Once Again
-Ian Joseph Barcelon.
Entry 18
Malapit nang lumubog ang araw. Nakaupo ako at hinihintay si Peter sa balkunahe. Dito namin naisipang magpalipas ng oras dahil mula rito, kitang-kita mo talaga ang sunset at kulay kahel na dagat.
Pagdating ni Peter, may dala na siyang plato ng niluto niyang cookies. Tumabi na rin siya sa ‘kin saka inakbayan ako. “My garlic breads are ready!” masiglang sabi niya.
Kaagad naman akong kumuha para tikman ‘yon. Simula nang makasama ko si Peter, na kami lang dalawa, siya palagi ang nagluluto. Nakakainggit nga e, mas magaling pa siyang magbalanse ng lasa kesa sa ‘kin.
“Ano? Masarap ba?” tanong niya.
Kumuha pa ‘ko ng isa habang ngumunguya. “Hindi lang masarap, sobrang sarap!”
Pagkatapos naming kumain ng garlic bread na ginawa niya, nagpatugtog naman si Peter sa mp3 player niya na sinamahan pa ng speaker. Hindi ko pa nauubos ang huling garlic bread sa kamay ko, hinila niya ‘ko para tumayo. Nagsimula siyang igalaw ang beywang niya kasunod ng mga paa’t kamay niya. Wala akong nagawa kundi matawa at sumunod sa bawat pag-indak ng sayaw niya. Para kaming mga batang nagsasayaw dalawa sa balkunahe ng bahay. Mabuti na lang, walang taong nakakakita sa ‘min.
Hinihingal na napaupo kami ni Peter, parehong tumatawa sa pagsasayaw na ginawa namin.
“Ang galing mo pa lang sumayaw,” natatawang sabi niya.
“Compliment ba ‘yun o pang-aasar?” natatawang sabi ko rin sa kanya.
Nagpaalam ulit siyang may kukunin lang siya sa loob. Pagdating niya ulit, may dala na siyang banig. Nagtaka naman ako kung saan gagamitin ‘yon.
“Ano’ng gagawin mo d’yan?” sabi ko habang nakasunod sa likuran niya. Inilatag niya ‘yung banig sa sahig na nalalatagan ng puting buhangin.
Humiga siya at tinapik ang gilid niya para sabihing tabihan ko siya. “Mas maganda kung panunuorin natin ‘yung sunset na nakahiga,” sabi niya na may kasama pang kindat.
Tumabi naman ako sa kanya. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya, nakayakap ‘yung kamay ko sa kanya habang hawak niya rin ‘yon. Tahimik lang naming pinagmasdan ang araw na ilang sandali na lang ay lulubog na. Panatag ang pakiramdam ko na nakayakap kay Peter. Pakiramdam ko kahit na mahimbing pa ‘ko, alam kong ligtas ako dahil hindi niya ‘ko pababayaan. At ang mga sandaling ganito, dapat lang na sinusulit dahil alam mong meron pa. Dahil alam mong ang bawat sandali ay may katapusan.
"Alam mo, nung wala ka pa, sobrang layo ko sa ngayon," sabi ni Peter nang hindi tumitingin sa 'kin.
"Pa'no mo naman nasabi?"
Ngumiti siya sa 'kin at ginulo ang buhok ko. "Ang bad boy ko kung alam mo lang. Gabi na madalas umuwi, palagi kaming nag-aaway ni papa at palagi rin akong may sermon kay mama." Umiling-iling siya. "Pero hindi ko na sasabihin pa masyado. Ayoko namang ma-turn off ka sa 'kin."
BINABASA MO ANG
(Available Under Tuebl) Once Again Book I: Sixteenth's Summer Days [Finished]
Teen FictionOnce Again -Ian Joseph Barcelon. [Intro] Bella and Peter were once best of friends—childhood friends—not until they both turned up six. Lumipat si Peter sa Batanes at naiwan naman si Bella sa Cavite, ang lugar na kinalakihan nilang magkasama. Summer...