My Origami Wish [One Shot]

404 22 4
                                    

>>Oo0oOo0oOo0oOo0oO<<

"Diamond, ano na naman ba yang ginagawa mo?" tanong sa akin ng kaklase kong si Iris.

"Gumagawa ng origami." Sabi ko at hindi pinapansin ang mukha ng kaibigan na halatang papagalitan na naman ako. Kesho makalat, kesho ang childish ko daw tingnan, kesho hindi bagay sa edad ko, blah...blah...blah... Bakit? May age limit ba ang paggawa ng origami?

"Hep, hep, hep." Tigil ko sa pagsasalita sana niya.

"Wag mo na nga lang akong pansinin okay? Mind your own business kung pagagalitan mo lang ako. Hindi ako nagkakalat sa desk mo kaya no problemoh."

"Hindi ka nga nagkakalat sa desk ko pero sa room, oo. At cleaners kami ngayon Diamond." Sabi niya pero nakasmile lang ako at may peace sign. (^__^) V . . .

"E di, evacuate~" sabi ko at dinala ang sampung origami sa rooftop ng building namin. Wala kaseng masyadong tao dun at may lugar ako dun kung saan pwede akong tumambay kapag lunch break tsaka hindi rin mainit. May malaking puno kase at ang mga makapal niyang mga dahon ang pumuprotekta sa akin.

"Hayyyyyyyyyyyyyy!!! Ang sarap ng hangin!!!" Sigaw ko.

Mga 30 minutes na siguro akong gumagawa ng origami na may iba't-ibang shapes pero bird, boat, at basurahan lang ang alam kong gawin kaya medyo boring siyang tingnan.

Teka, nagtataka ba kayo kung bakit gumagawa ako ng 'sang katerbang origami?

Well, ako lang naman si Diamond, 18 years of age at marami kaseng masyadong nababasa na manga at anime na nagsasabing matutupad daw ang wish mo kapag nakagawa ka ng 1000 pieces ng origami at naimpluwensyahan lang. At dahil isa din akong otaku girl (mahilig sa anime)ay gustung-gusto kong subukan at iprove na totoo ang sabi-sabi nila.

Tsaka isa pa, may wish akong gustung-gusto kong matupad.

Ang nag-iisang wish na matagal ko nang inaasam. :)

Bigla nalang nilipad ng hangin yung isang constraction paper ko kaya hinabol ko.

"Hoy!!! Papel, wag kang lalayo, sayang ang isang origami!!!" Sigaw ko na para bang hihinto ang papel at babalik sa akin.

Hinahabol ko pa rin yung papel at dumapo ito sa isang nakayukong lalaki sa tagong lugar ng rooftop.

May iba pa palang nagtatambay dito bukod sa akin?

Tumingala yung lalaki at kinabahan ako ng bigla siyang makilala. Napanganga ako.

Si...

Si...

Tumingin muna siya sa papel, maya-maya pa ay tinupi-tupi niya ito hanggang sa mabuo ang isang bulaklak. Mas lalo akong napanganga.

Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin. Napatingala ako at gulat pa rin.

Bakit ba ganito ang reaksiyon ko?

Normal lang na ganito ang reaksiyon ko kasi ang nakatayong lalaki sa harapan ko ay walang iba kundi ang ultimate super duper over crush/love kong si Rafael, 19 years of age.

Masyado lang o.a. ang reaksiyon ko pero ang gwapo niya kase.

Lahat ng babae sa school crush na crush ang lalaking 'to.  

Classmate ko siya pero hindi kami masyadong nag-uusap pero magkaibigan kami, siguro. Nagiging speechless kase ako kapag nag-uusap kami at tahimik din 'tong tao kaya walang usapang nagaganap.

Hinawakan nito ang baba ko at isinara ang bibig ko.

"Baka mapuno ng hangin ang tiyan mo." Sabi niya at bahagyang napangiti sabay abot ng bulaklak na papel sa akin na binuo niya ilang sandali palang ang lumilipas.

My Origami Wish [One Shot]Where stories live. Discover now