Tinitigan ako ng maigi nung puting pusa kaya ang awkward. Kasi nagtititigan kami sa gitna pa talaga ng kalsada. Wala namang masyadong sasakyang dumadaan sa street na ito kaya iwas disgrasya naman.
Nagsimula nang maglakad yung pusa papunta sa akin pero nakatingin parin ako doon.
Talagang hawig na hawig niya si Shiro. I mean, hindi dahil sa mukhang pusa si Shiro kundi, halos magkaparehas sila ng features. Tsaka parang nase-sense ko yung presence nung pusa sa kaniya.
Palapit na ng palapit yung pusa sa direksyon ko pero nilagpasan lang ako nito. Akala ko talagang lalapit sa akin yung pusa, balak ko pa namang himasin. Ang cute eh.
Naglakad nalang din ako palayo pero nakalingon parin ako doon sa pusa nung bigla itong mag 'meow'. Ewan ko ah, hindi sa mahilig ako sa hayop tulad ni Juuzo, pero iba talaga yung dating nung pusa na ito. Para bang si Shiro yung nakatingin?
Umiwas na ng tingin sa akin yung pusa kaya tinuon ko nalang din yung paningin ko sa daan. Ano ba kasing pinag-iisip ko? Talagang naihalintulad ko pa si Shiro sa pusa. Tapos nabanggit ko pa yung pangalan ni Juuzo.
Nakarating ako sa building ng apartment na tinitirahan ko, umakyat ako sa hagdan na marumi. Hindi naman siguro nililinis yung bawat sulok dito. Para bang pang gangster itong apartment na naupahan ko, eh wala na kasi akong mas murang mapagtitirahan. Ito lang naman kasi ang kayang bayaran ng matandang nag alaga sa akin. Tsaka hindi rin kakasya ang suweldo ko para sa mas maayos na tirahan.
Payapa man yung paglalakad ko pero ubod ng kadumihan 'tong kuwarto ko. Eh wala eh, buong maghapon ba naman akong nasa eskuwelahan tapos magbibihis lang ako dito tapos magtatrabaho tapos kakain tapos matutulog. Yan lang yung pangaraw-araw na buhay na meron ako. Masyado akong busy para maglinis tsaka si Hiro naman yung naglilinis ng kuwarto tuwing pumupunta siya dito. Kaya kaibigan ko yun eh.
Nilapag ko yung bag ko sa kama tapos nagpalit ng uniform na pangtrabaho. Isa akong 'delivery man' sa Jolleybae restaurant tapos ako yung mga naghahatid ng mga order nila mula sa telepono. Namamasahe lang ako papuntang Jolleybae tapos doon ako nanghihiram ng motor para sa pagdeliver.
Mahal na mahal ko yung Jolleybae ay este-- yung suweldo pala. Malaki kasi puwet-- ay! Suweldo ni Jolleybae kaya gustong gusto ko yung propesyon ko. Tamang tama lang sa pangkabuhayan ko araw-araw, pang tuition ko, tsaka maliit na pera para sa matanda.
Nakarating na ako sa Jolleybae kaya naman nagmadali akong mag 'sign-in' tsaka batiin yung mga katrabaho ko. Pero bago pa ako mautusan ni Ikuna na ihatid yung mga pinapadeliver, nauna na akong tawagin ng manager na i-mop yung sahig dahil hindi nakapasok si Sahada, yung matandang janitor. Wala naman akong nagawa kundi tanggapin yung trabahong inaalok kaya nadoble gawain ako. Pero sana doble din ang bayad.
Halos makatapos ako ng anim na bahay na hinatiran ko ng mga delivery kaya naman medyo na-stuck ako sa traffic kasi medyo mag-mamadaling araw na. Ayaw ko namang gamitin yung spirit ko kasi maraming makakakitang mga tao kaya ang ginawa ko, lumiko ako sa isang street para maging short cut tsaka para matapos na ako at makauwi. Binilisan ko ang pagmamaneho kasi wala namang kotse o naglalakad kaya dire-diretso lang ako.
Konting usad pa nung biglang may pusa na tumakbo sa harap ng dinadaanan ko. Muntik ko na itong masagasaan at muntik na rin akong tumalsik sa motor.
Itinigil ko yung motor tapos hinanap yung pusa kanina.
"Meow.."
Asaan na yun?
Kaliwa't kanan yung lingon ko pero hindi ko parin nakikita yung puting pusa na mukhang yung pusa na nakasalubong ko din kaninang paguwi.
"Meow..."
Nung tumalikod ako, nakita ko yung pusa na nakaupo sa upuan ng motorsiklo ko. Huh?
"Paano ka napunta diyan?"
BINABASA MO ANG
THE POWER OF RED
General FictionKetsueki was almost 9 when an unexpected attack from the evil group of Crawling Chaos, the most famous demonic group of grims in their village, came. Only Ketsueki and Shiro, his one and only youngest sister was left in the village and no one that t...