Proposal

20.4K 500 21
                                    

Proposal

Sheila slowly opened her eyes. There's something that tickle her nose. Kusa siyang napangiti ng makita si Ruth na nakahiga sa dibdib niya. Nakasandong puti na ito at halatang bagong ligo dahil amoy na amoy niya ang aftershave nito.

Nakasubsob ito sa hubad niyang dibdib habang payapang nakapikit. Mukha siyang bata na naglalambing sa sariling ina. Umakyat ang palad niya sa pisngi nito at marahan itobg hinaplos. Hinding hindi niya pagsisihan ang paulit-ulit na pagkakamaling ginagawa niya basta kasama ito.

Alam niyang mali ito. Alam niyang hindi tama. Pero hindi siya nagsisisi. Dahil dito siya masaya. Sa kanya siya mas maligaya. I'm so Trey... Wala sa sariling naibukong niya.

Malinaw na niloloko niya ang asawa. Malinaw na nagtataksil siya. Pero ito ang tama para sa kanya. Ang makasama ang taong mahal niya. Oo at minahal niya si Trey. Pero noon iyon. Naglaho na ang lahat ng 'yon ng iwan suya nito sa San Diego at hindi na muling nagpakita sa kanya. Na ngayon ang tanging kaya lang niyang ibigay ay ang totoong pakikipagkaibigan.

Mas humigpit pa anv yakap ni Ruth sa baywang niya. Damang dama pa rin niya ang init ng mga haplos nito sa kanya buong magdamag.

Napapiglag siya ng bigla itong magmulat ng mga mata. Tila bata siya na nasukol nito dahil sa maling pangingialam ng gamit na hindi sa kanya. "Good morning, sweetheart." Mabilis itong tumingala sa kanya at saka dinampian ng halik ang labi niya. Nang tutugon na siya ay saka naman ito lumayo.

Puno ng pang hihinayang na tinignan niya ito. "How's your sleep?"

Agad siyang napairap. Itatanong sa kanya ang bagay na 'yon na para bang umabot ng walong oras ang tulog niya na kung tutuusin ay kaninang alas kwatro ng madaling araw na siya nito pinahintulutang matulog at alas siyete na ng umaga ngayon. "I had a three hours sleep. Thanks to you."

He smiled sexily that she can't resist. "You're most welcome."

Dumapa siya para sana isubsob pa ang mukha sa unang ng hawakan siya nito sa balikat at muling tumihaya. "Hey! Wake up."

"Gusto ko pang matulog." Ungot niya habang nakapikit.

"You can't sleep. Nangako tayo kay Sienna na mamamasyal tayo ngayon." Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata. Naalala niya ang anak. Kahapon pa ito nagyayaya na pumasyal daw sila. "May beach house sa San Juan si Jerri, remember him? Yung doctor mo dati?"

Then she smiled with recognition. "Ay oo! Ang gwapo gwapo nga nung si Doc. Hindi ko alam na kaibigan mo pala 'yon. One time ipakilala mo naman ako ulit sa kanya. Ang gwapo niya talaga." She said while grinning. Sinadya niyang magmukhang OA ang pagkakasabi niya.

Ruth frowned. "Mrs. Rosales." Mrs Rosales? Why does it sounds so good? "Kapupunla ko palang ng buto dyan sa sinapupunan mo. Wag mong sabihing buntis kana agad?" Na sinabayan nito ng pag ngisi. "Oh well, it's not a bad idea. At least ngayon alam ko na kung anong epekto ng kamandag ko sayo."

Namumula ang pisngi na hinampas niya ito. Kaya lang naman niya inover act ang pagkakasabing gwapo ang kaibigan nito ay para sana magselos ito pero iba pala ang naisip nito. "G-Grabe talaga ang bibig mo!"

Dumagan ito sa kanya at pinagpatong ang mga noo nila. Dahan dahang dumausos ang kamay nito sa braso niya patungo sa kamay. Naramdaman niya ang daliri nito sa daliri niya. And then, she felt something. Hinuhubad nito ang wedding ring niya. "You don't need to wear this anymore." He said. Hawak nito ang wedding ring na ibigay ni Trey sa kanya pagkapanganak niya kay Sienna. Dahil balak na niyang makipaghiwalay dito noon pa wala na sana siyang planobg suotin iyon pero palaging nakabantay ang media sa kanila. Kahit papaano ay hindi niya gustong mapahiya ang asawa kaya nakasanayan na niyang suotin ang singsing na iyon. "You are mine. Mine alone." He said while kissing her forehead.

Kusa siyang napapikit. "I'm all yours, Ruth."

Dama niya ang pagngiti nito. "Pagbalik namin ng San Simon. Aayusin ko na ang lahat sa pagitan namin ni Trey. I will arrange our divorce papers since sa San Diego kami kinasal." Pangako niya. Gagawin niya iyon para dito. Para kay Sienna at para sa kanya. Susundin niya kung ano ang tama at sinisigaw ng puso niya. "Ipapaglaban kita." She said with sincerity.

"Kasama mo ako. Sasamahan kita sa laban na papasukin mo." Ani nito na puno ng pagmamahal. "Pero bago 'yan may gusto akong itanong sayo."

Nakadagan pa rin ito sa kanya pero bahagya kang umangat. Kaya kutabg kita niya ang dibdib nito. Hindi niya napigilang mapabungisngis ng makita ang mga kagat niya sa didbib nito. Namumula ang mga iyon at tila malalaking pantal. He's such a wild hot lover. Kaya paanong hindi niya pang gigilan ito? "Will you marry me?"

Mula sa dibdib nito ay umangat ang mga mata niya. Pasalubong sa titig nito. Hawak nito ang isang singsing na may batong kumikinang. "Hindi ko nakikita ang susunod na bukas kung wala ka. You healed me. Binibigyan mo ako ng hindi mabilang na dahilan para maniwala at wag matakot. You and Sienna are the only reason why I still like to wake up every morning. Why I had to follow you whenever you are. Why I had to endure all the pain. Mahal na mahal na mahal kita. Papakasalan mo ba ako?"

Ang ngiti niya ay agad napalis at napalitan ng mas amsayang ngiti. Alam niya na ito ang higit na magpapasaya sa kanya. Hinawakan niya ang singsing na iniaalok nito. "Alam mong mahal kita. At oo magpapakasal ako sayo. Magpapakasal ako sayo sa kahit saang simbahan at kahit anong oras. Magpapakasal akp sayo kahit wala ang singsing na 'yan. I only deserve to have that ring after I separate my name with Trey. Mahihintay mo ba ang araw na 'yon? Makakapaghintay ba ang singsing na 'yan?"

Iyon ang tama. Ang ayusin muna ang lahat bago siya pumasok sa bagong buhay na pangarap niya.

Ngumiti ito habang naluluha. "Hindi mo na ako kailangang tanungin. Nahintay na kita noon. Kaya ko pa ring hintayin ka hanggang sa tuluyan ka nang maging akin."







To be continued...






------

Love is patience.

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon