Araw ng lunes, unang pasok ni Jay-Ar sa kanilang paaralan. Pagdating roon, siya ay nanibago dahil ni isa wala siyang kakilala. Pagpasok niya sa kanyang silid aralan ay nagtinginan silang lahat sa kaniya, di dahil sa napakagwapo nito, kundi dahil sa nerd at marami siyang tigyawat.
"Halla! Grave napakapangit ba naman!" Kutsa ng mga kaklase niya sabay tawa.
Ngunit hindi na niya pinansin. Habang kasalukuyan ng klase ay binabato nila ito ng papel. Tumulo na lamang ang mga luha nito. Pagdating ng Lunch break ay mag- isa siya sa sulok ng canteen at biglang may limang lalaki na lumapit sa kaniya.
"Pre, mukhang malungkot ka ah? Ako nga pala si Mark, eto naman si Ledz, JC, Gelo at Bran".
"Gusto mo bang sumali sa squad namin? Welcome ka dito" ika naman ni Ledz
"Ah..sige ba!" Sagot naman ni Jay-Ar
Pagsapit ng uwian ay sabay sabay umuwi ang mga ito.Kinabukasan ay nagkita kita muli ang magkakaibigan.
"Oy! Mga pre, ang poporma nyo ngayon ah?"
"Syempre naman pre Jay-Ar, ikaw bat ganyan kasi pormahan mo?"
"Oo nga pre, busy ka ba sa sabado?"
"Hindi naman mga pre, bakit?"
"May pupuntahan tayo, we will transform you!"
"Yayayaaa..."
"Tara na mga pre, pasok na tayo sa room at baka malate pa tayo"
"Sige, sige"
Pumasok na ang mga magkakaibigan sa kanilang room at habang nagkaklase ay nag-uusap ang mga ito.
"Pre Jay-Ar?"
"Oh bakit pre Mark?"
"Pansin ko lang, parang bagay kayo ni Patricia"
"We, di nga?"
"Oo pre, promise! Ahm..gawa ka ng paraan para mapalapit ka sa kaniya at alam ko mabait yan, we challenge you bro"
"Haha!😂 Susubukan ko mga pre"
Dumating ang araw ng sabado at pumunta ang magkakaibigan sa Beauty Salon at pinaayusan nila si Jay-Ar. At laking gulat na lamang ng mga kaibigan nito sa kanilang nakita pagkatapos."Wow! Magic!😂"
"Wow pre, may tinatago ka palang kagwapuhan ah? Sigurado ako, mapapansin kana ni Pat☺"
"Oo nga, tinalo mo pa kami" sabay tawa ng magkakaibigan.
Araw ng lunes, nagkaklase na silang lahat, at ini-announce ng teacher ang mga score nila sa kanilang quiz last week sa Basic Calculus at eto ang nangyari...
"Here are the scores of your quiz last week and the highest is no other than...Jay-Ar Marcos Jr!"
"Wow! Magic!"
"Ang galing mo pre!"
"Wooaahh! Kaibigan namin to!" Ika ng mga kaibigan
YOU ARE READING
Destined With My Bestfriend
RomanceThis is the story of my life, it started good turn out bad, my father died and since these things happened to my life I want change. I'm Jay-Ar Marcos Jr, 16 years of existence. Grade 11 transfer student at the University of the Philippines. And no...