Kidnap
~~~🌸~~~
Cassiopeia's Point of View
After everything that had happened in the past, this was only the first time I saw them tapos ganito pa ang bubungad sa akin? Buong sa akala ko na we can start a new chapter, we can be together again after all what happened in the past pero bakit ganito? Anong klaseng pagsalubong ito?
Nagtulong-tulong kami na isakay ang duguang si Veronica sa sasakyang nakuha ni Skyblu. Maingat namin siyang inilagay sa likuran na agad na inalalayan ni Barbie na sumunod na pumasok. She's alive, she's breathing but I can't really tell her current situation. From the looks of it, hindi ko mapigilan ang matinding galit. Hindi man siya direktang nasagasaan noong sasakyan kanina but I know that she's in pain now. In terrible pain.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Alam ko na hindi talaga balak patayin ng kung sino mang iyon si Veronica. It was as if, they are giving me a warning, a threat or something at hindi ko sila mapapatawad na ang kaibigan ko pa ang ginamit nila sa mga katarantaduhan nilang ito! Pero kahit anong subok ko na mag-isip ng maayos, hindi ko magawa. Walang ibang malinaw sa akin kung hindi ito ay kasalanan ko!
Damn it! It's my fault! This is all my fault. I put them into this situation again and again. Hindi sila kailanman magiging ligtas hangga't narito at kasama nila ako. Kahit kailan, hindi sila magkakaroon ng payapang buhay habang kasama nila ako.
Patuloy ko silang hihilahin sa kapahamakan. Patuloy ko silang hihilahin sa magulong buhay. Kahit kailan hindi sila magiging maayos o ligtas kung nasa paligid ako.
"I-I'm sorry... It was my fault! It is my fault!" Humarap ako sa kanila, umiiyak habang sinisisi ang sarili. Tumingin ako sa mga kamay ko, it was painted with Veronica's blood, and I was shaking. Seeing this much blood from my friend was like killing me- torturing me.
Sana kasi hindi ko isinawalang bahala iyong natanggap ko na message at iyong tawag. Kahit hindi malinaw sa akin ay dapat naging alerto ako sa paligid. Sana naiwasan ito. Sana hindi nangyari ito.
"C-Cassie..." Amber called my name pero natulala na ako sa sasakyang paalis. Laman noon ay sina Skyblu, Barbie at Erin at itinakbo na si Veronica sa pinakamalapit na hospital. Samantalang sina Crizel at Jhorie naman ay kumuha na ng sasakyan para makasunod ang iba.
"W-what makes you think that this is your fault? T-this is not. It was those-
"Alam ko na kasalanan ko Amber and I am sorry!" Putol ko sa kaniya.
What funny is it that I was not yet able to talk to them in a nice way after I disappeared eight months ago at pagkatapos ng lahat ng nangayari, ganito pa ang magiging tagpo sa muli naming pagkikita. I cannot think straight.
Muli kong tinanaw ang sasakyang palayo lulan sina Veronica.
"Is that how you greet us, Cassiopeia? Kakarating mo lang pagkatapos ng mahabang panahon na iniwan mo kami tapos ganyan pa ang maririnig namin sayo?" Pumalit si Eya sa harapan ko at pagalit akong sinigawan. Hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos dahil nahihiya ako. Nahihiya na ngayon na lang ako muling bumalik, pagkatapos ay ito pa ang bungad ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)
RomanceLife is full of mysteries. We don't know what's going to happen or what is meant to happen. We cannot predict the future or even on what's going to happen tomorrow. It's like, we are being blindfolded and our eyes was being covered by dark and dange...