CHAPTER 54

21.2K 142 1
                                    

Nagising akong mag-isa sa kwarto na hindi kayakap ang asawa ko. Huh? Kagabi lang ay magkasama kami sa swimming pool ah? Tapos may nangyari sa'ming kababalaghan do'n tapos nag-inuman kami and then umakyat na dito sa kwarto para matulog. Kanina na rin ay naramdaman ko pang kayakap ko siya nang magising ang diwa ko pero 'di ko kinayang bumangon dahil inaantok pa ako. Ahh, siguro nakatulog pa ako kaya 'di ko namalayan na bumangon na siya kanina habang ipinagpapatuloy ko ang pagtulog ko.

Oops, umaga na pala. Ang liwanag na ng araw at ang liwanag nito ay tumatama sa bintana na siyang nagdudulot sa akin ng labis na pagkasilaw. Itinalukbong ko pa ang kumot ko sa mukha ko dahil medyo inaantok pa ako at sobrang nasisilaw talaga ako sa araw pero nang magkaroon ako ng lakas ng katawan ay bumangon na rin ako saka nag-unat-unat. Lumagutok pa ang mga buto ko sa likod dahil sa stretching na ginagawa ko. Matapos akong makuntento sa ginagawa kong pampasigla para mabuhay ang dugo ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto. Itinali ko muna ang magulo kong buhok at binuksan ko na ang pinto. Paglabas ko pa lamang ng kwarto ay bigla akong na-excite bumaba dahil sa masarap na amoy ng pagkain na nalalanghap ko sa mula sa ikaunang palapag hanggang dito sa pangalawang palapag. Napangiti na lang ako dahil parang kinikilig na naman ako kasi mukhang nagluluto ng breakfast foods ang asawa kong si Mr. Footlong.

Binilisan ko ang aking paghakbang pababa para makita ko na ang pogi kong asawa. Sumilay ang malaking ngiti sa aking mga labi nang madatnan ko ang aking mag-ama na masaya't magkasamang nagluluto habang nagtatawanan pa dahil nagkukulitan sila.

"Good morning!" masayang pagbati ko sa kanilang dalawa at sabay naman silang napatingin sa'kin.

"Good morning, mommy!" bati sa'kin ni Jam Cicely gano'n din naman si Mule at ngitian lang ako.

"Gising na pala ang reyna namin," sabi ni Mule kaya napangiti ako. Umagang-umaga pinapangiti niya na naman ako. Mr. Footlong talaga, hihihi.

"Oh! Ang cute naman ng baby Jam ko!" Nilapitan ko sila habang nakangiti kasi si Jam ay nakasalabay sa balikat ni Mule habang nakakapit siyang mabuti sa buhok nito. Pinapanood niya kung paano magluto ang daddy niya.

"Halika nga dito baka mahulog ka pa d'yan," sabi ko sa kanya sabay kuha pero ayaw niyang bumitaw sa buhok ng daddy niya.

"Mommy, I want to see how daddy cook!" sagot niya. Hmm, ang cute talaga ng anak ko.

"Sige na, halika na baka makabitaw ka pa."

"Nakahawak po ako ng mahigpit."

"Come here na, Jam."

"Mommy..."

Napansin ko namang medyo ngumingiwi na si Mule kasi kanina pa pala nahihila ni Jam 'yong buhok niya. Nakahawak kasi si Jam do'n habang hinahatak ko siya paalis sa balikat ng Dad niya pero ayaw niyang bumitaw kaya si Mule kanina pa rin niya nasasabunutan.

"Aww! Ahh, Jam, sige na sumunod ka na lang sa Mommy mo bilis. 'Yong hair ni Dad oh, parang mabubunot na. Gusto mo ba mawalan ng buhok si Daddy? Gusto mo ba makalbo si Daddy parang alien?" sabi ni Mule sa anak niya. Mukhang sila lang naman palagi ang nagkakaintindihan kasi nahahalata kong Papa's Girl itong si Jam.

"Ayaw po," sabi ni Jam at saka tumawa. Na-imagine niya siguro 'yong hitsura ng Daddy niya 'pag walang buhok sa ulo. Hahaha.

"Mommy..." tawag niya sa akin at nagpapabuhat siya. Agad ko naman siyang kinarga.

"You can still see naman how your Dad cooks food e," sabi ko sabay buhat sa kanya at lumapit pa kay Mule para makita niya 'yong niluluto ng Daddy niya.

"Yehey!" natutuwang sambit ni Jam.

Nakatutok mabuti si Jam sa niluluto niya. Hays, ang anak yata namin balak maging chef?

Hmm, nakakatakam talaga ang iniluluto niya pero mas nakakatakam siya. 'Di naman kasi ako do'n nakatingin sa niluluto niya kundi do'n sa sparkling abs niya. Waaaah!

Ang sexy pa rin ng asawa ko hanggang ngayon! Sheyt, nakekeleg telege. Bakit gano'n? Hahaha.

"Matagal pa ba 'yan, Mule?" tanong ko sa kanya.

"Malapit na. Bakit nagugutom ka na ba?" tanong niya pabalik. Nagugutom na daw ba ako? Hindi na kaya kasi kanina pa busog na busog 'yong mata ko sa pandesal niya. Waaah.

Napansin yata niya pinagnanasaan ko na naman siya kaya umiwas ako ng tingin.

Hays, Myz! Ang gaga, ang aga-aga lumalandi ka.

Ang eng-eng ko na ata talaga, asawa ko naman siya e! Ba't ako mahihiya? Kasi Myz baka isipin niya na ang tanda niyo na lumalandi ka pa.

"Ay grabe naman sa matanda, pero may point ka do'n! Hihihi," sabi ko. Nabeberat na yata talaga ako kasi kinakausap ko na ang sarili ko.

"Mommy, sinong kausap mo?" tanong ni Jam at noon ko lang din na-realize na nasabi ko pala 'yong iniisip ko.

"Jam, may nakikita yata si Mommy mo na hindi natin nakikita. What do you think?" ani Mule na may halong pang-aasar.

At dahil do'n, tinawanan nila ako ng tinawanan. Napairap na lang ako sa kawalan. Hindi ko na lang papansinin ang pang-aasar nila kasi ako lang talo sa bandang huli. Lagi nilang ginagawa sa'kin 'yon kaya shut up na lang ako kapag gano'n na ang eksena.

"Done!" wika ni Mule para ipaalam sa'min na tapos na nga talaga ang iniluluto niyang ulam.

Nauna na kami sa lamesa at naupo ni Jam habang hinihintay 'yong makupad niyang Daddy.

NAKATITIG lang akong mabuti sa kanya habang naglalakad papalapit sa amin bitbit ang dalawang bowl na may lamang pagkain. Mapapasarap talaga ang kain ko nito, yummy! Feeling ko slow mo rin ang galaw niya kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala siya sa kinalalagyan namin.

"Here's the breakfast," aniya sabay lapag no'ng mga niluto niya.

"Okay, let's eat!" sabi niya pagkatapos maupo sa kanyang upuan. Katapat ko siya at katabi ko naman ang anak namin.

"Wait, daddy!" pagpigil ni Jam sa Daddy niya na sasandukin na sana 'yong bundok ng kanin sa plato. "Let's pray muna," sabi pa ni Jam.

Napangiti ako dahil sa tingin ko lalaking mabuting bata ang anak namin. Sana lang talaga maging 'good girl' pa rin siya kahit na Papa's girl siya Daddy niyang bad boy.

"Sige anak," sagot ni Mule at nag-sign of the cross na siya. Sumunod naman ako at ang anak naming si Jam.

"Lord, thank you po sa foods na kakainin namin today at sa mga blessings po na ibinibigay niyo sa aking family. Sana po laging magmahalan sila Mommy at Daddy saka sana po 'di sila mag-away. Love na love ko po sila. Amen." Napangiti ako ng todo sa dasal ng anak namin. Pareho naming napakinggan ang kanyang sinabi. Natutuwa ako dahil parang nakikita kong lumalaki ng mabuting bata ang anak namin. Sana lang talaga ay maging good girl siya kahit na Papa's girl siya sa daddy niyang bad boy.

"Okay let's eat!" muling pakli ni Mule. Mukhang kanina pa siya nagugutom.

Masaya naming pinagsalu-saluhan ang almusal na inihanda ni Mule para sa'ming tatlo. Nagkuwentuhan kami ng masasayang pangyayari at kinuwentuhan rin namin ang anak naning si Jam ng mga past memories namin Mule like 'yong mga highschool life namin na kahit 'di niya naman masyadong naiintindihan ay tuwang-tuwa siya.

Natapos ang almusal namin ng mayroong ngiti sa aming mga labi. Nang naka-ready na ang lahat at nakabihis na si Jam ay inihatid na namin siya sa kanyang school.

Nakasakay kami sa kotse namin at si Mule ang nagda-drive para ihatid si Jam. Nagpapatugtog siya nang malakas na music na sinasabayan naman naming tatlo.

LOVELY HABITS • THE LOVERBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon