Hello again
Kanina pa palakad lakad sa loob ng silid si Sheila. Kagat kagat niya rin ang isang daliri. Ano mang oras ay darating si Trey.
Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Gusto pa niya ng sapat pang panahon. Hindi niya alam kung saan magsisimula at kung paano sasabihin kay Trey ang lahat.
She dialed Ruth's number.
Sorry, The number is unattended. Please try your call later.
Napabuga siya ng hangin. Ang naiisip niya ay salisihan si Trey. Pwede silang lumuwas ng Maynila pero hindi iyon ang tama. Lalo lang niyang gagawing komplikado ang lahat. He might not forgive her kung ganoon ang gagawin niya.
Pasado alas cinco na ng hapon. Sienna asked her if they could have a merienda. Hindi pa niya nasasabi sa bata ang tungkol sa sinabi ni Ruth na hindi sila matutuloy. Alam niyang maaaupset ito but she hope na maintindihan niya.
Paglabas nila ng elevator, nakahawak kamay pa sa kanya si Sienna nang mabilis itong bumitaw at patakbong lumapit sa front desk.
"Daddy!"
Gumapang ang lamig ng hangin sa buong katawan niya ng makita si Trey. He's wearing a white plain polo shirt at khaki pants. Nakatingin ang mga kababaihan dito. Nakasuot ito ng NBA cap habang ang RayBan nito ay nakasuksok sa damit.
Agad nitong kinarga si Sienna at pinugpog ng halik. Binitiwan naman ng isang kamay nito ang hawak na duffel bag at naglakad papalapit sa kanya. "Surprise!"
Akma siya nitong hahalikan sa pisngi ng mag iwas siya. Pero nakita man niya ang pagkadismaya sa mga mata nito ay agad iyong naglaho ng malambing nitong tinignan si Sienna. "How's Daddy's girl?"
Sienna giggles. "I missed you, Daddy." Sumubsob ang bata sa leeg nito.
Yumakap ang parehong braso ni Trey kay Sienna. "Oh! I missed you more, honey."
Nanatili lang siyang nakatayo nang bumaling si Trey sa kanya. "Hey! Bakit parang gulat na gulat ka? Are you alright?"
Marahan lang siyang tumango. "I... I j-just didn't expect na d-darating ka nga."
Ngumiti si Trey at pinisil ang pisngi niya. "Silly girl. I've called you, remember? Sinabi ko na on the way na ako diba?"
Tunango tango siya. "Y-Yeah... I'm sorry."
"Anyways... Saan niyo gustong mamasyal? I have a lot of free time so we could spend them all." Anyaya nito sa kanila.
Sasagot sana siya ng unang magsalita si Sienna. "Daddy you can join us. Pupunta kami sa beach ni Mommy." Nakangiting sabi ni Sienna.
"Oh! Beach! Parang gusto ko 'yan ah."
Tinignan niya si Sienna. "A-Anak..." Bumaling ito sa kanya.
"Mom, could you please call papa? Isama natin si Daddy para happy tayo lahat. Diba daddy?" Her doll eyes stared at her.
Sunod sunod ang paglunok na ginawa niya. Nang tignan niya si Trey ay nakakunot ang kilay nito at hindi niya mabasa ang nais ipahiwatig niyon. "Papa... Who is he honey?" Kalmanteng tanong nito sa bata.
Sienna smiled upon remembering her father. "Si papa po... Papa ko po din. Parang kayo. Sabi po nila ni Mommy siya ang real papa ko. At kayo daw po ang hindi. Pero okay lang kasi masaya pag dalawa ang papa diba Dad?"
Kung pwede lang niyang lagyan ng masking tape ang bibig ng anak niya ay gagawin niya. Masyado na itong maraming nasasabi kay Trey na dapat ay sa kanya magmumula. Akma niyang aagawin si Sienna dito ng kausapin nito ang bata. "Honey can you please come to our guards? May itatanong lang si Daddy kay Mommy. " Then he looked at her.
Tinambol ng kaba ang dibdib niya. She's not prepared. Hindi niya napaghandaan ito. Nang maibaba nito si Sienna ay kinausap nito ang dalawang bodyguard na kasama nito at inakay ng mga ito si Sienna palabas ng lobby. Pagkatapos ay bumaling na sa kanya si Trey.
Ang nakangiti nitong mga labi kanina ay naglaho na. Tumalim ang mga mata nito sa kanya na halos magdala sa kanya ng isang libong takot. Lalo na ng hawakan nito ang braso niyang nanlalamig. "I wouldn't ask you kung paano nakilala ni Sienna si Rosales. Because, obviously he owned this place." May kalakip na galit ang tinig nito.
"T-Trey... Magpapaliwanag ako---."
"What would you tell me after? Sign the divorce papers? Then what? Runaway with him? Kasama ang anak ko? " Pjnanlamigan siya lalo. Kakaiba ang nakikita niya dito.
Noong sabihin niya ditong anak ni Ruth si Sienna ay nakita niyang naunawaan siya nito at tinanggap ang sitwasyon. "Anak ni Ruth si Sienna."
Mapait na ngumiti ito. "Precisely. But not until Sienna's have my name. She will remain mine just like you! Akin kayo at walang makakaagaw sa inyo sa akin! At lalong hindi mo ako iiwan."
Napaigik siya ng higpitan nito ang kapit sa braso niya. "A-Aray... Nasasak-tan ako."
Hindi nito pinahalata sa mga tao sa paligid ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa. Bahagya itong lumapit na mas kinatakot niya. Gone the gentle Trey. "Alam na ng mga tao ko kung saan dadalhin si Sienna. Kaya kung magpupumiglas ka at hindi ka sasama sakin ng maayos ngayon. Wala akong mapapagpilian kung di ang itago sayo ang anak natin. So choose, wife. Runaway or Run with me?"
Tumulo ang luha niya. Hindi dapat maiipit si Sienna. "D-Don't do this please..."
Galit na ngumisi ito. "You gave me no choice babe. Alam ko ang tumatakbo sa isip mo. So if you think na ganoon mo lang ako kadaling mabubura sa buhay mo nagkakamali ka. The moment I married you. Nakatatak na akin ka. You and Sienna are both mine! Gusto mo bang makita ang anak natin o ayaw mo?"
Nilinga niya ang paligid. No one will suspected na may nagaganao na di maganda sa pagitan nila. Everyone was busy with other stuff. Hinanap ng mga mata niya si Carpio. He's Ruth trusted agent. Kailangan makita siya nito. But he were no where in sight. He probably with Ruth kaya hindi niya ito makita. "I'm waiting..."
Pikit matang nagpahila siya dito. She just hope that Ruth could learn about what happened to her and Sienna right away. Natatakot siya. Ibang Trey ang nakikita niya. He's different. Totally different.
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 14: Ruth Rosales
Ficción GeneralGENTLEMAN series 14: Ruth Rosales Ruth was lost after a blast of tragedy happened in his family. Scandals poured in and wrong speculations flashed on the television. Nasira ang mga kabuhayan ng pamilya nila. And it took so many years before they r...