Chapter Nine

58 0 0
                                    

ANDREW'S POV

Hapon na nang mapag isipan kong bumangon sa kama at maisipang pumunta ng mall ayaw kong maburo sa kwarto dahil halos buong mag hapon si Terrence ang iniisip ko.

Timungo ko ang banyo para maligo dinama ko ang tubig na nang gagaling sa shower at pilit kong ini wawaksi sa aking isipan ang mga nangyari.

Di ko alam bat ganito ang epekto ng mga nangyari dahil kung iisipin naman ay dapat bale wala lang yun saakin.

Matapos akong mag shower ay agad naman  akong nag bihis kung maari ay gusto kong mag libang kaya naisip kong tawagan si Steven para mag pasama sakanya sa mall.

Speaking of Steven wala padin akong balita sakanya pagka tapos niyang umalis sa birthday party ay di na ito nag tumawag saakin o nag text manlang.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib dahil sa totoo lang nag aalala ako kung baka may masamang nangyari dahil sa halata sa mukha no Steven ang pagka taranta kahapon.

Bumalik ako saaking ulirat ng biglang may kumatok sa pintuan agad naman akong pumunta at binuksan ito.

Bumungad saakin si Steve na bigla ako sa kanyang itsura ang lalim ng mata nito na parang hindi  natulog gulong gulo din ang buhok nito at yun padin ang suot niya nung nasa party kame.
Bakas sa mga mata ni Steven ang takot,lungkot at pangamba.

"Ste-Steven..." Hindi kuna naipag patuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang itong yumakap saakin. Naka ramdam ako ng pag yugyug ng kanyang likuran at halatang umiiyak ito.

"Andrew...Andrew...Andrew"
Paulit ulit na tinatawag ni Steven ang pangalan ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Steven anong problema" kahit masyado na akong nilalamon ng aking kaba pinilit ko pading mag salita ng normal dahil wala naman akong alam kung anong nangyari.

Inakay ko si Steven sa kama para maupo awang awa ako sa sakanya dahil patuloy padin ang pag patak ng luha nitom

"Steven anong problema" hinawakan ko ang mga kamay nito marahang pinipisil.

"Si..si Ela sinugod kagabi sa hospital" natulala ako sa mga sinabi ni Steven. Si Ela ang bunsong kapatid ni Steven nasa 8 taong gulang palamang.

"Ba-bakit may masama bang nangyari?" Utal utal kong sabi.

"Mayroong brain Cancer si Ela at nasa stage 2 na ito Andrew bigla nalang nag collapse ang katawan niya kahapon dahil sa sobrang sakit na naramdaman nito..Andrew di ko kayang mawala si Ela" umiiyak na sabi ni Steven.

Agad kong niyakap si Steven dahil kahit ako mismo ay nasasaktan parang binabasag ang aking puso nasasaktan akong makita na nahihirapan si Steven.

Humagul-hul  si Steven sa aking dibdib ramdam ko ang sakit na nararamdam niya hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak dahil alam kong maiibsan ang sakit na nararamdan niya.

"Pasensya kana Andrew di ko kasi kaya" sabi ni Steven halatang kumakalma na ito.

"Ayos lang Steven magpaka tatag kalang magiging maayos din ang lahat maniwala ka saakin gagaling si Ela" napa ngiti si Steven dahil sa mga sinabi ko bakas ang tuwa sakanyang mga mata at kahit papano umaliwalas ang kanyang mukha.

"Andrew pasensya kana kagabi dahil hindi kita nahatid dahil nga sa emergency"

"Ayos lang yun saakin wag kang mag alala"

"Anong oras kana nahatid ni Anthony kagabi?"

Nanuyo ang lalamunan ko sa tanong ni Steven di ko alam kung mag sasabi ba ako ng totoo o hindi ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng aking dibdib wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sakanya na hindi si Anthony ang nag hatid saakin lalo na hindi naman ako naka uwi kagabi.

"Ahh hindi ako hinatid ni Anthony kagabi"

Bakas sa mga mukha ni Steven ang pagka lito.

"Hindi si Anthony ang nag hatid sayo? Sino naman si Glezel ba?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago nag salita.

"Hindi si Glezel ang nag hatid saakin si Terrence sa condo niya ako nagpalipas ng gabi" kabado kong saad sabi sakanya at makikita mong nalilito siya.

"Si Terrence Lee ba ang tinutukoy mo" pag kumpirma ni Steven.

"Oo lasing na lasing kasi kame non  pati nadin si Anthony kaya si Terrence na ang sumalo saakin balak niya sana akong ihatid pauwi dito sa condo kaso hindi naman niya alam kung saan kaya sa condo nalang niya ako pinalipas ng gabi" di ko alam bat ganito ang nararamdaman ko hindi ko maintindihan.

Nag bago ang itsura ni Steven napa kuyom ito ng kamay at naging blanko ang ekpresyon ng kanyang mukha.

"Aalis na ako Andrew kailangan Kong balikan si Ela sa hospital" sabi nito na walang pag babago ang ekspresyon.

Hindi ko alam anong dapat kong gawin dahil paki ramdam ko may mali akong nagawa na nakapag pabago ng timpla ni Steven.

Tumayo na si Steven at lumabas ng kwarto na sinundan ko naman sobrang bigat ng nararamdaman ko at inu-usig  ako ng aking konsensya.

Bago lumabas si Steven sa kwarto ay agad ko itong niyakap sa likuran. Ramdam ko ang lalim ng kanyang pag hinga at ang init ng kanyang katawan.

"Andrew" humarap si Steven saakin at nakita kong may lungkot ang kanyang mga mata.

"Andrew ayos lang ako di ko kayang nahihirapan ka para saakin..."

Hindi kuna pinatapos ang pag sasalita ni Steven at akma kong inangkin ang kanyang mga labi.
Hindi romesponde si Steven sa ginawa ko dahil halata ang pagka bigla.

Nilasap ko ang bawat halik ko sakanyang mga labi malambot ito at halos ayaw kong tigilan na. Nabigla ako ng romesponde si Steven sa akin ng mga halik pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko.

Naging marahan ang kanyang mga pag halik hanggang sa naging mapusok. Pumasok ang dila ni Steven sa aking bibig at di ko sinasadyang mapa ungol  sa kaka-ibang pakiramdam.

Pina lupot ko ang mga braso ko sa kanyang mga leeg ang naka ramdam ako ng mga kamay na humawak sa likod ng aking mga hita at napa angat ako. Ni-lock ko ang mga hita ko sa kanyang mga baywang at unti-unti kameng pumasok sa kwarto.

Napa higa kame sa kama ni Steven sa posisyong napa patong siya saakin at naka lock padin ang mga hita ko sa kanyang baywang ramdam ko ang bigat ng kanyang katawan isa-isang inalis ni Steven ang naka lock na botones hanggang sa pina huli.

Tumambad saakin ang napaka ganda niyang katawan maputi ito at mayrong anim na abs tinignan ko ang mukha ni Steven na punong puno ng pagnanasa.

Marahan Kong idinampi ang aking mga palad sa kanyang tiyan at napa simhap ito.

Agad na inangkin ni Steven ang aking mga labi parang tumigil ang oras saaming dalawa 

"I want you Andrew I want you" bulong ni Steven at inangkin muli ang aking mga labi.

"I want you more Steven" Napa ngiti si Steven saga salitang lumabas sa aking bibig.

Nilasap ko ang bawat halik ni Steven.

Nabigla ako ng tumagilid si Steven at nahiga sa aking tabi at niyakap ako sa kanyang mga bisig puno ng pagka lito ang aking isipan.

Naka ramdam ako ng halik sa making noo at pag dampi ng mga palad sa aking pisngi.

"I want you so bad Andrew and I love you so much..di ko hahayaang may gumalaw saiyo at kahit na mismo ako.. You're a treasure na dapat alagaan at mahalin" di ko namalayang tumulo na ang aking mga luha.

'I felt loved,Cared and Respected'

____________________________________

Hi Readers Hope nagustuhan niyo ang chapter na ito kahit ako mismo nabitin pero may naisip pa akong mas magandang plano haha 

Guys please vote and leave comments thank you mwuaaaah

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Broken Walls (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon