V

211 4 0
                                    

Kabanata 5

My euphoria.

"Amaria.. You must do the splits.." ani ni Benj na nakatayo sa harapan ko, pinapanood akong nag rerehearse for my gymnastics performance para sa team nila Kael.

Walang basketball team ang political science. More on academics kami, ay este, sila. Sila. Yung mga kaklase ko. Ako lang yata ang sa talents na punta.

Oy hindi sa bobo ako. Pero di ko lang talaga mareach yang katalinuhan nila. Ganun. May levels yun eh. Siguro nasa level 80 ako sila nasa 90 at 100. Ganun.

"Throw your prop sa intro then agad mong sundan yun ng moves mo.." turo sa akin ni Benj, ang bakla kong instructor.

Tinuroan niya ako sa mga steps at kahit anong mga step na pweding pakitaan nang flexibility. Needed yun! Fitness! Stage! At yung galaw mo!

Need to do this. I must not disappoint my instructor and the team. They chose me, so it means, they trusted me a lot. Na maipanalo ko ito. Na kaya kong talunin si Tatiana Rose Aguilar ng seniors. At yung Celestine Jan Baltazar ng Juniors. Kahit mas bunso ko ang mga yun, magagaling sila.

Kilala ko sila kasi nakakasama ko sila if may competition ng sayawan sa Manila. Counted ako palagi sa dancers na ipapacompete ng SFC ofcourse.

"Amaria.. That's it.." habang ginagawa ko ang binigay niyang new steps with bending and splits. "Good.. Bravo!" palakpak niya "Next.. E insert natin ang pang laban mo.." nakangisi siya sa akin

"What's my weapon now?" nakangisi na rin ako kahit hinihingal kasi kanina pa kaming 8am dito sa gym, tapos ngayon maglu-lunch na, hindi pa rin ako pinapakawalan ng baklang ito.

"Do the bend, balance then freeze. Handstand sya pero yung dalawa mong paa sumasayaw sa prop. You can do that!" nakangisi pa rin siya

Oo kaya ko. Pero gutom na ako!!!

Agad ko namang tina try ang steps niya. Nakuha ko naman agad. Kahit papaano ay may balanse pa ako kahit wala na akong energy dahil parang na digest na lahat ang kinain ko kaninang umaga.

"You are the best Amaria! Hindi mo ako pinapahirapan! You can always do the steps with no worries!" papuri niya pa sa akin. Ako naman ay ngiti lang ng ngiti kahit gutom na.

Biglang tumunog ang phone ni Benj, sinagot niya ito.

Habang may katawag sya ay kinuha ko muna ang biscuit na nasa bag ko at bottled water. Umupo ako saglit at pinasadahan ng tingin ang buong gym.

Akala ko kami lang ang nandito.

There. I saw. Kael sitting in the bleachers. Nakatingin din siya sa akin. Kinawayan ko lang sya. Ngumiti naman ito.

Kanina pa kaya sya dito?

Ano kaya ginagawa niya dito?

Baka hinihintay nya yung mga kasama nya? O di kaya ay ino-obserbahan ako?

I mean. O-obserbahan ang epeperform ko sa opening!

"Amaria.. Balik tayo from the top.. Tapos lunch na then balik tayo at 1:30 para sa chorus part mo.." ani ni Benj sabay lagay ng kanyang phone sa upoan.

Agad naman akong tumayo para magsimula na.

Nilingon ko si Kael at nakatingin siya ngayon sa phone niya, tapos lumingon ulit sa akin.

Nagsimula na ako sa pagsasayaw.

Bakit nini-nervous ako ngayon?

Kani kanina lang, wala eh. Normal lang yung nararamdaman ko.

To Love. Again?Where stories live. Discover now