KISSzoned :** ( one-shot )

249 5 2
                                    

    
     Alam nyo ba yung kisszoned??
Yun yung hahalikan ka lang bigla ng isang tao at sa mga susunod na araw iiwasan ka na nito.Nakakainis noh? Lalo na pag di mo alam yung rason kung bakit ka nya hinalikan.

:***

"Asan ba kasi si Kenjie?!! Papasukin nyo na ako ano ba!!?"

"Bawal nga!! Alam mo ba yun?"

Yan ang naririnig kong sigawan sa labas ng lumang locker room ng mga boys na ginawa naming tambayan at tulugan ng mga katropa ko. Ano kaya yun? Hinahanap ako at babae pa talaga yung humahanap sakin. Ayos!

"Bro! Anong mer--Kiethlyn?" gulat na saad ko. Si Kiethlyn Angelic Banchu lang naman yung humahanap sakin. Sya yung crush ko simula first year kami hanggang ngayong maggagraduate na kami. Nagulat kayo noh? Di lang naman babae ang pwedeng magkaroon ng crush at ganun katagal diba? Di nya pa alam na may gusto ako sakanya, di ko pa sinasabi eh. Torpe ba?? Nahihiya lang naman ako umamin eh.

"Kenjie!! Bitaw na nga kayo!" sigaw nya habang tinatanggal mga kamay ng katropa ko sa pagkakahawak sa kanya. Astig din pala sya sumisigaw at may pagkamasungit din. Kilala kasi sya sa campus namin na mahinhin at mabait. Yun din ang dahilan kung bakit ayaw ko umamin sakanya eh, bad boy ako at kilala sa paggawa ng kalokohan dito sa school,samantalang sya diwata sa mga mata ng lahat kasama na rin ako.

"A-ah, B-bakit?" tanong ko nang mapansing malapit na sya sa akin.
Di lang man sya sumagot kaya minabuti kong tanungin sya ulit.

"Ahm, Kiethlyn bak--Hmmpp"

⊙______⊙

Sheyt!!! Hinahalikan nya ako!!! Ginagalaw nya pa ang kanyang mga labi sa akin. Di ko na alam gagawin ko kaya I responded to her kisses. Shet!! 0//0 Kinikilig ako!! Feeling ko rin namumula na yung mukha ko. Kahit lalaki ako marunong din naman ako magblush at kiligin noh, kahalikan mo ba naman crush mo. Onti onti namang lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang may kung anong sumasabog sa loob ko. Shet!!! Di ko alam kung kelan titigil tong nararamdaman ko.
Hanggang sa maya maya tumigil si Kiethlyn sa paghalik sakin kaya tumigil na rin ako.

Whoooohh!!!!! Shet!!! sigaw ng isip ko ng matapos kami magkiss ni Kiethlyn.

Hinahabol ko pa ang hininga ko ng biglang tumakbo si Kiethlyn. Hindi ko na sya nahabol dahil parang nanlalambot pa rin ako.

"Wow Bro!! What was that?" sabi ni Jonathan na isa rin sa humawak kay Kiethlyn kanina.

"Wala!" ang tanging nasabi ko sa kanila saka umalis.

---

"Kenjie anak!"

"Ayy! Oo sarap nun!"

"Huh? Anong masarap? Pinagloloko mo na naman siguro akong bata ka noh?!"

"Ha--Ayy sorry po Mama!" sagot ko kay mama ng matauhan ako. Di pa rin kasi ako makagetover dun sa kiss namin eh. Hehe.

"Hayy! Ewan sayo! Tulungan mo nga akong magbuhat netong mga damit para maibenta ko ulit bukas."

"Sige po mama" sagot ko bago tulungan ang aking mama.

Ito ang trabaho ni mama. Nagtitinda sya ng damit para sa kabuhayan naming dalawa. Si mama nalang ang pinakapamilya ko, yung papa ko kasi iniwan kami dahil mahirap lang ang pamilya nila mama. Nagmula sa mayamang pamilya ang papa ko, dahil matapobre ang pamilya nya hindi nila tanggap si mama kaya iniwan nya kami. Di na rin pinaalam pa kay papa na may anak sila at ako yun. Wala na rin akong plano magpakilala sakanya. Kaya ngayon ito buhay namin ni mama. Kahit badboy at marami akong kalokohan nagiging top 2 pa ako sa klase kaya may scholar ako. Ayoko na rin kasi pahirapan si mama sa pag-aaral ko.

***************

"Wow bro! First time in the history na pumasok ka ngayon nang maaga ah!"

"Haha. Asahan mo na yan ngayon!" sabi ko kay Jake na isa din sa mga katropa ko na maaga pumapasok. Kahit mga badboy kami may mga bagay din naman ang maipagmamalaki namin. Ayos ba? Hahaha. Pumasok ako ng maaga ngayon para makita at makausap si Kiethlyn. Di nya ako pinatulog kagabi eh.

"Bro si Kiethlyn oh!" turo ni Jake sakin pagpasok namin sa room.

Pupuntahan ko na sana sya ng lumabas ulit sya ng room at tumakbo kung saan. Ba't kaya yun tumakbo? Napagdesisyunan ko nalang na pagbalik nya nalang kami mag-uusap.

Buong araw di pumasok si Kiethlyn ngayon kasi may meeting daw sila para sa student counci eh. Pagbreak pinupuntahan ko sya pero whole day daw meeting nila. Papaano ko kaya sya makakausap?? Siguro bukas ko nalang sya kakausapin.

After ng class nagmemeeting pa din sila Kiethlyn. Kaya nang niyaya ako ng tropa mag-basketball sumama ako. Nasa kalagitnaan kami nun ng laro ng makita kong lumalakad sa gilid ng court si Kiethlyn lalapitan at kakausapin pero mabilis syang umalis at sumakay sa van nila. Bukas ko na nga talaga makakausap si Kiethlyn.

---

Shet!! Mag-iisang linggo na ang nakalipas at tatlong araw nalang graduation na pero di ko pa rin nakakausap si Kiethlyn. Nakakatanga na ang ginagawa nya!! Di ko kasi alam kung iniiwasan nya ako o busy lang talaga sya. Kagaya nalang kahapon mag-isa lang sya sa library kaya nilapitan ko sya pero pagdating ko sakanya sabi nya andyan na daw sundo nya. Hirap ng kalagayan ko noh? Parang nga wala lang sakanya yung kiss namin nakaraang linggo eh! Putek!! Nakisszoned na ata ako! Peste! Ang gustong babae ko pa mismo ang nagpatikim neto sakin! ≧﹏≦Puchang KISSzoned yan naimbento pa!!














The End. :***

Thanks po sa nag read! :))

KISSzoned :** ( one-shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon