Chapter 39 - Ready? Set? Kilig!

506 23 0
                                    

Chapter 39 - Ready? Set? Kilig!

Anne’s POV

Eto na, natatae ako. tinitignan ko ang sarili ko sa salamin and I loved how the dress hugged my body and the shoes na suot ko. Mommy even said I really looked like a princess.

Iniisip ko na makakapagusap na kami ulit ni Martin mamaya. A decent talk na malilinawan na kami pareho. A talk na maayos. And I think this night will be a very good night for us. Hindi na ako makapagintay na makita si Martin. Kung anong itsura niya, and kung ano ang mga iniisip niya.

Nakita ko yung mga keychains na binigay niya sa akin at nilagay sa purse ko. These keychains gave me memories of him and I wanted to show him na tinago ko siya, and as much as possible, I tried to keep it in a way na ganun pa rin siya tulad nung pagkabigay niya sa akin.

These keychains will be a reminder of him and I will tell him na ni minsan hindi siya nawala sa isip ko.

God knows how badly I wanted to once again hug him really tight and tell him that what I felt never changed. And that siya pa rin ang gusto ko. I think this time I just don’t like him. I think I love him.

I suddenly heard someone knocking at the door. Sumilip ang mommy.

“Hey big princess, nasa ibaba na yung ka-date mo! And hey! Don’t do it okay? Call me if malelate ka ng uwi pero ‘wag ka pupunta sa mga places na kayong dalawa lang ha! bawal ang….” Ay ang nanay ko. Alam ko iniisip nito

“Ma relax! We are not going to have sex okay?” I looked at her with an “ano ka ba” look

“Uh. Okay. I’m sorry. Inunahan lang kita kasi he looks so irresistible with that suit! And you know, raging hormones. Baka magka-moment kasi kayo tapos…” then my mom looked at me and gave me a sign na ‘okay my lips are sealed’ kasi literal na nakanganga na ako. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Lumapit ako sa mommy and said “Ma, I will be fine. Arvin is not that kind of person. He is my bestfriend. ‘Wag mo siya pagisipan ng masama. He is a good man.”

Mommy gave me a serious face. Inayos niya yung buhok ko ulet and kinabitan ako ng hikaw and said “You know Anne, maybe I just cant believe na dalaga ka na.” she started while grabbing the hairspray na ginamit niya sa akin kanina

“...Siguro pakiramdam ko kasi baby ka pa rin na kailangang palagingmay bantay kasi baka madulas ka, baka mauntog ka, maka mahulog ka. Hindi lang ako makapaniwala na magka-college ka na and that dadating din ang time na meron ka na ring magugustuhan. Ayoko lang na may magpapaiyak sayo…” this time she is fixing the pins na nilagay niya sa ulo ko kanina lang

“…do you like Arvin anak?” mommy asked

Hindi ako nakasagot but I just smiled and said “Mommy naman ano ka ba!” mommy looked at me and we hugged each other.

“Ma, thank you sa lahat ha. Matigas man ang ulo ko, you know I love you right?” I said holding her hand and mommy just nodded.

“Sige na bumaba ka na nag-aantay na si pogi sa’yo. And again, I am telling you he looks irresistible! So calm those raging hormones of you okay?” mommy finished giving me teasing look

I smiled and just rolled my eyes. Sure Arvin is attractive naman talaga. Hindi naman nagme-make up ‘yon ano ba magbabago sa itsura nun.

So bumaba na ako na hirap na hirap. Shet ang hirap magpaganda! Ambigat ng hair do ko, ambigat sa tenga ng hikaw ko at ambigat ng sapatos ko, yung damit ko parang nakasuot ako ng mantel, ambigat ng… ng… PUSO KO!

Wag Ka Na Kasing Maarte... Please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon