Bago kumain namili na kami ng kakainin. Sinabi ko kaagad kay mommy na bumili ng halo-halo kasi mainit ulo ni baby sean. Tapos ayun pumunta na ako sa table namin. Dun ako tumabi kay Hailey kasi baka galit sa akin si Sean.
"Sab thank you talaga at sinama mo kami ni Sean." sabi ni Hailey.
"Syempre naman kayo pa ba?" Sabi ko naman.
Tapos bigla nalang may nagtext sa akin. Si Sean!!!!!!
"Sab can we talk?! I just want to know something and i just want you to know that....." yan yung nakalagay sa text talagang binitin nya pa ako.
Tapos nagsign ako na pwede. Tumayo kami nang sabay tapos tinanong kami ng sabay ni daddy at Hailey kung saan kami pupunta.
"Magpapahangin lang po" yan yung sinabi ni Sean sa text kapag nagtanong daw.
Kaya ayun sabay naming sinabi at sinabihan lang kami ni daddy na bumalik agad para sa pagkain.
"So ano nga pala sasabihin mo?" Sabi ko sa kanya pagkalabas namin ng resto.
"Sab I just want to know if you do like crysler" sinabi nya yun yung boses nya kasi parang nahihiya tapos namumula pa sya.
"Ok naman sya ang cute nga nya eh basta" sabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang malaman baka kasi masapak ko na yun eh ang landi nung lalaking yun thats all thank you for answering my question" sabi nya sa akin.
"Ah ok pwede rin ba magtanong bakit mo pala natanong sa akin yung bagay na yan?" Sabi ko kasi naman medyo nahahalata ko na yung mga nangyayari.
"Ah wala naman I just want you to be safe" sabi nya bigla.
Pagkatapos pumasok na agad kami kasi tumawag na si daddy. Habang kumakain napaisip ako bigla na parang nagiiba yung pakikitungo nya sa mga tao. Dati friendly sya pero ngayon halos lahat ng nakilala namin ayaw nyang pansinin.
After kumain nakita ako ni Crysler sa lamesa and then nagpakilala sya bigla sa mommy at daddy ko. Yung tingin sa akin ni daddy grabe parang nakapatay na ako. Tumayo ako
"Daddy mommy si Crysler Lewis po friend ko po" nakangiti ako habang pinakikilala ko sya.
"Ma'am and Sir can I invite sabrina to have some dinner with me later in the beach?" Sabi nya grabe na bigla talaga ako.
"Ok naman pero kailangan kasama si Sean at Hailey" sabi ni daddy.
"Ok thank you very much ma'am and sir, see you there Sab!" Nakakakilig kasi may date ako.
"Sab bilisan mo naman ang tagal na ni Crysler naghihintay sa labas ng bahay" sigaw ni Hailey sa akin.
"Wait lang ito na patapos na" sagot ko sa kanya.
Kasi ang hirap mamili ng damit tapos di pa ako marunong magmake up kaya ayun light lang nilagay ko kasi nakakahiya naman kung ang kapal kaya ayun napatagal ang paghihintay nya. Pero di ba if you love someone you can do anything to make her/him smile.
"Is Sabrina ready or not?"tanong nya kay Sean.
"If you can't wait for her then leave"pagalit na sabi ni Sean.
"I'm ready!! Sorry Crysler for waiting too long for me" pabebe kong sabi sa kanya.
"No it's okay, ma'am sir thank you again for accepting my request" sabi nya kay mommy at daddy.
Habang papunta sa beach nakahawak sa kamay ko si Crysler di ko napapansin na napapatagal na yung paghawak nya sa kamay ko.
Bigla nalang akong inakbayan ni Sean at pakunyaring may binulong sa akin. Tumatawa nalang si Hailey sa likod. Huminto ako para sabayan si Hailey.
"Bakit nagkakaganyan pinsan mo? Ano nakain nyan?"tanong ko sa kanya.
"Ganyan talaga kapag inlove"sagot nya.
"Kanino? Don't tell me na may nagugustuhan na si Sean at wala akong kaalam-alam" sabi ko ng pasigaw.
I don't want na marinig nila Crysler at Sean yun. Pero nangyari na namula yung mukha ni Sean dahil siguro nahihiya.
"Hailey don't tell her anything ppromise me" bulong ni Sean kay Hailey.
Nasa beach na kami for dinner hiwalay yung lamesa namin sa lamesa nila Sean at Hailey. Tapos may gitara sa lamesa na pupuntahan namin.
"Sab please take a seat and I hope you'll enjoy my performance" sabi nya sa akin tapos kinuha nya yung gitara. Kinanta nya "harana" sa harap ko.
Habang kumakanta sya tinitingnan ko sila hailey tapos nakasimangot si Sean. Natapos na yung kanta kumain na kami. Hinanda ni Crysler yung favorite kong crabs and shrimp at ito pa si mommy pala nagluto kaya ayun napasarap yung kain ko.
Tinanong ako ni Crysler "Ms. Sabrina Zalvei pwede ba akong manligaw sayo?" Natatawa pa ako nun kasi bulol pa nyang sinabi. Tumingin ako kay mommy tapos nagthumbs up sya kaya sabi ko pwede.
Simula nun lagi nang nasabahay si Crysler. Pero sa huling araw namin sa palawan naghanda si Crysler ng isang malaking sorpresa. Yung restaurant nila yung venue ng party kasi nga mayaman sya. Natapos na nakakain na kami tapos dinala nya ako sa labas sa garden may upuan doon tapos may petals ng roses tapos nakapalibot na kandila na hugis puso.
"Huling gabi na magkasama tayo kasi magpapasukan na" sabi ko.
"Anong huli?" sabi nya bigla.
"Bakit mo nasabing hindi pa ito ang huli?" sabi ko sa kanya. At trivia marunong na syang magtagalog.
"I just want you to know that I will go to manila too" sabi nya at first nagulat ako kasi sasama sya.
"Saan ka titira? Anong gagawin mo dun?" Sabi ko.
"I'm going to study with you so that I can continue what I've started" sinasabi nya yun habang nakangiti.
So ayun pagkatapos namin magusap hinatid nya ako sa bahay. Natulog agad ako kasi maaga pa alis namin.
"Sab! Gising na aalis na tayo" narinig kong nagsasalita boses ng lalaki.
Pagakagising ko si Sean pala yun. "Ang aga di ko pa kayang tumayo" yung boses ko nagiba nagpabebe.
"Ayaw mo pa tumayo sige bubuhatin kita" sabi ni Sean
"Bahala ka mabigat ako" sabi ko sa kanya.
Bigla nalang nya akong binuhat tapos si Hailey binasa yung mukha ko. Nung nasa airport na kami nandoon narin si Crysler. Di na kaya ng powers ko kaya si mommy na nagayos ng mga uupuan namin.
"Mommy bakit mo tinabi sa akin si Crysler?" Tinanong ko si mommy kasi nakita ko yung papers.
"Hayaan mo na anak at least makikilala mo sya ng lubusan" sabay kindat si mommy.
Nakasakay na kami nasa gitna ako ni Crysler at Sean kasi wala nang extra seat na pang dalawahan sila mommy nasa likod namin. May sakit kasi si Hailey kaya sya katabi ni mommy.
YOU ARE READING
S L O W L Y F A L L I N G F O R F O U R B O Y S
Novela Juvenil"Sabihin mo sakin kung hindi mo ako kayang mahalin, hindi yung pinapaasa mo ako na kahit papano, pwedeng maging tayo." A story about a girl, and the four boys she's slowly falling for. Who will she choose?