie. Dahil umuwi na ito. Bumalik na ito. Umalis itong hindi niya alam kung paano. Nakausap niya ito na puno pa ng buhay at masaya pero bumalik itong---patay na!

"Julie!!!"

"Alam ko kung ano ang totoo!" Mariin niyang sabi nito. "Alam na alam ko. Kaya paanong hindi siya ang pumatay sa kapatid ko?"

Sheila look at him. "H-Hindi ka naniniwala sakin?" May bahid ng pagdududa ang tinig nito.

Hindi siya nakapagsalita. Paano nga ba siya maniniwala kung hanggang ngayon ay hindi rin niya alam ang buong katotohanan? That Julie died? That she was raped and murdered? Or he wasn't save her? Na wala siya sa panahong nag aagaw buhay ang kapatid niya?







To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon