CHAPTER FIFTEEN

14.6K 536 25
                                    


A/N: Metro Grill is just a product of my imagination.

**********

Pinilit ko ang sarili na magpakatatag kahit masakit. Dahan-dahan ko siyang tinulak palayo sa akin. Tinalikuran ko rin siya agad at nagpahid ng luha sa mga mata. Naramdaman ko na lang na yumakap siya sa baywang ko at hinagkan niya ang batok ko.

"If you don't want me to go----say it," bulong niya habang hinahagkan ang ulo ko.

Naghumiyaw agad ang puso ko ng, "Yes, I don't want you to go!" Pero natatakot naman ako. Natatakot akong masaktan uli. Hindi ko sigurado kung hanggang saan niya ako ipaglalaban. Heto ngang isyu sa ama niya'y ako pa ang kailangang mag-back off.

"Do you want me to go or not?" tanong niya.

Tinanggal ko ang mga kamay niya sa baywang ko at sinabihan ko siyang umalis na.

"I wouldn't leave you here until I'm sure it is what you want."

Napapikit ako. Alam ng Diyos kung gaano kasakit sa akin ang sabihing umalis na siya, ang umuwi na siya sa kanila, pero pakiramdam ko iyon ang tamang gawin. Kung pipigilan ko siya baka hindi rin iyon makabuti sa relasyon namin. Baka patuloy niya akong saktan sa pagiging weakling niya. Kung hindi niya ako kayang ipagmalaki sa pamilya niya hindi bale nang magkahiwalay kami.

Huminga ako nang malalim at sinikap kong pigilan na ang mga luha bago ko siya harapin muli. In my strongest and firmest voice I told him to go back home if that's what he felt like doing.

"I'll be all right. Do what you need to do. I think it is best for us to part ways at this time."

Nakita ko ang paglaglag ng balikat niya. Awtomatikong may nangilid na luha sa kanyang mga mata. Bibigay na naman sana ako, pero biglang dumaan si Architect Ramirez. Tumingin siya saglit sa aming dalawa at tinawag niya ako. Dali-dali ko namang iniwan si Lukas at sinundan si Evil Twin sa upisina niya.

"Naipadala mo na ba ang pinagawa ko sa iyong letter sa supplier natin ng semento para sa ginagawang building ng kompanya sa Taguig?" tanong agad nito sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa upisina niya. Saglit akong na-disorient. Letter to the supplier...letter to the...

"Miss Castillo!" bulyaw sa akin ni Evil Twin. Napakislot ako at nataranta.

"Iyong letter po?"

Hindi sumagot si Architect Ramirez. Nakatitig lang ito nang masama sa akin. No'n ko lang naalala ang sinasabi niyang sulat. Iyong para sa Giant Hardware! Shit! Hindi ko pa napapadala iyon! Mabilis akong nag-isip ng excuse, pero dahil tuliro ang isipan ko sa napipintong pag-alis ni Lukas ay wala akong maisip na rason kung bakit hindi ko pa nagagawa ang iniuutos niya noong Biyernes.

"Personal na lang daw pong ihahatid iyon ni Mang Roman sa Giant Hardware, Architect Ramirez," sabat ni Leigh. Kasama ito ni Meg na pumasok sa silid ni Evil Twin. Dahil sa sinabi, napatingin sa kanya ang bruha. Nanininggkit ang mga mata. Napalunok nang ilang beses si Leigh. Saglit na naghinang ang mga mata namin at ninerbiyos ako dahil nabatid kong gawa-gawa lang iyon ng loka-loka para huwag akong pagalitan nang husto.

May inabot itong folder kay Evil Twin. Katabi niya si Meg na naghihintay ng magiging reaksiyon ng walanghiya naming architect. Mayamaya pa, napatili sa tuwa ang bruha. Memo pala iyon na nagsasabing nanalo na naman ang Sky Builders sa bidding. My bago na naman kaming project. Pinagtabuyan niya kaming tatlo na para bang nagpapaalis ng langaw habang duma-dial sa telepono. Halos nag-unahan kami  sa paglabas ng upisina.

Pagtingin ko sa working area namin, wala na roon si Lukas. Nanlupaypay ako, pero siyempre hindi ko iyon pinahalata sa dalawa. Hinila ko na lang si Leigh papunta sa CR at pinagsabihan tungkol sa sinabi niyang excuse kay Evil Twin.

WHEN I LOVE (ZYRA'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon