Chapter 9: HE's BACK

973 21 7
                                    

YAKAP-yakap siya ngayon ng bestfriend niya. Tama lang palang pinaakyat niya ito atleast alam niya ngayon hindi siya nag-iisa, nandito ito para damayan siya. Tumagal kami ng sampung minuto sa ganung posisyon, nakayakap lang ako sa kanya, habang siya naman ay tinatapik-tapik ang likod ko. Narinig kong tinatawag ako ni mama sa baba.

“Moo, tawag ka ni tita.”

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at inayos ko ang sarili ko. Hindi alam ni mama ang balita tungkol sa paghihiwalay namin ni Kiro. Ayokong pumangit ang tingin niya sa binata, sa kabila kasi ng nangyari ay umaasa pa din akong magkakabalikan kaming dalawa.

“ Chloe, may bisita ka bilisan mong bumaba” si mama.

Tumayo ako at tinungo ang pinto, pumunta ako ng sala kasama si Michael.

Parehas kaming napatigil sa paglalakad ni Michael, parehas kaming nabigla sa aming nakita.

“Oh, bakit parang gulat na gulat kayong dalawa? Hindi niyo man lang ba ako bibigyan ng yakap dyan, ang tagal kong nawala eh. Ako lang ata ang nakamiss sa inyo eh.”

 Wala pa ring gumagalaw sa amin ni moo. Mistulan kaming naestatwa pansamantala

“Uy, ano ba kayong dalawa. Hindi niyo man lang ba kukumustahin itong kababata niyong si Ghyan? Maupo kayo dito at magreready ako ng meryenda niyo.” Umalis na si mama at nagpunta sa kusina.

Saka lang kami gumalaw, at niyakap ko si Ghyan, nagkamay naman ang dalawa.

Siya si Ghyan Angelo Corpuz, ang una kong naging boyfriend, one year lang ang tinagal ng relasyon namin dahil bigla siyang hindi nagpakita. As in parang bulang biglang nawala. Ang walang problema naming relasyon ay nawalan ng saysay dahil sa bigla niyang pagkawala. Pero bakit siya nandito ngayon? Ano ang dahilan at nandito siya ulit?

“Long time no see ah, kumusta ang buhay?” natigil ang pag-iisip ko dahil sa tanong niya.

“mabuti naman kami” si moo ang sumagot sa tanong niya dahil para akong wala sa sarili.

“So, magbestfriend pa din kayong dalawa?”

“oo dude. Alam mo naman dati pa na sobrang lampa itong si Chloe at parang hindi kayang mag-isa.” Sagot niya sa tanong ni moo sa tanong ni Ghyan. “pero maiba ako, kumusta ka? Bakit bigla kang nawala dati?”

“ ah iyon ba, diba kasi alam niyo naman na wala akong tatay, tapos isang araw bigla siyang dumating sa bahay at kinukuha kami ni nanay. To make the long story short nagsama ulit ang magulang ko. Noon ko lang din nalaman na American pala ang ama ko.”

“eh what brought you here dude?”

Nakikinig lang ako sa pag-uusap ng dalawa, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

“ bumalik ako para ayusin ang relasyon namin ni Chloe, yon ay kung wala pa siyang boyfriend”  tumingin siya sa akin at ngumiti.

Saka lang ako nahimasmasan. “I’m sorry ayokong magpaligoy-ligoy pa, pero hindi na kita mahal, wala ka ng babalikan dito.“

Napalingon sa akin ang katabi kong si moo. Siguro ay nagulat siya sapagkat hindi ganon ang pagkakakilala niya sa akin. Pero pag naaalala ko kasi kung gaano ako nasaktan ng lalaking nasa harapan ko ngayon ay nawawala ang mabait kong ugali.

“moo…” si Michael

“Okay lang, naiintindihan ko ang galit mo Jenith. Pero sana ay hayaan mo akong bumawi sa’yo, open your heart for me, and I’ll make it up to you.”

Konti na lang at mapupuno na siya sa lalaking ito. Magsasalita n asana siya ng biglang magsalita si Michael.

“Dude, hindi niya pwedeng gawin iyon kasi may mahal ng iba si Chloe.”

Napatitig si Ghyan sa akin. “totoo ba ang sinasabi ni Michael?”

Tumango lang ako, wala ako sa mood para magsalita pa ng kung ano. Nakaramdam naman siguro si Ghyan kayak ay moo na lang siya ulit nagtanung.

“Sino ang mahal ni Jenith?”

Tsk! Nakakainis, hanggang ngayon iyan pa din ang tawag niya sa akin. Walang ibang taong tumawag sa akin ng Jenith, lahat ng tao Chloe ang tawag sa akin.

Tumingin sa akin si moo, alam ko yong tingin niyang ganun eh, yon yong nagtatanong siya if sasabihin niya ba o hindi. Iniba ko ang tingin ko, kunwari hindi ko siya napansin, hahayaan ko lang siya kung ano ang sasabihin niya.

“Si Kiro, three years na niyang boyfriend iyon, wala nga lang ditto kasi nandoon sa Singapore.” Boses ni mama ang nagpalingon sa akin, may dala-dala siyang tray na may lamang meryenda namin. “pasensya na sa pagsagot” sabi ni mama habang nakangiti. “ sige, akyat na ako sa taas, may kailangan pa pala akong gawin.

May dumaang anghel sa amin.

“Kumain ka na muna Ghyan” si moo.

 Tumingin sa akin si Ghyan “pwede ba kitang makausap sandali?”

“sige moo, maglakad-lakad muna kayong dalawa, kakain lang ako dito.” Hindi na ako kumontra, dahil napag-isip-isip ko kailangan nga siguro naming mag-usap

I HATE YOU THEN I LOVE YOU *fin*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon