Melvin's Side

36 1 0
                                    

Melvin's POV

Nakakagaan pala ng loob.

Sa loob ng apat na taon na nalayo ako kay Joy, sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Siguro dahil na rin sa dko sinabi sa kanya yung dahilan ko. Kumbaga eh iniwan ko siya sa ere.

Sinabi din kasi sa akin ng papa niya na wag kong sabihin yung dahilan. Yun nga, tinakot ako.

Syempre inisip ko yung magiging future ko pag dko sya iniwan. Isipin mo yun, di ako mkakapaghanap ng magandang trabaho? Para din naman kay Joy yun.

Gusto ko pag naging kami ulit, yung may pera na ako. Yung kaya na akong ipagmalaki ng pamilya nya.

Nung mkagraduate ako, nag take ako ng board exam. Nkapasa ako at nasa top 10 pa. Dahil dun madami akong offers na natanggap.

Ay tinanggap kong offer ay yung sa LTM Company. Pwede daw akong mkapag practice ng profession ko sa Canada kung gugustuhin ko. Eh sino ba'ng may ayaw nun? Ang laking opportunity nun kaya hindi ko na tinanggihan.

Nakapagtrabaho nga ako sa Canada. Mataas ang sahod. Sa loob ng isang taon, malaki laki na rin yung naipon ko sa bangko.

Gusto ko na rin sana magpagawa ng sarili kong bahay pero dko ginawa. Gusto ko kasama ko si Joy pag ginawa na yung plano.

At isang buwan na yung nakaraan ng tawagan ako ng papa ni Joy. Hindi ko alam kung paano nya nalaman yung number ko.

Pero dna ko nagtataka dahil madami naman silang koneksyon.

Sabi niya, kung may kaya na daw akong patunayan, balikan ko daw yung anak niya. Akala ko nagbibiro lang siya hanggang isang araw, naging bisita ko siya.

Hanga daw siya sa akin dahil nakaya kong iangat ang sarili ko. At yun ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Eto nga nasa harap ko si Joy. Alam kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Wag kang magalit sa Papa mo. Dahil kung hindi sa kanya, baka hindi ko narating kung nasan ako ngayon."

Umiling iling siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.

"Sana sinabi mo noon sa akin para kahit papano, hindi naging ganun kasakit."

"Sorry Joy. Please patawarin mo na ako."

Hay. Bakit ganun? Hindi pa din nya matanggap? Hindi lang naman siya yung nasaktan.

Ako nga ang MAS nasaktan eh.

Siguro kailangan ko na rin siyang tanungin kung ano ang nararamdaman niya.

"Joy, mahal pa rin kita. Mahal mo pa ba ako?"

Napatingin siya sa akin. Parang naguguluhan.

"Hindi ko alam Melvin. Hindi ko talaga alam."

Sh*t. Bakit ganun. Ang sakit pakinggan. Ang inaasahan kong sagot niya ay OO. Pero bat ganun?

"Hayaan mo muna akong mag-isip."

Yun lang ang huling sinabi nya at tinalikuran na niya ako.

Next----

I'm A Little Too Late (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon