Chapter 12

45 3 0
                                    

⚜️ Almost Magic ⚜️


Ametina's POV

Noong isang umaga, bigla na lang ako nagpaalam kay Mellea na umalis dahil kailangan ako sa trabaho ngunit isa lamang 'yong alibi. Totoo nyan pumunta talaga ako sa Guild para kausapin ang Guild Headmistress na si Ditesha dahil ilang araw na nya akong pinapadalhan ng sulat tungkol sa anak kong si Mellea. 


Na mga ilang buwan na lang ay kailangan na silang ipadala sa Constellatopia para makapaghanda na sa isang pag-eensayo lalo na ngayon na nagbabadyang sumalakay si Treyvor anumang oras.


Kaya kailangan na ng Guild ang mga anak ng immortals na kagaya namin. Nakatakda ang mga anak namin tanggapin ang ganitong katungkulan sa Kaharian upang mapangalagaan ang Guild at ang kaharian.


 Ngunit paano gagawin ni Mellea 'yon, ni-hindi nya pa nga nakakamit ang kanyang kakayahan. Sa tagal ng panahon dapat nakamit na nya ito sa kanyang edad pero nagtataka ako dahil hanggang ngayon para wala pa ring pagbabago sa kanyang estado ng enerhiya.


Kaya ako pumunta sa Guild para linawin at ipaliwanag ang bagay na ito sa HeadMistress, pero nakatanggap na lang ako ng masamang balita na nawalan ng malay ang aking anak na si Mellea kaya naputol ang usapin namin ng Headmitress dahil sa kinailangan ko ng bumalik sa mundo ng mga tao para sa aking anak. Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanya at nagmadali na kong umalis.


Pagkauwi ko sa bahay, nadatnan ko si Sebry at isang lalaki ang nasa bahay. Sinabihan ko kasi sila na wag na dalhin sa ospital si Mellea na sa bahay na lang ito iuwi dahil mas alam ko ang gagawin sa kanya. Nagtaka man sila ay wala naman silang nagawa kundi ang sundin ako.


Isa, dalawa, tatlong araw ng natutulog ang anak kong si Mellea mabuti na lang ay nagkamalay na sya. Bagaman nangyaayari na sa kanya ang ganitong bagay noong bata pa sya ay bago naman ito sa akin dahil ni-minsan hindi tumagal ang pagkakatulog nya kadalas nasa dalawang araw ang itinatagal ng pagkakatulog nya pero ngayon natakot ako dahil tatlong araw ang inabot nito.


Hindi ko alam kung ang nangyari sa kanya kaya habang binabantayan ni Sebry at ng isang lalaki si Mellea ay nagsasagawa naman ako ng ekspiremento sa aking kwarto para makagawa ng isang formula para sa gamot ni Mellea.


 Ginamit kong basehan ang ibinigay sa akin ni Guild Master Carrium na aklat ng buhay. Nandun nakalagay ang mga sangkap na maaari kong gamiting panggawa ng gamot para kay Mellea hanggang sa mabuo ko nga ang sangkap na nagpagaling sa kanya.


Kahit hindi ako sigurado ay tumaya pa rin ako para mailigtas lang buhay ng anak kong si Mellea, hindi ko kakayanin kung pati sya ay mawawala pa sa akin. Handa kong gawin lahat para sa aking anak kahit isang pag-asa na lang ang natitira tataya pa rin ako para sa aking anak na si Mellea.


Sa tatlong araw na nandito sila sa bahay, alam ko at ramdam ko ang pagmamahal nila kay Mellea na maaari ko silang pagkatiwalaan sa aking anak. Napansin ko din ang lalim ng pagtingin ni Prince sa aking anak na si Mellea. Minsan pa umakyat ako sa itaas para silipin si Mellea ay nakita kong umiiyak ang binata sa tabi ni Mellea at nagmamakaawang gumising na ang aking anak.

Constellatopia Kingdom: The Water GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon