Bakit siya parin??!!!!
Alam kong may mahal kanang iba.
Pero bakit ikaw parin ang parating hanap-hanap.
Ikaw parin ang minamahal kahit alam kong masasaktan lang ako.Bakit ang hirap na suklaman ka, ang hirap limutan ka.
Ginawa ko na ang lahat, lahat ng posibleng paraan, pero hindi e hindi ko parin kayang limutin ka.
Ang sakit lang isipin na meron kanang iba.
Bigla ka lang dumating sa buhay ko at bigla karing naglaho parang bula.Sabi mo pa na sabay nating aabutin ang ating mga pangarap.
Ikaw mag se-seaman ako naman mag tu-turo. Naging seaman ka nga.
Ikaw SEAMANLOLOKOng pinaasa ako.Ang sakit sakit ng ginawa mo saken.
Ano ba ang kasalanan ko sa'yo at pinaparusahan mo ako ng ganito.Kahit alam kong masakit na go lang ako ng go para mapakita ang aking pagmamahal sa'yo.
Ako ito si tanga na naghihintay na suklian mo ang pag-ibig ko.
Kahit alam kong may mahal ka nang iba.Nagkamali ako, nagkamali ako na minahal kita ng todo.
Nagkamali ako na nagpakatanga ako sa'yo.Durog na durog na ang aking puso.
Pero nagising ako sa katotohanan nagising ako na wala palang tayo.
WALANG TAYO.
HINDI NAGING TAYO.
Sapagkat meron ng kayo.Meron ng kayo na walang tayo.