Pagkatapos kong mag-CR ay bumalik din ako kaagad. Narealize kong hindi ko kailangang magpaapekto kay Cairo. And ayokong maghiwalay kami ni Sean. Hindi niya alam na si Cairo ang ex ko.
Wala pang prof nung pumasok ako. Pero laking gulat ko nang maingay ang mga kaklase ko at usap usapan si Cairo lalong lalo na sa mga babae.
Ngumuso ako at nagpatuloy sa paglalakad. Tumayo si Sean nang makita ako. Pupuntahan niya sana ako nang saktong dumating na ang prof namin.
Hindi kami tabi ni Sean dahil sa arrangement ng pangalan namin. Albaserio ako samantalang sya ay Delos Reyes.
"Okay class, nakilala niyo na ba ang bago nyong kaklase?" Panimula ni Sir Ferdo na may malaking stick na palaging hawak.
Bumungisngis ang mga kaklase kong babae sa kilig. Alam kong naattract sila kay Cairo. Gwapo talaga siya. Nung kay Sean sobrang kinikilig sila pero nang malaman nilang girlfriend niya ako ay tumatahimik sila.
Napansin ko ang paghawi ni Diana sa buhok niya. Nasa harapan ko lang sya at ibang direksyon ang tinitignan ng mga mata niya.
Kilalang bitch si Diana sa school. Mukha kasi syang mataray pero maganda. Sakin lang sya nakikitungo ng maayos dahil magpinsan sila ni Sean. Magkaibigan naman kami pero hindi kami ganoon kaclose dahil iba ang taste niya sa buhay. Super girly niya samantalang ako ay may pagkaboyish.
"Hindi pa sir!" Sagot ni Diana.
"Okay Mr..." tumingin si Sir sa record niya, "Alcances! Stand up."
Umikot ang mga mata ko at dumapo sa lalaking tumayo sa kabilang gilid ko.
"Oh my god Janine! Ang gwapo gwapo ng bago nating classmate!"
"Ang pula ng labi niya. Mukhang taga Maynila to, Michelle."
"Ang bango niya jusko!"
"Taken na si Sean, lipat tayo kay new classmate! Magiging hearthrob to Judy Ann."
Rinig kong bulung bulungan ng mga kaklase ko. Napailing ako sa kawalan dahil sa lakas ng boses nila. Parang hindi bulong eh.
"Introduce yourself." Tiningnan ko muli si Cairo na blangko lang ang ekspresyon sa harap.
Sobrang nakakacurious talaga, bakit kaya sya nandito? And myghad, talagang Claveria pa ang napili niyang probinsya!
"I'm Cairo Nexus Alcances. 18 years old. I came from Manila and I was transferred here because of my..." Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero bigla niya akong sinulyapan.
Napalunok ako sa tingin niya sa akin. Bakit niya ako tinitignan? Iniwas ko ang tingin ko at binalingan si Sean na nakangiting kinakausap ang katabi niyang lalaki. Wala talaga tong pakialam kung may nagsasalita sa harapan. Tss. Ganyan talaga ugali nyan.
Hindi ko tiningnan si Cairo pero nakita ko sa gilid ng mga mata ang pagiwas din niya ng tingin sakin bago nagsalita.
"Because of my parent's choice... That's all." Aniya at wala pang sinasabi si prof ay agad na itong bumalik sa upuan niya.
Bastos!
"That's it, Mr. Alcances? Wala ka bang ibang sasabihin?" Kunot noong tanong ni Sir na mukhang hindi rin nagustuhan ang pag-alis niya bigla sa harap.
"Wala na, Sir." Sagot niya.
Tumango lang ang prof at inayos ang salamin.
"Okay okay. Mukhang hindi ka pa sanay sa paligid mo Mr. Cairo. Sanayin mo yng sarili mo dito. Boost your confidence! Okay class magpakabait kayo kay Mr. Alcances okay? Tulungan nyo syang makacope up ng lessons natin. First sem palang naman... But now, let's change your seating arrangement again. Dumagdag ang klase nyo kaya ayusin ulit natin." Pinalo niya ng stick ang mesa niya kaya napaayos kami ng upo.
"Albaserio and Alcances at the back!" Nanlaki ang mga mata ko sa pangalang sinabi ni Sir Fred.
Oh my god. MAGKAKATABI TALAGA KAMI REALLY?!
Para akong nabuhusan ng tubig ng nakitang tumayo sya at mayabang na pumunta sa likod.
Gusto kong umiling pero hindi pwede. Ayokong maging affected!
Labag sa loob kong kinuha ang bag ko at lumipat sa likod. Sumipol sakin si Sean at nakita ang pagkakunot ng noo ko.
"You okay?" He mouthed nang napadaan ako sakanya. Ngumiti ako at tumango para hindi niya mahalata na may mali sakin.
Dire diretso ang lakad ko hanggang sa tumabi na sakanya.
Iba kasi ang trip ni Sir eh! Talagang nasa huling row ng upuan yung mga naunang natawag na mga pangalan.
Agad kong nalanghap ang panlalaking amoy niya.
Umayos ako nang upo na parang hindi sya nag-eexist. Paano ba kasi ako magrereact? Hindi ko alam.
"Sha.." Tumindig ang balahibo ko nang tinawag niya ang pangalan ko sa paos na boses.
Wala na akong naiintindihan sa sinasabi ng prof sa harap. Agad naagaw ni Cairo ang atensyon ko. Oh my god. Shami nakamove on na tandaan mo please.
Pilit ko syang nilingon at nginitian. I need to be mature and casual. Pinakalma ko ang lintik kong puso sa kaba. Nakakainis! Dapat hindi ako kinakabahan punyeta! May boyfriend na ako kaya wala na dapat ito sakin.
"Yes? Oh C-Cairo! Hindi ko alam na magiging classmate tayo!" Humalakhak ako ng mahina na parang timang.
"Ako din." Aniya.
"K-Kailan ka pa lumipat dito?" I asked casually. Mukha namang ganoon din sya sa akin. Pinaglalaruan niya ang hawak na ballpen sabay sulyap muli sakin.
"Last month." Titig niyang sagot.
Tumango ako at hindi na dinugtungan pa ang tanong.
Naging tahimik na rin kami nang magsimula ang aming prof na magturo.
Humikab ako at humilig ng konti sa upuan. Gusto kong matulog pero hindi ko naman kayang pahiyain ang sarili ko sa... Well, sa mga kaklase ko.
"Inaantok ka?" Hindi ko na kailangang lingunin ang nagsalita.
"Yep, medyo."
"Nagpuyat ka?" He asked in a low tone.
"Yup." Kasi magdamag kaming nagkausap ni Sean kagabi.
"Why? Kdrama again? Hindi ka na talaga nagbago, Shami." Nabigla ako sinabi niya.
"Huh? Ahm... Actually no.. Kausap ko kasi magdamag ang boyfriend ko." I answered nervously.
Natahimik siya sa sinabi ako.
"May boyfriend ka." He said in a statement.
"Y-Yup." Ayokong maramdam niya ang awkwardness so I tried to divert my attention in whatever my prof saying is.
Hindi niya na ako kinibo hanggang sa matapos ang klase. Nauna na rin siyang umalis kaya nakahinga ako nang maluwag.
YOU ARE READING
Scars between our hearts
Romance"I can heal your wounds, I can heal your pain, I can heal you but you can't heal the scars between our hearts."