Unexpected

18.9K 455 11
                                    

A/N: Pagkatapos ni Ruth. Hindi ko muna ipopost si Samuel. I'll finish Mhel and Sean first. Sana namiss niyo sila. Hihihi

------
Unexpected

Nakaempake na si Sheila ng gamit nadadalhin nila ni Sienna sa pag alis. Tinotoo ni Ruth ang sinabi nito na bibisita sila sa Beach house ni Dr. Jeremiah Del Carmen, kaibigan ni Ruth na siya ring doktor niya noon.

"Mommy, Can we bring this one?"

Napatingin siya kay Sienna ng may iniabot ito sa kanya. Agad siyang ngumiti. "Of course, baby."

Inabot nito sa kanya ang isang pares ng floaters. Dala nito iyon ng bumalik kaninang umaga. Nagswimming daw kasi ito kasama si Mrs. Ongpin.

"Mommy Nasaan po si Papa?" Muli siyang bumaling dito pagkatapos izipper ang bag.

Masayang ngumiti siya at umupo sa kama pagkatapos ay pinalapit ito sa kanya. Agad naman itong nagkudyapit sa leeg niya. "May aasikasuhin lang daw ang papa mo sandali. Babalik din 'yon." Iniupo niya ito sa kandugan niya. "Are you happy?"

Tumango ito. "Mabait po si Papa. Palagi niya po akong pinapatawa." She's so happy that Sienna finally got close to her real father. "Mommy bakit ngayon lang po dumating si Papa?"

Napalis ang ngiti niya ng itanong iyon ni Sienna. Ngayon na rin ba ang tamang pagkakataon para sabihin niya dito ang totoong kwento? Pero masyadong bata pa ito para maintindihan ang sasabihin niya. Bahagya siyang ngumiti at hinaplos ang alon-alon nitong buhok. "Kapag malaki kana. Kapag maiintindihan mo na ang lahat. Mommy will tell it to you. But not now, baby. Ayokong isipin mo na bakit hindi mo maintindihan. When time comes, ako mismo ang magsasabi sayo." Malumanay niyang sabi dito.

Humilig ito sa kanya. "Babalik pa po ba tayo kay Daddy?" Ang mga komplikado nitong tanong ang mga nagbibigay sa kanya ng agam agam.

Hinarap niya ito. "Kapag maayos an ang sitwasyon namin ng Daddy Trey mo. Papayag ka bang sumama tayo sa Papa mo?"

Agad na ngumiti ito. "Opo mommy. Sabi ni Papa doon daw po tayo titira sa bahay niya sa Manila. Tapos doon daw po ako mag aaral. Sabi ni papa kung ayaw daw natin pwede daw po tayo dito. Basta kung saan daw po ikaw masaya."

Naluha siya. Pero sa inyo ako masaya. Gusto sana niyang isagot dito. "Kahit saan. Basta kasmaa ko kayo okay lang. Magiging masaya tayo."

Ngumiti ito at naghikab. "Are you sleepy?" Alas dos na ng hapon. Hinihintay lang nila na makabalik si Ruth at bibiyahe sila patungong San Juan. Namumungay na tumango ito. "Alright, matulog ka muna." Aniya saka hinalikan ito sa noo.

Ibinaba niya ito sa kama at kinumutan. Bahagya nitong iminulat ang mga mata at namumungay na tinignan siya. "Mommy, please wake me up when Papa comes back."

Ngumiti siya at inayos ang kumot nito. "Sure, I will baby."

Hinayaan niyang makatulog muna ito. Hinila nalang niya ang maleta nila sa gilid ng pinto. Mabuti pa nga siguro ay maligo muna siya para pag bumalik na si Ruth ay ready na siya. Papasok na sana siya sa banyo ng tumunog naman ang cellphone niya.

Sa takot na baka maabala ang tulog ni Sienna ay agad niya iyong sinagot.

"Sweetheart."

Pagkarinig sa tinig na iyon ay agad niyang tinignan ang screen. Si Ruth ang tumawag. "N-Nasaan kana? Kanina ka pa hinahanap ni Sienna."

"I know sweetheart. Something came kaya hindi ako makabalik dyan. Can we postpone our trip?"

Naguguluhang napatingin siya sa natutulog na bata. Sienna was so excited. "B-But why? Where are you?"

Narinig niya ang pagbugtong hininga nito. "Nasa Manila na ako. I need to fix some things. Kailangan kong asikasuhin muna ang mga ito para sa atin. I can't --- I'll tell it to you when I came back."

Wala na siyang magagawa. Nakaalis na ito. Maybe, importante nga ang kailangan nitong gawin. "So when will you come back?"

"Tomorrow afternoon. And after, itutuloy natin ang pagpunta sa San Juan. Don't pack so many clothes. Pwede naman tayong bumili." Bilin nito.  Tumango siya kahit di naman siya nito nakikita. "I love you. And I love Sienna too."

"Mag iingat ka. Mahal ka namin." And when he ended the call ay saka siya nagpasyang wag na tumuloy sa banyo. Bagkus nahiga siya sa tabi ng anak. Sienna will feel disappointed pero maiipaliwanag naman niya na madedelay ang alis nila.

Akma siyang pipikit ng muling tumunog ang cellphone niya. Sa pagaakalang si Ruth muli iyon ay sinagot niya kahit di tinitignan kung sino ang tumatawag. "Missed me already?" She teased. Ngumiti siya.

"Ohh! I've already missed you, babe. You and our daughter."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng di tinig ni Ruth ang narinig niya. Saka niya dahan dahan tinignan ang screen. Nakalagay doon ang Pangalan ni Trey. "T-Trey?"

She heard his soft chuckle. "I'm on my way there babe. Nangako ako na susunduin ko kayo next sunday but I've missed the both of you. Since wala naman akong masyadong gagawin. I'd rather to spend the last two days with you and sienna there."

She suddenly prayed na sana ay may milagrong maganap. She's not yet ready to face him. Pero nanunukso ang tadhana. Kung kailan nag iisip palang siya kung paano magtatapat dito ay saka naman ito darating.

"So when will you come back?"

"Tomorrow afternoon.

Bigla ay naalala niya si Ruth. He'll be arrived tomorrow. At ngayon naman darating si Trey.

Oh God!






To be continued...

GENTLEMAN Series 14: Ruth RosalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon