Paano ko nga ba ipapaliwanag sa iba ang aking nararamdaman?
Paano nga ba sasabihing di mapigilan ang pagmamahal?
Paano nga ba malalaman ang aking hangganan?
Paano ba matitigil aking kahibangan?

Saan makikita ang aking kaligayahan?
Gaano katagal para katahimikan ay makamtan?
Sa araw ng puso, ang aki'y nagdurugo,
Naghihinagpis, nalulungkot, paulit-ulit na pinapako.

Ano pa ba ang kailangang gawin,
Upang iyong maalala na ako'y mahal pa din?
Ano pa ba ang dapat kong ibigay,
Upang sa huli ay manatili ka?

Kaydaming tanong na hindi mabigyan ng kasagutan,
Maraming bagabag na mahirap isawalang-bahala na lang.
Ngunit iisa lang ang palaging hinihiling,
Sana paglisan mo, ang bukas ay kayaning harapin.

---
021418
1046PM

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Huntress as a PoetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon