CHAPTER 3:COME BACK IS REAL

37 6 2
                                    

April's POV

Pagkagising ko nakita ko si Katrina na naghahanda para sa school at ako agad-agad ako bumangon at naghanda na rin.

"Kaya mo na ba?"tanong ni Katrina sa akin.

"Oo kaya ko na wag ka na mag-alala"sagot ko.

Pagkatapos ko maligo agad kong inihanda ang mga gagamitin ko mamaya.At last natapos na ako maghanda madami kasi kailangan ngayon na araw.Lumalakad
na kami ni Katrina papunta sa mga classroom ng may nakita kaming parang meteor.Ang kulay nito ay pula at hindi medyo makita ang nasa loob nito kung ano ito.

"Katrina ano ba yun?"tanong ko.

"Ewan pero parang papunta yata dito sa academy"sagot ni Katrina.

"Dapat natin ipaalam ito sa mga Headmaster ng Academy"sabi ko.

"Tara na April bilisan natin"sabi ni Katrina.

Agad-agad na kami tumakbo papunta sa Headmaster's Office nakalocate ito malapit sa Clinic.Habang tumatakbo kami ni Katrina papunta sa Headmaster's Office nakita namin ang mga iba naming classmate sa field parang bang mag-evacuate.

Pagkapasok namin ni Katrina sa Headmaster's Office nakita namin na kinakausap ng mga Headmaster's sina Louise at Benedict.Lahat sila nakatingim sa amin at minasamaan ako ng tingin ni Louise samantalang si Bendict nginitian nya ako.Ang gwapo talaga nila kaso lang ang isa masungit.

"Headmaster's meron papunta sa academy na panganib"sabi ni Katrina sa mga Headmasters.

"Wag na kayong mag-alala kami na ang bahala doon dumiretso na lang kayo sa field kasi mas ligtas doon"sabu ni Headmaster Raven.

Tumatakbo na kami ni Katrina papunta sa field na bigla na lumabas ang mga Headmasters,Si Teacher Kristelle at sina Benedict at Louise.Napatigil ako ng pagtakbo ng bigla akong hinila ni Katrina.

"Tara na April bilisan na natin sila na daw bahala hayaan mo na sila"sabi ni Katrina.

At pinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo ko.

Third Person POV

Tumtakbo na sila Katrina at April papunta sa field samantalang ang mga Headmasters,Teacher Kristelle at sila Louise at Benedict ay lumipad lampas sa force field ng academy para pigilan ang papunta sa Academy.

Si Headmaster Arvee at Clelia handa na gamitin ang mga kapangyarihan nila pati na rin sila Benedict at Louise.Si Teacher Kristelle at Headmaster Raven ay handa na magpagaling sa kanila kung sakaling masugatan o masaktan sila.

Nasa field na sila Katrina,April,mga classmate,mga school mate at ang mga teacher nila habang nandun sila sa field naghihintay kung ano ang gawin nila.

Habang lumalapit na ang ball of fire humahanda na sila.Habang papunta na ang ball of fire may biglang nakapasok sa academy ang isa ay taga-dark academy.

Nahati kasi sa tatlong parte ang magic society ang mga ito ay Magic Academy,Dark Academy,Enchant Academy

Ang Magic Academy ay para sa mga student na may special ability.Ang Dark Academy ay sa mga student na may dark powers.Ang Enchant Academy ay para sa mga student na may kakayahang mag-enchant ng mga weapons.

Isa sa mga Headmaster ang pumasok sa academy at nagtangkang hulihin ang mga headmasters,Teacher Kristelle at sina Benedict at Louise.

Katrina's POV

Palapit ng palapit ang ball of fire at may nakita akong babae na naka-cloak na itim na may hawak na net.

Bigla na lang tinaponan ng babaeng naka-cloak ang mga nasa labas ng force field.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon