Chapter 3

12 1 0
                                    

Ito na. Ito na talaga 'yung araw na pinaghandaan ko. Ang pinakaunang pinaghandaan ko ng todo sa buhay ko. Ang proposal kong maging girlfriend si Reese. Tinulungan ako ni Marga na mag ayos sa okasyon na'to habang si Gunner ay 'yun ngang sa isusuot ko na muntik pang mabadshot!

First year high school pa lang kami ay crush ko na talaga si Reese ay hindi pala mahal ko na pala sya nun. Oo. Sa edad kong 'yun nagsimula na akong magmahal at simula nun isang tao lang din ang minahal ko at mamahalin ko pa. Malaking pasasalamat ko talaga na naging classmate ko sya nung grade 9 kami. Sa di ko alam ay may nililigawan pala 'tong si Gunner na kaibigan ko since elementary pero wala syang alam na may nagugustuhan ako. Nalaman ko na lang na sila na nung unang hatid ni Gunner kay Marga sa bahay nila at biyaya nga naman, kasama ni Marga si Reese that time dahil magkaibigan din pala sila.

Nung una medyo nagkahiyaan pa kami lalo na't nasa likod lang kami ng dalawa na masayang magkaholding hands at magkausap habang kami nakabuntot lang sa kanila. Kaya naglakas loob na akong kunin ang atensyon nya sa pabirong paraan  "Oyy miss. Baka makalimutan nilang nag exist tayo." para naman hindi kami maoOP sa love birds at sa unang pagkakataon ay napatawa ko sya. 'Yun ang una naming pag uusap, palagi akong nagbibiro sa kanya at hindi naman sya mahirap pangitiin, patawanin o maging kausapin dahil sumasabay naman sya.

Lumipas ang panahon ay mas naging nakilala pa namin ang isa't isa. Ni hindi nga kami nakaramdam ng ilang sa bawat isa eh. Kasabay din ang paglalim ng pagmamahal ko sa kanya. Nagpapakita ako nang motibo sa kanya o minsan nga binibiro ko sya pero tinatawanan lang nya ako ang 'abnormal ko daw'ng kaibigan'. Kaya nawalan ako ng lakas ng loob para manligaw sa kanya. Masyado pa din kaming bata nun kaya pinalipas ko na lang muna ang nararamdaman ko.

Fourth year high school nung una ko syang makitang umiyak dahil niloko sya ng kanyang naging boyfriend. Oo. Nagkaboyfriend sya. Masakit syempre. Lalo na kapag magkasama kaming umuwi ako lang ang walang partner sa kanila at palagi din akong inaasar ni Gunner nun na mangligaw na daw ako para daw hindi na ako mag iisa pero binalewala ko lang 'yun. Hindi ko lolokohin ang sarili kong magmahal ng ibang babae na hindi ko naman talaga mahal.

Kahit na masakit makitang may minamahal ang taong mahal ko ay masaya na rin ako lalo na kapag nakita kong masaya din sya. Sa batas ng lupa, walang iibig na hindi luluha. Masakit pero kailangan tanggapin dahil di ko naman sya pwedeng diktahan na ako ang mahalin.

Kaya nung nalaman kong niloko si Reese nung naging boyfriend nya ay bigla ko na lang itong sinugod.

~Flashback~

Galing akong canteen nang nakasalubong ko si Reese sa hallway ng school na umiiyak.

"Oh Ree? Bakit ka umiiyak?" alalang tanong ko sa kanya pero embes na sagutin nya ako ay bigla nya lang akong yinakap. Napatulala ako sa ginawa nya bago ko sinagot ang yakap nya at hinagod ang likod nya na ikinaiyak nya pa lalo.

"Oyy Ree tahan ka na. Baka sabihin ng mga tao dito inaway kita eh." pagbibiro ko pa sa kanya dahil pinagtitinginan na din kasi kami ng mga tao na dumadaan.

Dinala ko si Ree (Reese) sa isang bakanteng bench at tinabihan sya dun. Binigay ko na lang din sa kanya ang binili kong tubig dahil hindi pa rin sya tumitigil sa paghikbi.

"Salamat, Ver ah." sabi nya pa at yinakap ako ulit.

"Tss. Wala yun." natatawa kong tugon dahil para kasi syang bata na nagsusumbong dahil inaaway ng mga kalaro.

"Ano ba kasing nangyari?" seryusong tanong ko sa kanya nang makarecover na sya sa kanyang pag iyak.

Ikinuwento nya sa akin na galing daw sya sa classroom ng boyfriend nya kanina  nang marinig nya itong kausap ang mga kaibigan nya na kukunin lang daw ang loob nya para kunin sya. Kaya nang marinig nya ito ay agad nya itong kinausap para hiwalayan. Hindi nya daw kasi matanggap 'yun lang daw ang habol ng taong minahal na nya din. Kaya napatakbo na lang syang lumisan sa lugar na umiiyak hanggang sa makasalubong ko sya.

Hindi ko alam kung maging masaya ako dahil naghiwalay na sya nung boyfriend nya o malulungkot ako dahil nasasaktan ang taong mahal ko na ang pinakaayaw kong makita sa kanya.

Hindi ko man lang namalayan na naglalakad na pala ako na parang isang turo na nag uusok sa galit patungo sa classroom nung naging boyfriend ni Ree at pinaulanan ito ng mag asawang sapak nang makita ko ito sa labas ng classroom nila.

"Ito ang kapalit sa una at huling pag iyak ni Reese nang dahil sa panloloko mo! Gago!" sasapakin nya din sana ako kaso inawat na sya ng mga kaibigan nya ganun din ako pero tinabig ko ang kamay nila at umalis sa lugar.

Sa muling pagkakataon ay nakasalubong kong muli si Ree na hingal na hingal.

"Anong nangyari?" sa pagkakataon din na 'to nakita ko sa mata nya ang pag alala kaya napangiti  na lang ako.

"Wala. Sisiw." sabi ko na lang tapos ngumiti at inakbayan sya para bumalik na sa classroom namin. Pero sinundot nya ang tagiliran ko para mapaurong yung kamay ko.

"Awts. Wag kang mag alala, hindi kita sasaktan." sabi ko na lang sa kanya tapos ngumiti at inakbayan syang muli. Hindi na naman sya umangal pa. Napangiti na lang ako nang todo ng makita syang nakangiti na din.

Sisiguraduhin kong sa susunod na umiyak ka ay ako na ang dahilan at hindi dahil sinaktan kita kundi dahil nasa bisig ka ng lalaking mamahalin at papakasalan ka.

Heaven at First, Hell at LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon