No Proof Reading :D Enjoy:D
*** Aleeya's POV
Ngayong weekend magkasama kami ni Jeric sa isang park. Gusto nya daw kasing gumala at dinamay pa ko. Wala naman na akong dapat problemahin dahil tapos ko na ung mga requirements sa school.
"Bakit park?" tanong ko. I can't imagine a Jeric Teng in a park holding my hand like I was going to pull away from him by some guy. ALam nyo ung feeling na may insecurities sya kahit hindi naman talaga dapat? Ganun ung nararamdaman ko ngayon sa pagkakahawak na Jeric sakin. Ung para bang makakakita ako ng lalaking mas higit sa kanya tapos bibitawan ko na lang sya agad.
"Wala lang. Feeling ko kasi enjoy kapag sa park tayo pupunta. I mean madaming views. Mas gusto ko ung ganito kesa pumasok sa isang fancy restaurant at mag order ng pagkaing kelangan pang magkabuhol-buhol ang dila mo bago mo makain." I looked at him with disbelief. hindi ko akalaing ganto sya. Totoo naman. Kung ako ang papipiliin mas gusto ko ung simpleng date, kung date nga bang matatawag toh. Mas gusto kong mag order ng chickenjoy ng Jollibee o kaya naman Happy Meal ng Mcdo. Diba ang simple?
"Ibang klase. Akala ko maarte ka sa pagkain."
"Hindi ah. Nakita mo ba ung Streetfood stall dun sa gilid ng campus? Lagi akong bumibili dun. Kami ng tigers."
"Ahh. Masarap naman kasi eh." Nakangiting sagot ko. Naglakad-lakad pa kami bago naupo sa isang malilim na bench sa gilid. First Impression do fails. Kinain ko lahat ng sinabi ko nung una ko syang makaharap. I never thought that we would end up holding each others hand. Its been a month. Walang palya nyang pinapakilig ang sistema ko. Sa mga hirit nyang mas corny pa sa mais, mga joke nyang nakakapikon pero in the end tatawa ka na lang kahit pilit at sa pag aalaga nyang dinaig pa ang nanay ko. Kulang ang isang libong pasasalamat kasi binigay at ipinakilala sya sakin ng langit.
"Nagdududa na talaga ako sa iniisip mo. Palagi ka na lang tulala pag magkasama tayo. Baka pinagpapantasyahan mo na ko nyan."
"Ang tigas talaga ng apog mo! Grabe!" asar ko syang tinignan. pwede bang bawiin ung hinulog sya ng langit?
"Chill. Sinisira mo ung moment eh." inikot ko ang tingin ko at nakita ko sa paligid ang mga couples na walang habas kung makapagPDA. Lengya! Naiinggit ako. Bat naman ngayon pa!
"Jeric, di ko akalain na mabait ka pala." out of the blueng saad ko.
"Coz you don't bother knowing me, palagi kasing masama ang tingin mo sakin. I'd never felt such rejection like that. Hindi mo man harap-harapang sinasabi na nirereject mo ko pero ramdam ko yun." he smiled bitterly. Bakit ng sinabi nya un parang naguilty ako?
"I'm Sorry." un lang ang lumabas sa bibig ko. Ewan eh. Unintentionally, nasasaktan ko sya.
BINABASA MO ANG
"Reach The Impossible"
Teen FictionA story of REACHING someone. May mga bagay sa mundo na mahirap abutin. Mga bagay na alam nating hindi pwede. but in LOVE everything is possible!! Go on and REACH THE IMPOSSIBLE !!!