AJ POV
"Yes Charm, is there any problem?" tanong ko sa assistant ko. Bigla na lang kasi itong tumawag. Nandito pa din kasi kami sa batangas to celebrate the birthday of my mother-in-law. At kabilinbilinan ko dito na tatawagan lang ako kapag sobrang importante na ang kanyang sadya.
"What??? Hindi nya ba kaya i-handle yung clients at kailangan kong pumunta ng agaran dun?" nabibiglang tanong ko dito. Sinabi kasi nito na tumawag daw ang tao namin sa London at hinahanap daw ako ng isang client namin dun.
"At bakit hindi sya direktang tumawag sakin? Dyan nya pa idinaan." Nagtatakang tanong ko dito.
"Hindi ko po alam sir eh. Secretary din po ni Mr. Vergara ang tumawag dito. Iniutos lang daw po sa kanya." paliwanag nito sa kabilang linya. Si Mr. Vergara ang matagal ng pinagkakatiwalaan ng mga magulang ni Reign sa company don sa London hanggang ngayon at sya din ang naging mentor ko doon ng ipasa sa akin ang pamamahala dun. Usually, personal syang tumatawag sa akin kapag may problema sa company kaya ako nagtataka ngayon na ipinadaan nya ito sa kanyang secretary.
"Hindi ba daw ba pwedeng sa ibang araw na lang kami mag usap ng kliyente na un? Urgent ba talaga??" tanong ko na lang muli dito. Parang ayaw ko kasing umalis ngayon eh. Iba ang pakiramdam ko.
"Sorry sir. Yun daw po ang sabi sa kanila eh. Naitanong ko na din kasi yan sir kanina dahil alam kong may special occassion kayong pinuntahan kaso urgent daw po talaga eh." paliwanag nitong muli sa akin.
"Fine! Just tell him that we will have a meeting as soon as I arrived there." sabi ko nalang dito at nagpabook na din ng flight for tonight.
'Hayys! Kung kelan naman may okasyon' naiiling na sambit ko na lang sa aking isipan. Saka bumalik sa kubo kung saan kami nag aalmusal.
Nadatnan ko silang masayang nagkukulitan habang nag aalmusal kaya mas minabuti ko na lang na ipagpaliban muna ang pagpapaalam ko sa kanila.
'Hayyys! Mamaya na lang siguro.' nasambit ko na lang sa aking isipan saka lumapit na lang sa kanila.
"oh hon? Natagalan ka ata? May problema ba?" tanong ng aking asawa ng makalapit ako.
"hmmm. Mamaya na lang natin pag usapan hon. Kain na muna tayo." sabi ko na lang at hindi na sya nagtanong muli.
"Daddy let's play later sa tubig." excited na sabi sa akin ni Chloe na ikinalungkot ko.
"Sama din ako daddy!!!" masayang sabi naman din ni Lexi. Nakita ko naman tumingin sa akin ang aking asawa. At alam kong ramdam nyang may problema ako.
"Kumain muna tayo mga anak. Mamaya na ang paglalaro okay? Makakapaghintay yan." pag iiba ni Reign ng usapan para hindi na mangulit ang mga bata. Palihim naman akong nagpasalamat sa sinabi nya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa mga bata lalo na at iniexpect nilang makakabonding nila ako ngayon.
After namin kumain, nasitakbuhan na ang mga bata sa tabing dagat kasama nila Abby at Gab pati na rin ang parents ni Reign na nasa malapit lang nila at masayang nakamasid sa kanila.
Napabuntong hininga na lamang ako habang nakamasid sa kanila.
"Ang lalim nun hon ah. may problema ba?" tanong nya sa akin. Kami lang naiwan dito sa kubo.
Tinignan ko sya muna saglit at saka binalik ang tingin sa mga kasama namin. Hindi ako nagsalita agad. Alam ko naman madalas mangyari ito na may pagkakataong kelangan ko umalis ng biglaan pero ngayon parang iba ang pakiramdam ko eh. Ayaw kong umalis. Hindi ko malaman kung bakit.
"Hon?" tawag ulit sa akin ni Reign at hinawakan ako sa balikat kaya napatingin akong muli sa kanya.
"Hon sabihin mo naman sa akin kung anong problema oh? Nag aalala ako sayo. Kanina ka pa tahimik." sabi nya muli sa akin.
"I need to go to London now hon." maikling sagot ko sa kanya na nagpaiba ng mood nya. Kita ko ang pag lungkot nya. Bahagya din syang lumayo sa akin.
"Is it because of our company?" tanong nya habang nakatingin sa malayo.
"yes." sagot kong muli bago tumingin ulit sa mg kasama namin.
"May bago pa ba dun?" medyo pabalang na sagot nya sa akin na ikinatingin ko.
"I'm sorry hon." malambing sa sabi ko saka sya kinabig para yakapin. Ganito sya lagi kapag aalis ako. Lalo na kapag katulad ng ganitong may okasyon. Alam ko naman na ayaw nyang napapalayo ako eh pero kelangan para sa company ng kanyang mga magulang na ipinaubaya na sa amin lalo na sa akin.
"Wala naman ako magagawa dyan eh." sabi nya pa muli habang nakayakap na din sa akin.
"Sorry. May isa daw kasing client na hinahanap ako. Ayaw pumayag na hindi ako makaharap sa meeting." paliwag ko sa kanya ngunit hindi man lang ito umimik. Napabuntong hininga na lamang akong muli bago sya bahayang inilayo. Nakayuko lamang sya kaya hinawakan ko sya sa kanyang baba at bahagyang inangat ang kanyang mukha.
"Sorry talaga hon. Promise babawi ako." sabi ko muli sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mga mata saka sya dinampian ng halik sa kanyang labi. Tumango lang sya bilang sagot. Niyakap ko na lang syang muli habang dinadampian ng mumunting halik sa kanyang ulo.
Pagdating ng hapon ay umalis na din ako agad. Nagpahatid na lang ako sa family driver ng parents ni Reign sa bahay para kunin ang mga kelangan kong dalhin na gamit bago ako nagpahatid sa airport. Nalungkot din sila ng magpaalam ako dahil na din nga sa may okasyon ngayon. Pero naintindihan naman nila ako lalo na si dad dahil alam nilang para sa company yun. Maging ako naman ay ayaw ko naman sanang umalis sa hindi ko malaman na dahilan kaso sadyang kelangan ko talaga.
Nakasakay na ako lahat lahat sa eroplano pero hindi pa din ako mapakali. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Parang ayoko talagang umalis.
'hayys! Masyado lang siguro akong napaparaniod. Sadyang nalulungkot lang siguro talaga ako dahil kelangan kong umalis ngayon kahit may special occassion sa family.' sambit ko na lang sa aking sarili saka napagpasyahan umidlip muna.
*****
Third person POV
"Boss! Nakaayos na pong lahat." sabi sa akin ng isang tauhan ko habang kami ay nasa loob ng isang kubo na medyo tago.
"Mabuti naman kung ganun." seryosong sabi ko.
"Boss! Tumawag na si Brando. Nakaalis na din si AJ ng bansa." tukoy ng isa pang tauhan ko sa inutusan nyang sundan si AJ. Napangi naman ako sa kanyang sinabi.
"Maghanda na kayo. Maya maya lang ay isasakatuparan na natin ang plano." seryosong sabi ko bago naglakad patungong tabing dagat.
Bahagya akong pumikit habang dinama ang sarap ng sawirang hangin na dumadampi sa aking balat. Ilang saglit pa ay nagmulat na muli ako ng aking mga mata at bahagyang napangisi.
'Sapat na ang tatlong taong pananahimik ko. Oras na para maningil. Hindi ko hahayaang maging masaya kayo.'
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
Short update again. Busy pa din kasi hanggang ngayon.
Thank you so much sa mga nagbasa nito at naghihintay ng update ko. Thank you din po sa mga nag add ng story ko sa kanilang mga reading list. At sa pag vote sa mga chapter nito. Maraming maraming salamat po. Sisikapin ko pong makapag update muli as soon as possible. 😊
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
Любовные романыPaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...