Pag-ibig.
Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito
Sa dami ng ibig sabihin nitong salitang ito
Para sa akin ito ay ikawPag-ibig.
Masakit, madugo
Ngunit hindi nagbabago
Dahil ikaw ang taga saloPag-ibig.
Ang dilim ay naging liwanag
Ang lungkot ay naging saya
Sa buhay ko dulot mo'y ligayaPag-ibig.
Nakilala kita
Ngunit nung ako'y nasaktan
Agad kang tinalikuranPag-ibig.
Bakit nandito ka parin
Buhay ay ibinuwis para sa katulad kong makasalanan
Nang dahil sa pag-ibig ako'y binuhay mong muli.Pag-ibig.
Ang dilim ay naging liwanag
Ang lungkot ay naging saya
Binigyan mo ng pag-asa ang katulad kong minsa'y nawalan na ng ganaPag-ibig.
Ikaw ang pinaka dakila
Ikaw ang tunay na pagmamahal
Ikaw lamang Ama wala nang iba.
BINABASA MO ANG
Ang mala Rollercoaster Ride na Tula
PoesíaSInulat ko ang mga tula na to base sa totoong nararanasan ng mga tao. Ang mga simpleng hugot sa buhay. Nagmahal, nasaktan, umasa, at bumangon. Kagaya ng isang rollercoaster ang buhay natin ay paikot-ikot lang ngunit may iba't ibang level ng heights...