CHAPTER 4:NAKATAKDA

22 5 2
                                    

April's POV

Isang linggo na ang lumipas nung lumaban ang mga Headmasters sa kay Headmaster Xylthea.Si Sir Veriel at si Headmaster Arvee ay magkapatid pala ngayon ko lang nalaman na ganun pala at sino kaya ang nakatakda na sinasabi ni Sir Veriel.

"April bilisan mo na,bumangon ka na dyan baka malate nanaman tayo"sigaw ni Katrina.

"Ok"sagot ko.

Hinahanda ko na lang ang bag ko at pagkatapos naglabas na kami ni Katrina sa dorm at naglalakad na papunta sa mga classroom namin.Habang naglalakad kami ni Katrina sa Hallway nadaanan ko si Sir Veriel na naka-teachers uniform.

"Bilisan nyo na malapit na mag-ring ang bell"sabi ni Sir Veriel.

Kaya agad-agad kami tumakbo ni Katrina papunta sa mga classroom namin.

Pagkadating ko sa classroom andun ang isa sa mga Headmaster na si Headmaster Arvee.Agad ako umupo sa upuan ko para hindi ako mapagalitan.

"Ok students pay attention,si Sir Veriel ay isa na sa inyong mga teacher upang madali nya malaman ang nakatakda.Isa kasi sa inyo ang nakatakda"sabi ni Headmaster Arvee.

Habang naga-salita si Headmaster Arvee hindi namin namalayan na pumasok na pala si Sir Veriel.

"Ok ngayon si Sir Veriel na muna ang magsalita kasi may gawin pa ako sa Headmaster's Office"paalam ni Headmaster Arvee at umalis na sya.

Ngayon naman si Sir Veriel naman ang nasa harapan para may i-announce sa amin.

"Ok students starting this day ako na ang bago nyong teacher every afternoon meron tayong training pero ako at si Headmater Clelia ang mag-train sa inyo.Ang mga student na may elemental magic naman ang makasabay nyo.Ok see in the training room this afternoon"sabi ni Sir Veriel at lumipad paalis sa classroom.

Pupunta yata si Sir Veriel sa Headmaster's Office nakita ko kasi sya lumipad papunta sa direction kung saan na-locate ang Headmaster's Office.

Headmaster's Arvee POV

Pinapunta ko si Veriel sa Headmaster's Office upang pagusapan ang nakatakda.

"So Veriel paano natin malaman kung sino ang nakatakda?"tanong ni Clelia.

"Sa pamamagitan ng pag-training kung malakas na ang kapangyarihan nya magkaroon ito ng simbol sa kanang braso nya"sagot ni Veriel.

"Dapat husayan mo ang pag-training sa kanila para madali natin malaman kung sino ang nakatakda"sabi ko.

"Ngayon hapon na kami mag-start ng training kung sakali lumabas na ang simbolo"sabi ni Veriel.

"Tulungan ka ni Clelia sa pag-training sa mga students isali na din ang mga student ng EMD kung sakali sa department na iyon matagpuan ang nakatakda"sabi ko.

"O sige magkita na lang tayo sa training room"sabi ni Clelia.

April's POV

Ang tagal-tagal naman ni Maam Shawyn kaya pala ang laki ng bibig nya.

Hay salamat nag-ring na ang bell kung hindi pa yun nag-ring hindi pa kami mag-recess.

"Ok class pwede na kayo mag-recess"sabi ni Maam Shawyn.

Hinanap ko si Katrina sa classroom nila para sabay kami mag-recess.Ayun pala sya kinakausap si Jennen at Bea kaya pinuntahan ko siya.

"Kat recess na tayo gusto nyo bang sumama?"alok ko.

"O sige tara na"sagot nila.

Lumalakad na kami papunta sa canteen ng may biglang bumangga sa likod ko.Pagkatalikod ko yun pala si Benedict.Napatumba ako tuloy.

Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon