Ano ba kita?

2.6K 81 32
                                    

Kanina pa tinititigan ni Kaye si Lester. Kahit panakaw na ang tingin niya, wala siyang paki. Mapagmasdan lang si Lester. Stalker-ish? Definitely.

Natigil lang yon nang kalabitin siya ni Mara, ang bestfriend niya. 

"Gurl! Matunaw yan!" panimula ni Mara.

"Ano si Lester, yelo?" pabalang na sagot ni Kaye.

"Eto.. Sungit mo te? You have?"

"Wala. It's not the time of the month noh."

"Eh bat ang sungit mo? Ang aburido mo today ah!"

Natigilan sandali si Kaye at tumingin muli kay Lester bago sumagot.

"Kasi... Ang cold na ni Lester lately." pabulong na sagot ni Kaye. Kahit na pabulong, it was loud enough for Mara to hear.

"Anyare te? Nitong nakaraang araw, lovey-dovey kayo ah. May paM.U.-M.U. pang nagaganap." iritang tanong ni Mara.

"Hindi ko rin alam... Basta parang.... parang anlamig nalang niya bigla." unsure na sagot ni Kaye

"Baka naman sensitive ka lang? Baka naman wala namang talagang nangyayaring panlalamig."

"Hindi eh. May nagiba talaga. Nagbago.. na siya." mahirap man aminin yan talaga ang nararamdaman ni Kaye. Parang nagbago na si Lester. Scratch that. Nagbago na talaga si Lester.

"Paanong nagbago, can you explain briefly?"

 Inalis na ni Kaye ang tingin niya kay Lester nang tumayo ito. Kakatapos lang nito ng lunch at paniguradong babalik na ito sa classroom. Ayaw tumigil ng pagkabog ng puso niya. Bakit? Madadaanan kasi ni Lester ang table na inookupa nila ni Mara para makalabas ng canteen.

Ilang sandali nalang ay dadaan na si Lester sa harap niya. Iniisip niya kung anong sasabihin niya. Usually kasi binabati siya nito.

Kaya kung anong sakit nalang ang naramdaman niya nang dumaan si Lester.

Yun na yun.

As in dumaan lang si Lester. Walang "Hi." Walang "Hello". Heck, wala rin lingunan. Basta yun na yun. Dumaan lang si Lester.

Halos malaglag ang panga ni Mara sa ginawa ni Lester. Badtrip siya sa lalaki. Nung nakaraan lang parang aso ito na hindi nilulubayan si Kaye tapos ngayon ni 'Hi' ni 'Hello'.. WALA?!

Nang bumalik na ang tingin ni Mara sa kausap, nakita niya itong maiyak-iyak na. Lalo lang nainis si Mara kay Lester. Simula palang ay hindi na siya sang-ayon dyan sa M.U.-M.U..

"See the difference, Mara? Ngayon mo sabihin sakin na sensitive lang ako, na imahinasyon ko lang na nanlalamig siya. Kasi kung sasabihin mo sakin yan... Baka maniwala ako.. Maniniwala akong walang nagbago."

Gusto nang yakapin ni Mara ang kaibigan. Kaso alam niya na pag niyakap niya ito ay baka hindi na mapigilan ni Kaye ang umiyak. HIndi siya papayag na umiyak si Kaye dahil lang sa pesteng Lester na yan.

__

Halos patapos na ang Lunch break kaya bumalik na sa room sila Kaye at Mara. Parang tumambay nga lang si Kaye sa canteen, hindi kasi ito kumain nang lunch sa kakasulyap kay Lester. Ilang araw na siyang ganun at ikinainis naman yun ni Mara. Kita rin sa mga eyebags ni Kaye na hindi ito nakakatulog ng maayos. Sobrang lata pa nga nito lately na parang anytime she would pass out.

Lalong nabanas si Mara sa nakita pagpasok nila ni Kaye sa room. Halos maguho naman ang mundo ni Kaye. Pano, ang bumungad kasi sa kanila ay isang lalaki at isang babaeng nagyayakapan.

Ok lang naman sana un eh. Kaso ung lalaki ay si Lester, at yung babae ang ang ex-girlfirend niyang si Ara. Si Ara ang pinakarecent ex-girlfriend ni Lester. Oh yes. She's the girl before he had M.U with Kaye.

Hindi na napigilan ni Mara ang sarili at sinugod si Lester.

Sinunod niya ang bugso ng damdamin at sinabunutan ito. Ang ibang babae ay tumili. Ang ibang kaklase ay nataranta, pero halos lahat sila ay nagulat.

" ^*&*%#* ARAY MARA! ANO BA?! " sigaw ni Lester.

"Paasa ka! Nakakainis ka! Nakakasakit ka na! Manggagamit ka! Walangya ka!" sigaw din ni Mara habang hinihila ang buhok ni Lester.

Nang makarecover na ang mga kaklase nila ay agad nilang inawat si Mara. Salamtalang si Kaye. Ayun. Walang nagawa kung hindi ang umiyak.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!!" sigaw ni Lester nang maihiwalay si Mara sa kanya.

"ANONG PROBLEMA KO?! Ha! KAPAL NG MUKHA MO BOY!" Susugurin pa sana ni Mara, kaya lang pinigilan siya ng mga kaklase niya. "PAASAHIN MO ANG BESTFRIEND KO TAPOS BIGLA MONG IIWAN?"

Natigilan ang lahat at napatingin kay Kaye. Kay Kaye na nasa gilid lang ni Mara. Kay Kaye na umiiyak. Kay Kaye na nasasaktan.

"Ano ba yun Kaye? Ano bang nangyari? Ano bang problema? Paano ba kita pinaasa?" naguguluhang tanong ni Lester.

"Ba-kit... B-bakit bigla ka nalang naging cold sakin?" mahina lang tanong ni Kaye. Pero sa sobrang tahimik ng paligid ay narinig ito ng lahat.

"Cold? Panong Cold?"

"Hindi mo na ako tinetext, hindi mo na ako hinahatid, hindi ka na tuma-"

"Teka lang! Ano bang akala mo? Gusto kita?"

"I thought were in... Mutual Understanding?"

"Inisip mo may MUTUAL UNDERSTANDING TAYO? Nababaliw ka na ba?"

Halos lahat ng mata sa lugar nayon ay nakatingin na kay Kaye, ang iba ay kinakaawan siya, at ang iba naman ay parang nagsasabing anong-akala-mo-papatulan-ka-ni-lester. Bigla siyang nagalit. Sinaktan na nga siya ni Lester, ngayon naman pinapahiya siya nito sa bong klase.

"Bakit Lester? Wala bang meaning lahat nang sinabi mo? Walang meaning yung paghatid at pagsundo mo sakin? Walang meaning yung mga text mo? Walang meaning yung mga tawag mo? Walang meaning yung mga tawanan natin? Walang meaning lahat yun? Ako lang nagassume nun? Alam mo ok naman tayo eh. Nagulo lang tayo nung biglang nagpalipat nang section yang ex mo na niloko ka! Lester, you can do better! Lolokohin ka lang ulit niya! Sasaktan ka lang ulit ni-"

"Tama na!" lalong umintense ang paligid nang sumigaw si Lester. Hindi ito katulad ng sigaw niya kanina. Mas malaman ito ngayon, with much authority that everyone in that room flinch. "Wala kang karapatan pagsabihan ng ganyan si Ara. Wala kang alam!"

"Anong wala akong alam? Sakin mo sinabi sakin lahat! Sakin ka naglabas ng loob. Ikaw mismong nagsabi na ikaw mismo ang nakakita na niloloko ka niya. PANONG WALA AKONG ALAM?"

"TAMA NA SABI EH! WALA KANG PAKIALAM SA BUHAY KO! ANO BA KITA?!"

Ibinuka ni Kaye ang bibig para sumagot kaso walang lumbas, kaya isinara din niya ito kaagad. Sht lang. That got her.

Anong pakielam niya sa buhay ni Lester?

Ano bang karapatan niya?

May karapatan ba siya?

Wala.

"Oo nga pala... hindi nga pala tayo." everyone in the room pity her. She said it herself. Para narin niyiang tinaggal ang pride sa systema niya. Wala na. Wala nang natira sa kanya.

Tahimik lang ang lahat, ang hikbi lang ni Kaye ang naririnig nila. Kahit na si Ara mismo ay naawa kay Kaye. Grabe nakikita kasi niya kung gaano kamahal ni Kaye si Lester.

Naputol lang ang katahimikan nang magsalita si Lester.

"I'm sorry Kaye. Pero si Ara talaga ang mahal ko."

At yun na ang huling narinig ni Kaye bago ito mawalan ng malay, at bago naduro ang puso niya.

Ano ba kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon