Prologue

12 1 0
                                    

              Sometimes we are blinded by delusions. The love that we thought is just only an infatuation. That's why we get hurt over and over again.

 Tulad ko, nagmahal ng paulit-ulit at paulit-ulit ding nasaktan. 

Yong inakala kung "siya na" ngunit hindi pa pala. Isa, dalawa, tatlong beses nang umiyak sa pag-aakalang nahanap ko na ang ka-forever ko pero nagkamali ako. 

Sabi ko sa sarili ko, "tama na ayoko na, pagod na akong umibig" hanggang sa may nakilala ako.  

Gwapo siya, singkit ang kanyang mga mata, matangkad, maputi, mabait, matalino tsaka gentleman parang nasa kanya na nga lahat yong mga hinahanap ng isang babae. 

Nagkakilala kami at naging malapit sa isa't-isa. 

Mula nung magkakilala kami lagi niya akong kinakamusta at in all fairness ang sweet niya sa'kin. 

Hayyyy..nakakakilig kaya. Oo nakikilig ako sa mga simpleng efforts niya para sa'kin. 

So ayun hinayaan ko ulit ang sarili kong umibig kahit na di ko alam kong saan hahantong ang lahat. Pero isang araw nagulat ako sa nalaman ko.

 Parang mamamanhid ang mga tuhod ko sa narinig ko. 

Mayroon na pala siyang girlfriend. 

Mula noon di na ako umasa na may kahahantungan pa ang nararamdaman ko sa kanya. Nahulog na nang lubusan ang loob ko sa kanya eh. 

After three weeks nalaman ko nalang na papunta na sila ng London. Doon na raw sila maninirahan. 

Sinabi ko nalang  sa sarili ko na baka hindi talaga kami para sa isa't-isa. Lumipas ang anim na taon nakatanggap ako ng oppotunidad sa England. 

Tinanggap ko ang trabahong ini-ofer nila sa'kin. Hindi ko inakalang sa London mismo patungo ang destinasyon ko. 

Naalala ko siya....

Sa London sila nagmigrate.

 Pero malawak naman ang lugar na pupuntahan ko kaya imposibleng magkrus ang landas namin.

 Pero sa hindi inaakalang pagkakataon, sa loob ng isang linggong pamamalagi dito sa England, nakita ko siya. 

May pag-asa pa kaya kaming dalawa o aasa at iiyak na naman ako?

He's the oneWhere stories live. Discover now