Kabanata 8: Playing Cards With The Devil

40.6K 1.3K 220
                                    

|| Dessy Leondale’s Point of View ||

Alam kong kinakausap ako ni Tim pero hindi ko sya sinasagot. Ilang beses na n’ya akong hinahampas dahil gusto n’yang makinig ako sa sinasabi nito pero hindi ko pa rin 'yon pinapansin.

May iniisip ako...

Iniisip ko kung natatandaan ko pa ba ang itsura noong lalaking nagnakaw ng malaking perang hawak ko.

Ayokong nang mangyari ‘yung nangyari kagabi. Natatakot na ako sa pwedeng gawin ni Duro sa’kin. He’s giving me a death threat and it is not good.

Ilang sandali pa, nagsawa na rin si Tim sa pangungulit sakin. Natahimik na din ang pag-iisip ko. Bahagya akong napasandal sa upuan, pumikit ako para maalala ko ang itsura noong lalaking magnanakaw na iyon.  Maitim, medyo may katangusan ang ilong, malalaking mata... at may peklat sa itaas ng kilay?

“Natatandaan ko na!” Mabilis akong napahawak saking bibig nang makita ang mga kaklase kong nakatingin sakin ng masama.

Agad rin akong hinampas ni Tim. “Ano bang sinasabi mo? Ayos ka lang ba?” Nawiwirduhan n’yang tanong,

Magulo at maingay ang mga kaklase ko pero mas nangibabaw yung sigaw ko.

Gamit ang gilid ng tingin ko, nakita ko ang paglabas nina Duri at Cal sa pintuan. Kaklase ko nga pala sila rito sa History Class.

“Tim, sandali lang! Dito ka muna.”  Agad akong tumayo sa kinauupuan at dahil sa pagmamadali, sumabit pa ang kamay ko sa matigas na bakal. Hindi ko muna inintindi 'yon at tumakbo na papalabas para habulin sina Duri.

Kailangan kong sabihin sa kanya ang tungkol dito para matigil na ang pagbabanta n’ya sa buhay ko.

Nakita ko silang naglalakad papunta sa locker room. Ang bilis nilang maglakad. Hindi na ako magtataka dahil masyado silang matatangkad at mahaba ang binti kaya malayo agad ang naihahakbang ng paa nila.

“Hoy!” Tawag ko sa kanila.

Para namang hindi nila ako narinig kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko at mas nilakasan ang boses. “Hoy! Sandali lang!”

Wala pa ring talab at patuloy lang sila sa paglakad. Sa sobrang pagod ay tumigil ako sa paglalakad. Sandali akong huminga at humugot ng lakas.

“Duri!”

Sa pagkakataong ito, tumigil si Duri sa paglalakad samantalang nahuli naman si Cal sa pagtigil. Una ring lumingon si Duri kaysa kay Cal.

Nang magtama ang aming mga paningin, ngumisi si Duri. Lumunok naman ako ng laway dahil sa pagod. Hindi ako makahinga.

Ako mismo ang unang lumakad papunta sa kanila. Parang wala kasi silang balak lumapit. Prente lang ang mga tayo nito habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa.

Tumigil ako sa harap nila, “May kailangan akong sabihin sa inyo,”

Nagtaas naman ng kilay si Duri, “Have you made up your mind? Ibabalik mo na ba ang pera?”

Tumikhim ako at sandaling tumingin kay Cal.

Muli akong tumingin kay Duri at umiling. “Hindi,” sagot ko.

He's A Playboy Gangster [HAPG Book I] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon