Dear self
2018 na tama na hoy! Hindi na uso yung salitang asa,
maawa ka naman sa sarili mo.
Patulugin mo naman yang diwa mo,
hindi yung gabi gabi eh nagiisip ka at puyat pa!Hindi kana nga iniisip nung tao eh. Hindi kapa ba nadadala? Tama na pakiusap!
Sawang sawa nako sa paulit ulit ikaw ba hindi pa nadadala at nagsasawa?Ilang taon na nga ba ang nagdaan?
Mahalin mo naman sarili mo.
Magtira ka naman ng para sayo.
Hindi puro yung ibang tao ang iniisip mo.Sila nga hindi ka naman iniisip eh,
Minsan sa buhay kailangan mo i let go yung mga bagay, ala-ala o kaya eh yung mga tao na nag papahirap at nanakit sayo simula pa noon magpa hanggang sa ngayon.Hindi yan nakaka healthy.
Hindi ka magkaka roon ng martyr award.
Walang magkokorona sayo para sa titulo mong yan,Wala tayo sa fairytale.
Mabuhay ka sa realidad
Marami pang dadating sa buhay mo na mas worth it.Magtiwala ka lang sa taas malalampasan mo din lahat yan.
Basta lagi mong lang tatandaan na, Be
"Better not Bitter."
Not for them but for you.
OK?. Bye! Love you!