Chapter 4: Call me Eunice Lee

158 6 7
                                    

Palapit na ako ng palapit sa kanya nung biglang humarap sa direksyon ko yung kausap niyang lalaki. At nalaman kong si Donghae pala yun...

"Uyy... andito ka? Nag-audition ka talaga?" bati sa akin ni Donghae at iniwan lang sa gilid si Eunhyuk. Nakita ko yung pagtataka sa mukha ni Eunhyuk habang kausap ko si Donghae. Para bang gusto niya akong makilala.

"Ah... eh... Oo, sayang yung opportunity eh..." pagsagot ko.

"Nga pala, si Hyukjae pero mas kilala sa pangalang Eunhyuk. I guess kilala mo na siya since fan ka namin. Nga pala, si...."

"Eunice Lee" pagputol ko sa sinabi ni Donghae. Ayokong malaman ni Eunhyuk ang tunay kong pangalan at baka makilala niya ako. Bahala na. Kahit ayoko sa pangalang ito, kailangan kong masanay.

Napalingon bigla sa akin si Donghae... "At kailan pa naging Eunice Lee ang pangalan mo?" usisa sa akin ni Donghae.

Naku! Pag ako lang nakilala nitong unggoy na ito. Lagot ka sa akin!

"Well, I'm from America. So might as well use my American name..."

"Pero andito ka ngayon sa Korea kaya dapat Korean name mo ang ginagamit mo..."

"Eh sa ayoko eh..." pagtanggi ko. Tapos nilagpasan ko siya at lumapit sa lalaking nasa likuran niya, "I'm Eunice Lee. Nice to meet you..." sabay lahad nung kanang kamay ko.

Inabot niya naman yun at, "Lee Hyukjae..." maikli niyang sabi tapos tumalikod na at, "Sa may practice room na lang ako..." pagbaling niya kay Donghae na nasa likuran ko. Tumango lang si Donghae at umalis na si Eunhyuk.

Shems!~ Dedma lang talaga yun kahit kailan. Nakakaasar! Ayaw mamansin...

"Aba! Pa-Eunice-Eunice-Lee ka na dyan ah..." sabay kiliti niya sa tagiliran ko... "I smell something fishy..."

"Fishy ka dyan? Naaamoy mo lang sarili mo... Isda ka nga diba..."

Inamoy-amoy ni Donghae ang sarili niya, "Hindi naman ah... Ang bango-bango ko nga eh. Amuyin mo pa ko. Pero sa tingin ko, you like Hyukjae..."

"Eh? Ako? Magkakagusto dun? NEVER!!! Pustahan pa tayo..."

"O sige, sige... Ano taya mo?" tanong niya

"Donghae, tawag ka na ni Manager-hyung... May sasabihin daw siya para sa nalalapit na concert natin..." singit ni Yesung.

"Sige, tsaka na natin pag-usapan iyon... Kita kits na lang... Galingan mo ah..."

"Sige, sige... Babay..." Tapos umalis na ako. Magkikita kasi kami ni Joonhee sa may labas at baka hinihintay na niya ako.

Grabe lang! First time kong andito sa SME tapos unang-una ko pang nakita si Hyukjae. Waaah! Nakakatuwa lang. Sign na ba iyon na magkikita kami palagi? Wiiieeeh~! Nakakatuwa lang talaga... Malapit-lapit ko na ring maisakatuparan ang aking plano... Hihihih *evil laugh*

---

Nakapasok kaming pareho ni Joonhee sa SME tapos may nakilala rin kaming isa pang trainee na si Sunhi. We decided to call our group as 'Lee Sisters' dahil yung 'Lee Brothers' yung mga bias namin.

Yes, sinabi ko sa kanila na si Lee Hyukjae ang aking bias. Syempre, need kong mapalapit sa kanya para maisakatuparan yung plano ko. Nasabihan ko na rin sila na tawagin akong Eunice sa practice room at Jae-eun kapag kami-kami lang ang magkakasama. Hindi ko pa sa kanila nasasabi yung about sa aming dalawa ni Hyukjae kaya nagtataka silang dalawa pero hindi na sila nagtanong pa...

Lee Sisters' Story - It's Gotta Be HYUK (You) *On-going*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon